Chapter 4: The feelings is mutual.

2.7K 90 7
                                    

**

DARRENS' POV

"The hell? Ako yung nabugahan mo ng iniinom mo pero ikaw yung galit?" Saa ko habang pinupunasan ang damit ko, disgusting. It's so arghh, nakakairita.

"Nag sorry na nga diba?" Saad nito at tsaka napakunot ang noo ko. "Talaga bang nagso-sorry ka? You don't look sincere, tapos galit kapa. Ikaw yung may mali, hindi ako." Saad ko

"Kaya nga nag sorry diba? Ano pa bang pinuputok ng butsi mo? Gusto mo bang lumuhod pa'ko sa harap mo?" Saad nito at tsaka ako tinapik ni Dione sa balikat.

"Tama na lovebirds" Saad ni Dione at tsaka ako napaubo

"Lovebirds?! Kadiri" saad ni Amara at tsaka umaktong may inaalis sa kamay. "Kinikilabutan ako, mandiri ka nga" Saad nito

"Ang kapal mo din talaga e noh? Ilang beses mo na'kong tinanggihan, mahiya ka naman. Ako na 'to. Girls would die to be with me, tas tatanggi ka lang sa'kin?" Saad ko

"I would rather die" Saad nito

"Diyan nagsimula lolo at lola ko" Saad ni Danica at tsaka uminom.

"Wala ka non!" Sabay naming sigaw ni Amara na, sigaw ng taong sasabog na sa inis.

"Grabe, ang harsh niyo sa'kin noh? Pero true" Saad muli ni Danica at tsaka sila tumawa.

"Can you guys chill? Masyadong mainit yung tension sa inyong dalawa, Baka mamaya mapagtripan kayo ni Lord at kayong dalawa ang magkatuluyan." Saad muli ni Dione at tsaka ko inilagay ang tissue sa bibig niya. "Ang kadiri mo Kuya!" Saad nito at tsaka itinapon sa'kin papabalik ang tissue.

"Bakit kasi andito ka? Sa lahat ng pwedeng puntahan bakit dito pa?" Sunod-sunod niyang tanong. Naiirita na talaga ako sa kaniya, ang ingay-ingay, ang sakit masyado sa tenga.

"Sayo ba 'to? Kung makatanong ka parang sayo 'tong coffee shop na 'to a." Saad ko.
"Oo nga naman ate, may point siya." Saad ng babaeng nasa gilid niya, at saka nag L sign sa'kin si Amara.

"Oo nga Amara, e kay Kuya Darren 'tong cafe e." Saad ni Danica at tsaka umiwas ng tingin kay Amara.

"Kaya pala Hindi masarap yung pagkain, walang lasa yung drinks, Ang baduy pa ng pangalan." Saad nito at tsaka ko siya inirapan. "Monday's cafe pero Thursday nag opening." Pabulong nitong saad.

"Hello? I got that name from my favorite mamon producer, Monde. Tsaka, Hindi ko namang kasalanang ngayon lang kami nagkatime diba?" Saad ko. "At saka anong hindi masarap? E said na said nga yang drinks mo, nabuga mo pa sa mukha ko."

"I hate your guts." Saad nito at tsaka iniligpit ang mga gamit. "The feelings is mutuals, I hate you, so, so much." Saad ko at tsaka siya dali-daling umalis ng cafe.

"Una na kami ate Danica." Saad ng kasama nilang babae at tsaka umalis

"Ang init ng dugo niyo sa isa't-isa noh?" Saad ni Ivan. "Alam mo Ivan, mas gusto kong manahimik ka na lang." Saad ko at tsaka ibinigay kay Ivan ang bag ng kapatid ko.

"Diyan kana sa boyfriend mo Dione, una na'ko. May basketball game pa kami." Saad ko. "Kuya, kain muna tayo please. Tsaka, maglalaro din naman si Ivan, kaya sasabay na lang kami sayo." Saad ni Dione at tsaka nag puppy eyes.

"Bakit pag ikaw na yung nagpacute kadiri na? Umayos ka nga, Hindi bagay sayo. Masyado kang mapagpanggap, alam na ng bf mo kung gaano kasama ugali mo kaya wag kang umarte ng ganiyan." Saad ko, at tsaka niya'ko hinampas.

I'm his Obsession - Mafia Series 2 ( Under revision ) Where stories live. Discover now