Uno

10 4 0
                                    

This story is unedited so expect typo graphical errors, grammatical errors,wrong spelling etc.

..

ESTHER POV.

"Hindi inaaraw araw ang katangahan Aria." saad ko sa nagdridrive ng kotse. Kasalukuyan akong nakaupo sa passenger seat at si Aria ang nagdridrive. Sa backseat naman nakaupo ang dalawa pa naming kasama.

"Okay lang naman, mas gusto ko yung mga taong ayaw saken." Parang tangang saad ni Aria habang nag mamaneho.

"Kaya pala dikit ka ng dikit kay Esther." singit ni Gavion sa likod. Nagkatinginan naman kami ni Gavion at tumawa.

"Ha? Di ko gets? Bakit ayaw ba ni Esther kay Aria?" lutang na singit ni Darwin na katabi ni Gavion.

"Wag mo muna nga kaming kausapin Darwin, nanggigil ako sa kaslowan mo." saad ko sa kanya at nagsitawanan lang kaming lahat.

Normal na lang na barahin at ang laitan saming apat. Sa sobrang tagal na naming magkakaibigan na halos magsawa na kami sa pagmumuka ng isa't isa ay nakasanayan nanamin.

Binabaybay namin ang kalsada papuntang mansion ni Dad. May event kasi ang company nito and as usual, invited ang tatlong 'to. My family and their family are super close bukod sa magkaka business partner ang mga parents namin, magkakaibigan narin sila since college kaya 'wag na kayong magtaka kung paano kami nagkakilakilala.

Nanaig nanaman ang katahimikan sa loob ng kotse. Tulog na kase ang dalawang lalaki sa loob. Si Aria naman at tutok sa pagmamaneho ng kotse.

Tinuon ko ang atensyon ko sa labas ng bintana. Wala akong naririnig kundi ang kakaunting  tunog lamang sa loob ng kotse dahil nakasara ang bintana.

Samu't saring mga tao na may iba't ibang pinagkakaabalahan, pinagtutuunan at pinaglalaban. Sa napakadaming bagay na pagkakaiba natin sa isa't isa, posible bang makamit pa natin ang kapayapaan? Posible bang mabigyan tuon parin ang ating sari-sariling karapatan?

Napailing na lang ako sa naisip ko. Kung sa loob pa nga lang isang tahanan o pamilya ay may mga bagay na di napapagtutuunan ng pansin, sa bansa pa natin kaya? Sa mundong kinatutungtungan pa natin kaya?

Hours passed. Sa wakas ay naunat ko narin ang mga paa ko. Nasa parking lot na kami ng mansion at sari saring mga bisita narin ang nasa loob. Lahat ay nakasunod sa color theme ng party.

Laugh, boasting, gossip, defamations etc ang bida sa party na 'to. Hindi na bago at hindi na nagbabago.

Lahat ay nakasuot ng itim dahil sa color theme ng party. Kung isa kang baguhan, malulunod ka sa samu't saring ingay at samu't saring mukha na di mo ginugustong makita.

"Lalaking lalaki ka ngayong Gabby ha." asar ni Darwin dahil naka americana si Gavion.

"Gaga! Stop calling me Gabby here!" mahinang saad ni Gavion ngunit alam mong naasar.

"Alam at tanggap naman ng Dad mo na gay ka ha?" Takang tanong ni Aria.

"Yes, but how about f*cking visitors? Nah." sagot ni Gavion.

"Ijujudge nila si Gavion, Aria.". Saad ni Darwin. Habang seryosong nakatingin sa mga tao sa baba.

"Oo, lahat ng nakikita mong malaki ang tyan at may gold na relo dito sa party, mga homophobic yan." Mataray na sambit ni Gavion habang tinuturo ang nga bisita sa baba dahil nasa second floor kami.

Back To The StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon