GK 12

42 6 0
                                    

CHAPTER 12

Simon's POV
"Hoy! Mon-mon gising na may bisita ka!"

Ang aga aga sino ba yun?? Argggg isa lang naman tumatawag sakin ng mon-mon eh!!

Minulat ko ang isa kong mata at nakita ko si alex pinsan ko

"Ano ba yun! Puta istorbo ka eh!" Me

"Hoy! Nakakaistorbo na yung mga kaibigan mo sa baba ang dami ng kinain bumangon ka na kung ayaw mong malate sa trip nio!" Alex

Tumingin ako sa orasan 8:50 na! 9:30 ang departure namin

"Pakshet alex bat ngaun mo lang ako ginising!"

Aba!binato pa ako ng bote

"Hoy!pinagod mo ko kakasigaw sayo puta ikaw pa galit!"

Tinabig ko siya wala ng oras para makipagaway pa ko dito sa baliw na to wala ng oras nagiintay na siguro sila kaye dun

Agad akong bumaba after 6 minutes ng paghahanda

"Tara na dali!" Sigaw ni kristoff na agad lumabas nung nakita niya akong bumaba na

Habang nasa kalye kami mintik na kami mabanga

*peeeeep peeep*

"Gago! Magpapakamatay ka ba" sigaw nung driver

"Puta!ikaw ung paharang harang diyan" oliver

Mukhang mapapaaway pa kami

Pagtingin ko sa orasan ko 9:15 na

Wala ng oras

"Tara na wag nio na patulan yan" gavin

Agad naman naming nilampasan yung mga yun

Pagdating namin sa school agad namin nakita sila samantha na paakyat ng ng bus agad kaming tumakbo at yes nakasakay rin

Tinignan nila kami ng masama

Nagpeace sign lang kami

Agad akong humanap ng seat at ung tabi pa ni kaye yung vaccant. Oh Destiny!! Yuck ang gay!!

Nakita ko siya naka-earphones at nakatingin lang sa bintana

Tahimik akong umupo sa tabi niya

Buong trip tahimik lang kami nagulat ako ng bigla siyang nahiga sa balikat ko

Pagtingin ko tulog na tulog

Inayos ko yung higa niya para maging komportable siya

Pinagmasdan ko siya

Hayyy ang ganda talaga ng babaeng to yung mga mata niya na may mahabang lashes,matangos na ilong, pink lips everything about her was so perfect i wish ganun lang kadali na sabihin sayo yung feelings ko pero natatakot ako dahil alam kong kahit baliktarin ko pa ang mundo hindi mo parin ako magugustuhan dahil ang dakila kong bestfriend ang gusto mo

"Kaye,kaye gising andito na tayo" sabi ko sabay mahinhin ko siyang inaalog

"Hmmmmm" sabi niya sabay kinukusot niya yung mata niya

Pagkagising niya inalalayan ko siya pababa pagbaba namin

"Wow" yan lang ang nasabi naming dalawa yung orphan kasi na naka-assign samin nasa taas ng hill and ang ganda ng view

"Ang ganda ng view" kaye

"Parang ikaw" me

"Ano?" Kaye

"Ah sabi ko parang probinsya namin"me

Wohhh kinabahan ako dun buti hindi niya narinig

Kaye's POV

hayyy!! Ang saya kasama nung mga bata kanina sa orphan ang dami naming ginawa sumayaw kumanta nag-drawing at marami pang iba

Nakita kong sobrang saya nila

"Wag ka na umiyak krystal gagaling din yan andito si kuya di kita pababayaan" rinig kong sabi ng isang lalake

Tumingin ako sa may playground

"Kuya mashakit talaga eh" sabi nung batang babae

"Sige hihipan ko" sabi nung lalake

Di ko namalayan umiiyak na pala ako

"Oh panyo"

Pagtingin ko sa gilid ko nakita ko si simon nag-aabot ng BLUE na panyo

"Alam mo ba malaki ang meaning ng blue na panyo sa kin"

"Huh?"

"Yang blue na panyo pag nakikita ko yan naaalala ko ang papa ko"

"Bakit nasan ba yung papa mo?"

"Iniwan niya na kami sumama na siya sa ibang babae, alam mo bang minsan naiisip ko bakit ang unfair sobrang unfair ng buhay ko bakit hindi nila ako binigyan ng masayang pamilya, alam mo tuwing nakikita ko yung picture ko nung binibinyagan ako, na kumpleto pa ung pamilya namin naiiyak ako bakit ba kasi isa pa ako sa 90% out of 100 na hindi kumpleto ang pamilya, bat hindi pa ako nakasama sa 10% ang unfair diba tapos nawala pa ang kuya ko"

Pagkatapos kong sabihin yan nagulat ako ng bigla niya akong niyakap

"Iiyak mo lang yan" bulong ni simon

After few minutes bumitaw na ako

"Tignan mo may uhog tuloy yung damit ko" simon

Natawa naman ako dun

"Grabe wala naman eh"

"Yan mas ok tumatawa ka na, tara na nga"

"Sus"

"Kalimutan mo muna yang problema mo kaye bata ka pa marami ka pang pagdaraanan na pagsubok kailangan wag kang susuko" simon

~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
Salamat sa mga bumabasa ng story ko promise dadalasan ko ang pag-update
Please keep supporting guys and vote and comment also

-MissBatGirl

Gusto KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon