"Hindi pa ako nakakasakay ng bangka" sabi ko sa kaniya.
Tinignan niya ako na para bang ako na lang ang nag-iisang tao sa mundo na hindi pa nakakasakay sa bangka.
Inirapan ko ito at akmang aalis na sa port nang hinawakan ako nito sa aking braso, nang nasa likod ko na siya ay hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at ipinasakay sa bangka. Napahiyaw pa nga ako sa gulat.
Agad akong napahiwalay sa pagkakahawak niya.
"Punyemas na 'to kala mo kung sino, sarap sapakin. Walang pwedeng humawak sa akin" usal ko dito habang tinitignan ko siya ng may nandidiring tingin.
Kinuha ko sa aking saddle bag sa may likuran ko, sa may laylayan nito ang alcohol na nakasabit at ini-spray ito sa parte kung saan niya ako hinawakan. Ilang beses ko itong ini-spray hanggang sa mangalahati na ang laman nito. Nabasa pa nga ang aking damit pero ayos lang iyon sa akin. Basta siguradong malinis at walang natitirang bacteria na galing sa lalaking iyon.
Naisipan ko rin i-spray-an si Ravi nang makatungtong na siya sa bangka. Maski 'yung mukha ini-sprayan ko na rin, kairita e.
Pinapatigil ako nito pero ipinagpapatuloy ko pa rin. Nagpagewang gewang ang bangka sa sobrang gulo nito.
"Hoy tumigil ka nga sa kakalikot mo!" bulyaw ko sa kaniya.
"Itigil mo kasi 'yang ginagawa mo!" bulyaw niya ring pabalik.
Hindi ko pa rin tinitigilan bagkus ay binilisan ko pa ang pag-spray dito at mas lalo pa siyang gumulo.
"Calliope!"
Patalikod akong lumayo sa kaniya habang siya ay nakapikit papunta sa akin, hinahanap ang aking kamay upang patigilin ang ginagawa ko kaso malas siya.
Paatras ako ng paatras hanggang sa hindi ko na malayan na malapit na akong mahulog sa tubig. Napatigil ako sa ginagawa ko at umabante ako upang hindi tuluyang mahulog. Mahirap nang ma-fall walang sasalo.
Napatingin ako sa aking harapan, nakita kong hinahanap pa rin ako ni Ravi. Napahagalpak ako ng tawa. Para kasing sira itong naghahanap habang nakapikit.
Nasa gitna ito ng bangka, nung narinig ang tinig ko ay pumunta ito sa direksyon ko. Nagulat ako dahil ang bilis niyang mapalapit sa akin.
Napaatras ako dito ng malappit na ito sa akin. Muntikan na talaga ako mahulog nang ikulong niya ako sa dalawang braso niya sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang parte ng bangka.
Aalis na sana ako nang buksan niya ang kaniyang mga mata at matiim akong tinitigan. Napatititig rin ako dito, sa mga itim at mapupungay niyang mata. Nakita ko itong nagliwanag nang salubungin ko ang kaniyang titig.
Inalis ko ang aking tingin sa kaniya at sinapak ko na ito na may nakita ako sa aking peripheral vision. Isang babaeng tinatanggal ang nakapagal na tali sa kahoy upang hindi makaalis ang bangka.