you, who warmth my heart

227 2 0
                                    

🔹🔹🔹

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

🔹🔹🔹

Inaya ako ng aking kaibigan para sa gaganaping singing contest sa bayan. Grupo naman ito na kung saan may naka-assign o may ibibigay na kanta upang iyon ang kantahin namin.

Tamang tama dahil kailangan ko ng pera ngayon. Nalubog sa utang kasi ang negosyo namin dahil sa pandemya. Kaya ito ako ngayon, nagsusumikap na makahanap ng trabaho. At isa pa ay may sakit ang aking lola at kailangan niya ng pang-maintenance niya na gamot.

Salamat talaga sa Diyos at hindi niya ako kailanman pinabayaan. Agaran ko namang tinanggap ang kaniyang paanyaya. Tuwang tuwa rin naman siya sa aking pagpayag. Tinawagan niya agad ang kakilala niya na sasali kami.

Masaya akong umuwi sa bahay at ipinamalita sa aking mga kapatid, magulang, at kay lola ang mabuting balita. Masaya naman sila sa kanilang narinig. Sinabihan pa nga ako ng galingan ko daw. Eh, hindi lang naman ako ang sasalang sa competition na iyon, grupo kami. Nginitian ko na lang sila bilang pagtugon sa kanilang pag-encourage sa akin.

Hiling ko lang na sana ay manalo kami. Ibibigay ko talaga lahat para sa performance namin.

Nagkwekwentuhan pa kami ng tungkol sa ganap sa amin buhay, habang ang aking inay ay naghahain ng aming pananghalian.

Sa totoo lang ay mas masaya ako ngayon. Dati nung sadlak pa kami sa kasaganahan, ni hindi man lang kami kumain ng sabay sabay. Kung kakain man kami ng magkakasama, sobrang dalang lang non. Sobrang gulo rin namin sa aming tahanan, hindi mawawalan ng nag-aaway.

Kaya ngayon sobrang kuntento ako sa kung anong mayroon ako. 'Yung nararamdaman mong may kapayapaan ka sa puso at sa mga nasa paligid mo. Isang malaking bagay na iyon para sa akin na hindi ko kailanman ipagpapalit sa kayamanan.

Tumulong na rin ako sa paghahain, kumuha ako ng kutsara, tinidor, baso, at pinggan. Nilapag ko ang mga ito sa aming lamesa at kapatid ko naman ay siyang nagsalansan nito. Nagtimpla ako ng juice at kumuha rin ako ng tubig sa aming refrigerator. Saktong pagkalapag ko ng pitsel sa lamesa ay ang paglapag rin ng aking inay ng kalderong may lamang ulam na kung saan ito'y sinigang sa miso.

Naupo na ako sa aking upuan, ganun rin naman si inay pagkatapos niyang ilagay ang pot holder na ginamit niya sa tamang lalagyan nito.

Habang ako ay sumusubo ng aking kinakain, nabilaukan ako ng magtanong ang aking lola. "Kumusta na pala 'yung kinekwento mong nobyo mo?".

Hindi matapos ang aking pag-ubo, madami kasi bumara sa aking lalamunan. Grabe naman kasi ang tanong ni lola, wala man lang senyas.

"Hindi ko po kasintahan 'yon, hinahangaan ko lang po" malumanay kong sagot.

"Ahh ganoon ba"

"Oho"

"Alam mo ba lola, binasted siya non"

"Nanliligaw ka ba doon apo? Nako! hindi maganda ineng na ang babae ang maghabol sa lalaki. At bakit ka naman niya binasted? Hindi niya ba nakikita na napakaganda mong dalaga, napakatalino mong bata at mabait pa. Manang mana ka kaya sa akin" mahaba niyang litanya.

One ShotWhere stories live. Discover now