⊹ Chapter 1 — Ravii's POV ! ¡
◜🧺🌨️🌴°.♡🎀◝ ────── • • • ✦Mga nag niningning na bituin na ka'y hirap abutin. Ka'y gandang mga ulap, na ka'y sarap hawakan. Tumitig ako dito at inalala ang nakaraan nang tapikin ako sa likod ng aking best friend, si Natasha.
"Hey, okay ka lang? baka last sleep over ko na to huhu" napalingon naman agad ako sa kanya.
"Anong last? pinagsasabi mo jan" inirapan ko nalang siya.
"May pasok na sa isang araw gaga ka. Di ka pa ata nabili ng mga gamit mo" eto nanaman siya, para talaga tong nanay.
"Wala pa nga hehe" hahampasin na sana niya ako nang bumukas ang pinto.
"Mommy......" iimik na sana nang sumabat si Natasha.
"Wala po yun tita, wala po kayong nakita hehe" jusq, di na nahiya.
"Ano ba kayo, okay lang yun haha. Oh mga anak, eto pala maryenda nyo" sabay lapag ng tray sa mini table ko.
"Thank you mommy!"
"Thanks tita hehe"
Kinain na namin ang cookies na dala ni mommy habang nag nnetflix kami kasi astig kami.
"Nga pala, punta tayong mall bukas, bibili tayo ng gamit natin. Sakto at plano ko ring bumili bukas" paliwanag niya habang nanonood kami.
Um-oo nalang ako dahil hindi ako makapag focus sa pinapanood ko. In-enjoy na namin ang aming "last" or whatsoever naming sleep over dahil pasukan na sa isang araw.
Maagang nagising si Natasha dahil uuwi na daw siya. Nag paalam siya sakin pero hindi ko siya pinansin dahil inaantok pa ako.
"Chat you later gaga" sabay bato ng unan saking ulo.
Binato ko din siya ng unan pabalik pero hindi siya tinamaan. Wala naman akong pake dahil inaantok pa talaga ako. Kita kong inayos na niya ang mga gamit niya at lumabas ng aking kwarto bago ako bumalik sa aking pag tulog.
12:35pm nang ako'y maalimpungatan dahil sa sinag ng araw. Nakita ko ring nagchat sakin si Natasha at iba ko pang mga kaibigan. Hindi ko ito pinansin at bumaba na ng kwarto.
"Tanghali kanang nagising Ravii" yan ang bati agad sakin ni mommy.
"Masyado akong pinuyat ni Nata de coco" irita kong sabi habang sumasandok ng kanin.
Tumawa nalang siya at sinandukan ako ng ulam. Pag tapos kong kumain ay agad akong nag hugas ng plato kasi day off ng mga maids namin ngayon. Tanging drivers lang ang nandidito. Umakyat ako pag tapos para lumigo pero tumawag si Nata de coco.
"Ano?? gusto mo ako??" pang yayamot ko.
"Gaga, sunduin kita jan sa inyo ng mga 2:30, mamimili tayo" sabay end ng call.
Loko talaga tong babaeng to. Papatayin ba naman ang call ng walang pasabi. Naligo na agad ako at nag bihis ng aking damit. Inayos ko na rin ang buhok ko at nag ayos ng mukha. Saktong may bumusina sa labas sabay tunog ng aking cellphone, hudyat na nasa labas na siya. Bumaba na ako at nag paalam kay mommy.
"Sa may SM tayo, malapit sa park. Malay mo may shawty dun" bungisngis niya sakin kaya napairap nalang ako.
Natulog ulit ako sa loob ng kotse dahil nakaramdam ako ng antok. Nakinig nalang ako ng music at sinalampak ang aking headset sa aking tenga.
YOU ARE READING
Traumatizing Love
FantasyLove? Why would I believed in love? They only hurt us. Ravii said not knowing her future will be. Not only with love, but also with her soulmate, Xavier.