00

1.8K 28 6
                                    


"Guys! Be quiet"



Nilakasan ko ang boses ko para makuha ang atensyon ng lahat sa classroom. Nakatayo ako sa harap, may hawak na ruler, pinapalo ko ito sa palad ko dahil naiinip na ako sa ingay. Nakatingin na silang lahat sa akin ngayon, naghihintay sa susunod kong sasabihin.





"So next week na ang foundation week, dapat daw may event ang bawat klase, kasali tayong mga grade 7. Any suggestions?" As the class president, I'm given the authority to lead. Tiningnan ko silang lahat, isa-isa. Siningkitan ko pa yung mga maingay kanina.





"Ms. pres, ako po"



Nakita kong nakataas ang kamay ni Gavin, our p.i.o. I was hesitant at first but ignoring him would be unfair, dapat bigyang pansin ang suggestions ng bawat isa. Pero si Gavin ang pinag uusapan dito. Baka kung ano-ano ang i-suggest niya. Ayokong may mag away pa dahil dito. Sabi kasi ng kuya ko marami ang drama pag high school na, may iiyak, may magsusuntukan at may mag wo-walk out sa mga ganitong pagtitipon. I nodded my head, gesturing him to go on sa kung ano man ang sasabihin niya.





"I suggest gawin nating arcade ang room!" Napatayo siya sa excitement. Nakatanggap ito ng halo-halong reaksyon.





"Ayoko nyan!"

"That's a terrible idea"

"Uy bet!"

"Ako! Ako! Akooooooo"



Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa ingay. Nakakairita pa yung isa, nagpupumilit na tawagan. Pinagbigyan ko nalang para tumahimik na siya.





"I suggest gawin nating basketball court ang room" Nakangising sabi ni Kiyoshi, our class treasurer. Nanalo lang siya dahil walang interesado sa posisyon. Sarili niya lang ang kinalaban niya. Tumakbo naman si Gavin papunta sa kanya at hinila si Kiyoshi sa isang yakap. Nagtatalon lang silang dalawa. Hindi katulad kanina, lahat ay hindi sumasang-ayon sa idea na 'yon.





"Ha?"

"Tsk, seryosohin nyo nga 'to"

"No."

"Okay, okay, any more suggestions?" Napa buntong hininga ako. This will be our first time participating in the foundation week festivities. Not only as consumers but it's our turn to serve. I want it to be memorable for everyone. Sabi nila high school will be full of memorable events. Bad or good, it won't always be the best but it will be unforgettable.





"Parang walang pagasa ang section natin" Bumulong sa akin si Elliot, our class vice president. Nakatingin lang siya sa mga classmates naming nagtataluhan tungkol sa mga suggestions ni Gavin at Kiyoshi.





"Positive lang, Elli" Inalog ko siya ng mahina kaya natawa siya bago inayos ang uniform niya.



"Guys, quiet down naman" Napahawak siya sa nape niya, napapagod na yata. Mahirap talaga mag lingkod bilang officer, mas marami na ang involvement mo sa room hindi katulad ng elementary parang for display lang ang class officers.



"I have a suggestion!" Tumayo si Arya na may malaking ngiti sa mukha. She's our class auditor. "How about a supermarket?"

"Gutom ka lang!"

"Ano?"

"No way"

"Next"

"Suggestion lang naman...." Sambit ni Arya habang hinuhusgahan ang suggestion niya. Umupo na siya at sumimangot na lamang.



Different FieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon