KABANATA 1

5 4 0
                                    

8:00 am late na ako pero ito naglalakad binabay-bay ang daan papunta sa classroom, wala akong pakialam kong ano mang sasabihin nila saakin . Basta Wala akong pakialam

Pagpasok ko sa loob ng classroom namin tila'y huminto sila sa kanilang ginawang ingay tumingin sila saglit at muling nag ingay dahil sa pagsagot ng guro namin

Tinignan ako ng guro ng masama ay palagi palang masama kapag nakatingin sya saakin. Kasalan ko bang sira yong alarm clock ko. Sanay na ako sa ginagawa ng guro at studyante dito, Anong magagawa ko wala akong oras para patulan ang kagaya nila at walang kwenta mga plastic

Nagulat ang guro sa ginawa kong paglakad sa harap nya at hindi sya binati. Hindi ba sya nasanay sa ginagawa ko piling Inosenti ang gurong to! Maka-react akala nya hindi ko ito ginawa dati

"Wala kang galang bata ka!"wala akong pakialam sa Kong ano ang sinasabi nya. Matiwasay akong umupo sa bakante kong upuan dahil ni isa walang gusto tumabi saakin. Natakakot daw ako, Hindi naman nakatakot ang hitsura ko kundi yung mga bunganga nila maraming sinasabi na kong ano ano katulad nalang ' mamatay tao daw ako at pamilya' halimao ako, wakwak , kumakain ng tao' ganda nang tsismis nila kong sabihin ko kaya kong sino ako baka lahat sila pinupuri na ako sa totoo Kong pag-katao

Wala sa mukha ang tunay na ugali ,Wala sa expression ang ugali kundi nasa dala ng tao ang loob ng damdamin ko hindi yung tinitignan nilang galaw at expression ko.

Katulad ng dati kong saan ako palagi napunta kundi detention office na tatlong oras kinulong para magtanda . Hindi ba sila napapagod magalit saakin ,Yan nalang ang bukang bibig nilang lahat ''walang kwentang bata kuno, walang galang "ts puro lang sila salita hindi naman nila alam ang totoong nangyari

Mabuti pang matulog ako at makalimutan na problema ko

           
                       ****

Napamulat nalang ako dahil sa kung, sinong tumapik sa mukha ko, agad ko itong sinamaan ng tingin ng makilala kong sino ang gumawa non, panira ng tulog. Bwesit!

"Hindi ka ba nadadala Mira"Yan na naman ang mga salita nya halos memoryado ko na lahat
"Ikaw na bata ka hindi ka ba nadala ha!, kailan ka ba titino ? Ganyang ka ba pinalaki na mama kaya ganyan ang ugali mo? Hindi kami nagkulang ng daddy mo para alagaan ka tapos ito palagi ang ginagawa mo sana yung kapatid mo nalang ang nabuhay kaysa, ikaw pa!"

"Ikaw na bata ka hindi ka ba nadala ha!, kailan ka ba titino ? Ganyang ka ba pinalaki na mama kaya ganyan ang ugali mo? Hindi kami nagkulang ng daddy mo para alagaan ka tapos ito palagi ang ginagawa mo sana yung kapatid mo nalang ang nabuhay kaysa, ikaw pa!" Diba halos memoryado ko na ang drama nya ,paki ko sa kanila , simula Bata ako wala akong naramdaman na sakit sa sinabi nila parang hindi ako nasasaktan kahit gaano pa kasakit ang kanilang salita

Tumayo nalang akong iniwan sya habang magsalita , memoryado ko na lahat wag na nyang uulitin. Napapagod lang sya magsalita doon

Lunch time  na kaya pala maraming studyante dito sa daan. Puro mangungutya ng tingin lang ang ginawa nila saakin. Hindi naman nakakain nag tingin nila bakit ko pa papansinin ang katulad nilang walang kwentang tao

Mabilis akong nag-order ng pagkain ko ,nagutom ata ako sa tatlong oras ng detention  office . Wala akong pakialam sa tingin nila, kumakain ako !, wag na wag lang nila  ako guguluhin

      ***SFX:BANG-BANG***

Tatlong putok ng baril dahilan para magsigawan ang lahat, ay hindi ako kasali kumakain ako. Lahat sila nagsitaguan sa lamisa sa cafeteria

Who's The Killer ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon