Chapter 2 — Ravii's POV ! ¡
◜🧺🌨️🌴°.♡🎀◝ ────── • • • ✦Nagising nalang ako sa lamig ng hangin. Ang pagkakaalam ko, sa van ako nakatulog pero bakit sobrang lamig dito?? Agad akong nagmulat at nakita kong isang kamay ang nakayapos sa bewang ko. Hindi ito si mommy kasi di siya maugat. Laking taka ko nalang kaya napalingon ako at nagulat ako kung sinong katabi ko.
"X-Xavier.... Why are you here? beside me?" bulong kong sabi sa kanya.
Tulog ito sa aking tabi at tipong mahimbing ang tulog na animo'y nasa kanila. Hindi ko inaasahang sasagot ito sa kanyang tulog.
"Can't you see, i'm sleeping. You should be happy i'm right here beside you" at tipong hinigpitan pa ang yakap saking bewang.
"Oh...." grabe, buti nalang hindi ako napasigaw.
Tinignan ko kung anong oras na. 11:25pm narin pala. Akala ata ni Xavier na nabangon ako kaya mas lalo niyang higipitan ang yakap niya sakin.
"Kalma Xav, hindi naman ako aalis sa tabi mo" antok ko pang sabi.
"Dapat lang" bulong niya sa tenga ko bago matulog ulit.
Hindi naman ako uminom ang sleeping pills pero inaantok nanaman ako. Maghapon na akong tulog, nakakapagtaka. Hindi narin ako kumain ng hapunan sa sobrang antok. Para bang hindi ako natulog ng tatlong araw.
6am nang magising ako sa aking higaan. Nakita kong wala na si Xav sa tabi ko. Hinahanap ito ng paningin ko. Nasan na kaya siya?
"Good morning Rav" bati niya sakin kaya napalingon ako.
Pinupunasan niya ang kanyang basang buhok at tipong bihis na. Naka black na shorts at plain white na t-shirt. Grabe, sa simpleng suot niya palang napakapogi na niya, pano pa kaya pag ayos na ayos siya?
"Is that you how you greet me in the morning? staring at my body and face?" natauhan naman ako bigla, nakakahiya putcha.
"Kahit naman sa pag gising mo, nananaginip kapa din" hindi ko pinahalatang nahihiya ako.
He giggled and i went to the bathroom. Nag half bath lang ako at nag ayos ng sarili. Sabay kaming bumaba at nakita ko naman silang lahat, kompletong nakain sa hapag kainan.
"Kamusta ang tulog niyo? masarap ba? o mas masarap ng may kayakap?" pang uuto sa amin ni mommy.
Nagkatinginan kami ni Xav at parang wala lang ito sa kaniya.
"Mas masarap ng may kayakap" sagot ni Xav.
Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Talagang napabukha ang aking bibig habang nauna na siyang umupo sa table.
"Close your mouth and come here, eat na ikaw" gulat parin akong sumunod sa kanya at naupo sa tabi niya.
Siya na rin ang nag sandok ng kanin at ulam sa aking plato. Nakangiti lang sila mommy sakin at gusto akong asarin.
"H-How can you...ma!" para nila akong trinaydor ah.
"C'mon anak, may tiwala ako kay Xavier. I believe wala siyang ginawa sayo right Xavier?" sabay tingin ni mommy sa tabi ko.
"Yes tita" sabay subo sa kanyang kinakain.
Irita akong kumain. Halos ubusin ko lahat ng ulam kasi gutom na gutom ako. Hindi nga ako inaantok, lagi naman akong gutom. Anong nangyayari sakin?
YOU ARE READING
Traumatizing Love
FantasyLove? Why would I believed in love? They only hurt us. Ravii said not knowing her future will be. Not only with love, but also with her soulmate, Xavier.