Chapter 5: Worried?

2.8K 82 4
                                    

**

DANICA'S POV

"Tapos?? Anong nangyari??" Tanong ko kay Amara habang nagsusuot ito ng sapatos. "Ayon, nag-usap sila, nag-usap kaming lahat." Saad niya, ngunit halata sa boses niya ang lungkot na hindi mo ma i-describe, ang lungkot sa boses niya ay nakakapanghina, para bang, sobra siyang nasaktan.

"Anong sabi ni Tito Luke?" Tanong kong muli. "Amara, kung hindi mo kaya i share sa'kin okay lang, hindi kita pipilitin." Saad ko at saka niya ako tinignan ng direkta sa mata, Kitang-kita ko ang luhang namumuo sa mga mata nito, pero alam ko din sa sarili ko na kahit namumuo ang mga luhang iyon ay salungat ang sasabihin niya sa'kin.

Okay lang ako, yun naman lagi.

"Babawi raw si papa, masaya si Sam, dahil ngayon niya lang ulit nakita si papa at wala siyang alam tungkol sa nangyari sa pamilya namin. Si mama naman, masaya na hindi, masaya siya kase may tatayo ng ama sa'min, hindi siya masaya kase masakit pa rin, andon pa rin yung naiwang sakit, nakatatak pa din sa puso niya. Ang hirap, sobrang Hirap." Saad nito at saka ko tinali ang sintas ng sapatos niya. Pinaupo ko siya sa harap ko, at saka ko tinali ang buhok niya.

I know her, I know my best friend so well. Alam kong hindi na niya kaya pero wala siyang choice kung hindi magpakatatag, walang ibang kukunan ng lakas sina tita, kundi siya. Mapagpanggap ang kaibigan ko, aakto siyang malakas, na okay lang siya, kahit durog na durog na siya. Ayaw niyang kaawaan siya ng tao, ayaw niyang makita ng ibang tao ang soft side niya dahil hindi siya kilala sa ganong paraan..

"Sigurado ka bang kaya mong maglaro ng Volleyball ngayon? Pwede namang ibang players ang palaruin e. Sabihin ko kay coach, masama pakiramdam mo." Saad ko ngunit hindi ito umimik, nakatingin ito sa may opening ng gym. Kitang-kita ko si Sam, may kasamang lalaki.

"Papa mo?" Saad ko at saka niya ibinalik ang atensyon niya sa akin at tumango. "Maglalaro kapa?"

"Oo naman, May captain bang umaatras sa laro." Saad nito at saka ngumiti. "Don't worry Ica, kaya ko, ako pa." Saad niya at saka dali-daling tumakbo si Sam papunta sa kaniya, niyakap naman niya patalikod ang ate niya.

"Hi ate!!" Saad ni Sam at saka ngumiti ang papa nila. "Para kang bata" Saad ni Amara at saka umayos si Sam.

"May dala akong food for you, gawa namin ni papa. Kain ka muna bago mag start yung game niyo, Ate Ica, kain po muna kayo." Saad ni Sam at saka ako ngumiti.

"Thank you." Saad ni Amara at saka sa kaniya iniabot ng papa niya ang paperbag nitong dala

Halatang hindi pa din niya tanggap, hindi man lang matawag na papa yung papa niya.

"Thank you po Tito." Saad ko at ibinigay sa'kin ni Amara ang paper bag. "Pa, Bili po tayo ng Gatorade nila Ate, tsaka po yung favorite snacks niya." Saad ni Sam at saka sila nagpaalam sa'min at lumabas.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Amara at sumandal siya sa balikat ko.

Hindi ko ata kaya, hindi ko ata kakayaning makitang ganito ang kaibigan ko.

"Kain tayo?" Saad ko, binuksan ko naman ang dalang pagkain nila Sam. "Favorite mo pala 'to e, Kare-Kare tsaka buttered shrimp, binalatan na nila yung shrimp." Saad ko pero wala siyang imik. Iniayos ko naman siya at saka siya sinubuan.

"Ang tamlay mo." Saad ko habang ngumunguya siya. "Daig ko pa ang nag-aalaga ng baby, magsalita ka naman bff." Saad kong muli. "Sorry Ica ha, Wala talaga akong gana."

"Amara, naiintindihan ko sitwasyon mo." Saad ko. "What the hell?!!" Sigaw ng kung sino sa likod namin. Ang lakas ng boses, ang sakit masyado sa tenga.

I'm his Obsession - Mafia Series 2 ( Under revision ) Where stories live. Discover now