CHAPTER 1

35 2 12
                                    

Nasalukuyan akong nakatayo sa hamba ng pinto ng aking nakatatandang kapatid para tanungin kung pwede na akong sumama sa kanilang paglalakbay. Hindi kasi gusto ni Amang Hari na sumama ako sa kanilang mga paglalakbay ng aking mga kapatid. Palagi na lang akong nakakulong sa aming palasyo o minsan sa aking silid.

Simula kasi noong namatay ang aking Ina, palagi na lang akong nakakulong sa palasyo. May mga kasama naman ako, pero iba pa rin kapag pamilya ang kasama. Namatay ang aking Ina noong isinilang niya ako, at may hinablong sinasabi sa aking Ama at aking mga kapatid. Hindi ko alam kung ano iyon, pero isang bagay lang ang alam ko: kailangan nila akong protektahan. Iyon lang ang tangi kong alam sa sinabi ni Amang Hari sa akin. Kahit isang mata lang sana ay makita ko si Ina, ang aking Reyna, pero napakaimposible ng mangyari iyon. May litrato ang Reyna, pero sila lang ang nandoon—yung apat, wala ako dahil nandoon pa ako sa kanyang tiyan.

Palaging kinikwento ni Ama sa aming tatlo ang kanilang pagkabata ni Inang Reyna hanggang sa umibig sila sa isa't isa.

Nandito ako sa hamba ng pinto ng aking kapatid; kumatok ako ng ilang beses bago binuksan ang pinto. Pumasok naman ako sa kanyang silid at nilibot ang aking paningin.

"Anong ginawa mo rito, aking magandang kapatid?" pagtatanong nito sa akin. Alam kong alam na niya ang aking dahilan ng pagpunta rito, pero nagtanong pa rin ito.

"Kuya, gusto kong sumama sa inyo ni Ama sa paglalakbay. Inip na inip na ako rito," pagsasabi ko naman ng totoo. Linapitan niya ako.

"Sa akin, walang problema, pero kay Kuya Casper at kay Amang Hari, hindi ko alam. Kaya kung gusto mong sumama sa amin, dapat makumbinsi mo si Ama at Kuya." Nginitian naman niya ako at ginulo ang aking mahahabang kulot na buhok.

"Kaya nga ako nakatayo rito para tulungan mo akong makumbinsi sila, Ama," pakiusap ko, at wala naman itong nagawa kaya tumango na lang.

Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon sa hapag-kainan at palagi naman akong tinignan ni Kuya Caspian ng masama, sinisinyasan na sabihin kay Ama ang aming pinag-usapan kanina. Pero pinalipas ko muna. Bago kami matapos kumain, sabay kaming tumayo. Nang palapit, lumabas si Ama mula sa kusina, doon ko na siya tinawag.

"Ama!" pasigaw kong sabi, dahilan ng pag-echo sa kusina. Humarap naman ito sa akin. Tinaasan pa niya ako ng kilay bilang pahiwatig na ano ang aking sasabihin. "Ama, gusto kong sumama sa inyong paglalakbay kasama sila Kuya," payuko kong sabi, nahihiya pa rin ako kay Ama kapag may sasabihin sa kanyang ganitong klaseng pakikiusap. Alam kong palapit si Ama sa akin dahil sa kanyang taglay na karisma na mahuhulaan mong siya ay isang hari.

Tinaas niya ang aking baba para magkapantay ang aming mga mata. "Alam kong gusto mong sumama sa amin at makita ang lahat ng sulok ng mundong ito, pero sa akin, hindi ako pwedeng magbigay ng pahintulot na iyon. Pinapayagan na kitang sumama, pero pinapayagan ka na ba ng iyong mga kapatid?" Napangiti na lang ako kay Ama sa kanyang sinabi dahil alam kong hindi niya ako matitiis.

"Ama, nakumbinsi ko na si Kuya Caspian at..." naputol na lang ang aking sasabihin dahil sumabat ang aking matipunong kapatid.

"At ako, hindi mo makukumbinsi," sabat ng aming panganay na kapatid at tinalikuran kami.

Akala ko nauna na siyang lumabas, pero nakikinig lang pala ito sa amin. Tinignan ko naman si Ama at Kuya Caspian; sininyasan naman akong sundan ang galit kong kapatid. Yumuko ako sa kanila para magbigay-galang at saka patakbong lumabas upang masundan ang kuya. Naabutan ko na lang itong papasok sa aking kwarto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa aking silid. Nagmadali na lang akong sumunod dito.

"Kapatid," hingal na hingal kong sabi, at nakangiti naman itong humarap sa akin. "Kuya, pwede na ba akong sumama?" pakiusap ko pa rin dito kahit para na akong kapusan ng hininga dahil sa klase-klaseng emosyon.

THE VAMPIREWOLF(ON GOING)Where stories live. Discover now