" 𝑵𝒂𝒌𝒂𝒖𝒘𝒊 𝑵𝒂"
~Cold Angel~
[Lame, errors ahead]
"Mag-iingat ko doon, anak." nagpapahid ng luhang saad ni papa.
Ngumiti ako,
"I will, papa, " gusto ko mang manatili ay hindi maaari, kailangan kong pumunta sa ibang lugar dahil do'n ako nadestino
"Mamimiss kita" Niyakap niya ako nang mahigpit
Gustong tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko, ayokong umiyak.
"Mamimiss din kita, papa" Dahan-dahan na akong kumalas
"Lagi kayong mag-iingat ni mama" ngumiti ako, ngumiti si paa bago guluhin ang buhok.
Damn! this is too hard for me! Daddy's girl ako.
"Papa" Agad akong yumakap, kasabay ng pagpatak ng luha ko
"Shhh, wag ka ng umiyak, 'nak. " Sinapo ni papa ang likod ko,
Gusto kong tahimik na umiyak ngunit ang mumunting hikbi na galing sa bibig ko ay namumukodtangi.
Hindi kona mapigilan ang hikbi na kumakawala
Niyakap ko nang mahigpit si papa bago napag-desisyonang kumalas.
Ngumiti ako nang pilit bago nagpunas ng labi at niyakap si mama...
"Lagi kayong mag-iingat dito ah?" saad ko bago kumalas sa yakap
"Tatawag ka lagi, 'nak, ha?" paalala ni papa
"Opo," Isang yakap pa ulit bago ako tuluyang pumasok sa airport.
Kumaway pa ako, I need to do this.
"I love you!" Sigaw ko
Nakangiti habang umiiyak silang kumaway sa akin
Buong biyahe ay umiiyak lang ako, hindi ko alam ang magiging buhay ko nang wala sila sa tabi ko
Sa buong buhay ko ngayon lang ako mahihiwalay sakanila
Pagkarating ko ng maynila ay naninibago ako, hindi ako sanay sa ganitong mundo, masiyadong maingay
Oo, probinsyana ako. Lumaki ako na puro puno ang nasa paligid ko
Hindi ako sanay sa ganitong mundo, pero para kay mama at papa, lahat titiisin ko.
Ilang araw, linggo, buwan, at taon ang lumipas, hindi Parin ako nakakauwi sa probinsya,
Tuwing tatawag ako sa bahay ay wala si papa, minsan lang kami nakakapag-usap
At ngayon? Halos dalawang buwan kona siyang 'di nakakausap kahit manlang sa telepono
"Hindi ka ba talaga sasama?" tanong ng kasamahan ko sa trabaho. Umiling ako bilang sagot, kung ipang-gigimik ko ang pera ko, ipapadala kona lang sa pamilya ko
July 25 na ngayon, huling pag-uusap namin ni papa ay nung april, ang sabi niya, dapat umuwi ako sa nobyembre sa araw ng mga patay.
Miss kona si papa
Umuwi ako sa boarding house at agad na tinawagan si mama
Naka-ilang ring pa bago niya nasagot
"Anak?" Sabi niya sa kabilang linya
"Ma, si papa?" Tanong ko
"Nako, wala rito. Ngunit ang sabi niya, pag tatawag ka raw sasabihin kong miss kana raw niya" Ngumiti ako matapos marinig iyon.
YOU ARE READING
Cold Angel's Oneshots
RandomThis is the compilation of my oneshots stories, there will be no part 2 in each stories. Every chapter has different stories. Sabayan niyo akong lumuha. Gracias🥀