"Isabella!"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan ko. Pamilyar ang boses kaya hindi ako nagdalawang isip na lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nakita kong lumalakad palapit sa akin si Gavin. Nakasabit sa balikat ang blazer niya. Para siyang naulanan sa pawis niya ngayon. Naglaro na naman 'to ng basketball kasama ang mga taga kabilang section.
Nang nasa harapan ko na siya agad ko namang tinakpan ang ilong ko and looked at him with judgemental eyes.
"Oa mo," he rolled his eyes playfully. "Nag tawas ako ngayon" Pagmamayabang niya habang hinimas ang kili kili niya. Yucks.
"Anong gusto mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong pera ngayon"
"Alam ko yan" he snorted, mas nainip tuloy ako. Hindi maganda ang gising ko kanina dahil binisitahan na naman ako ng red sea. Our car running out of gas just made things worse for me! Hindi tuloy ako kasama sa top 5 early birds ngayon. Nawala na tuloy ang streak ko!
"So ano nga ang gusto mo? and also, fyi, may pera ako 'no" I rolled my eyes before crossing my arms over my chest.
"Tara na sa room" He wrapped an arm around my shoulders at sabay na kami naglakad.Hindi naman ako tumutol dahil papunta rin ako doon. Plano ko 'nun mag reklamo na mabigat ang braso niya pero nakakapagod ring magalit e. I'll save my energy for the recitation during Social Studies later.
Papasok na sana kami sa room nang pigilan ko ang kamay niya dahil nakahawak na ito sa doorknob.
"Punasan mo muna ang pawis mo, magkakasakit ka nyan" Babala ko sa kanya. "May towel ka ba?" Tanong ko nang hindi siya gumalaw at nakatitig lang sa kamay ko na nakahawak pa rin sa kamay niya.
Hindi pa siya nagsasalita o kumikibo kaya kinuha ko na lang ang pink towel ko at binato sa mukha niya. Dahil sa ginawa ko ay natauhan si Gavin.
"Wipe na" I ordered. Nagsimula na siyang magpunas ng pawis niya pero nagmamadali ito kaya hindi nagagawa ng maayos. Kahit ba naman sa pag punas ng pawis hindi pa rin siya marunong? Bini-baby talaga si Gavin sa bahay nila.
Huminga ako ng malalim bago hinablot ang towel mula sa kanya at sinumulan ko siyang punasan. Natawa pa siya nang pinunasan ko ang leeg niya, may kiliti kasi siya doon.
"Ysa, huwag na-" Diniin ko ang towel sa leeg niya kaya lumakas ang tawa niya. He tried to grab the towel away from me but he never succeeded.
BINABASA MO ANG
Different Fields
Teen FictionFRIENDS Series #1 Meet Isabella Defensor, the unstoppable libero of the volleyball team, and Gavin Latil, the fiery basketball player. They've been best friends since their elementary years, sharing everything about their lives and dreams. But as th...