Dos

5 3 0
                                    

ESTHER POV.

Ginising ako ng mainit ang nakasisilaw na araw. Agad kong minulat ang aking mata at sinumulang ayusin ang sarili.

"Oh gosh." saad ko nang makitang wala ako sa sariling kwarto. Nakasuot ako ng puting bestidab at nakapaa na lamang ako.

"Patay na ko, imposibleng di pa ko patay." saad ko at bumangon at tinungo ang bintana malapit sa kama upang masilip kung nasaan ako.

Tanging kalsada lamang at mga taong naguusap usap. May mga kalesa ring dumadaan at mga taong may nilalakomg mga bagay. Ano ako nasa Vigan?

"Buenos días hermosa señorita" Saad ng isang matandang nasa likod ko at kaagad kong nilingon.

"Excuse me?" Tanong ko. Binigyan nya naman ako ng napakatamis na ngiti. She's kinda weird and im fckng scared.

"Ang sabi ko "magandang umaga magandang dalaga" ija. Halina't samahan mo akong mag almusal. Alam kong kumakalam na ang sikmura mo." pagyaya nito at napakunot ako.

First, nakakaintindi ako ng Spanish.
Second, alam kong maganda ako.

"Sorry, pero nasan po ako? Sino po kayo? Bat ako nandito? Dapat patay na ko. Anong ginaga--" Sunod sunod kong tanong ngunit pinutol nya ako.

"Halina sa baba upang mapaliwanag ko ang lahat." saad nito nang nakangiti. Wala na akong nagawa kundi sumama. Nananaig ang kuryusudad ko kaysa sa takot ko.

Nang makalabas kami sa kwarto kung san ako galing. Bumungad sakin ang hagdan papuntang sala. Mukang lumang bahay ito dahil narin sa mga lumang aparatos.

Nang makababa kami, sinundan ko sya papuntang kusina. Napakalumang mga bagay ang nandidito.

May mga antique na baso, plato at kubyertos. Pati ang stove nila ay sobrang luma. Ang mga aparador naman ay medyo creepy dahil ito yung mga nakikita ko sa mga horror movi--

"HOLY SHI--" sigaw ko nang kinalabit ako ng matandang kausap ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Bakit naman sya nanggugulat.

"Maupo ka ija." saad nito sabay inabot sa akin ang tasa ng kape. Agad akong himigop. Kase to be honest, gutom na ko.

"Ako nga pala si Telecita. Tawagin mo na lang akong Nanay. Ganoon ang kadalasang tawag sakin ng mga kabataan dito sa bayan." saad nito sa akin.

"Ikaw? Anong ngalan mo?" dagdag nyang tanong. Nilapag ko muna ang tasa kong kanina ko pa nilalagok. Baka sabihin nya patay gutom ako.

"Esther po." timid na sagot ko. Pagkatapos non ay sumubo ako ng tinapay. Nakita ko naman syang tumawa dahil sa inakto ko. Wala na akong pake, gutom na ko.

"Maganda ang 'yong ngalan ngunit hindi mo iyan magagamit dito." muling saad nito habang hinahalo ang kape ntatgamit ang kutsarita.

"Estella na lamang ang itatawag ko sayo. At kung sakaling may magtanong ng pangalan mo. Estella ang itutugon mo." Utos nito. Nanatili paring maamo ang mukha nya.

"But why? I love my name." saad ko at pinagkrus ang braso. Tumawa lang sya.

"Just tell me kung nasaan ako. Gusto ko nang umuwi." Utos ko sa kanya. Bakit naman sya ang magdedesisyon para saken.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Back To The StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon