CHAPTER 2

23 2 10
                                    

Sa hapong iyon, nawalan ako ng sigla at saya dahil sa mga titig niyang nakakaakit at nakakawala ng sistema. Kung alam ko lang kung sino ang pupuntahan ko, talagang pupunta ako sa kanya. Pero parang kaytagal na naming magkilala dahil gusto pang pumunta ng aking sarili sa kanya.

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking malaking kama at silid dahil gabi na. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa katok na magkasunod-sunod.

"Bukas yan!" sigaw ko rito sa loob. Bumangon ako at sinandal ang ulo ko sa sandalan ng kama. Tinignan ko kung sino iyon, mga kapatid ko pala.

"Do you want to sleep beside me, brothers?" tanong ko sa kanilang dalawa at sabay silang tumango na parang bata.

Nang nakalapit na sila sa akin, sabay pa rin silang humiga sa aking kiliran, dahilan para mapagitnaan nila akong dalawa. Ginawa namang mga unan ang aking mga hita.

"Pwede ba naming malaman kung ano ang bumabagabag sa isipan ng aming mahal na bunsong kapatid?" matipuno’t mahinahong sabi ng aming panganay na kapatid na prinsipe.

"Wala lang naman... iniisip ko lang na sana hindi na lang ako pinanganak ni Ina, dahil hindi sana tayo, o kayo ni Ama, iniwan ni Inang Reyna," malungkot kong pahiwatig sa kanilang dalawa. Napaangat naman ang kanilang mga ulo dahil sa pagkabigla sa aking sinabi.

"Yan ba ang walang bumabagabag sa iyong isipan?" pilosopong sabi nito.

"Shhh... wag kang magsalita nang ganyan. Syempre, malungkot kami sa pagkabiglang pagkawala ni Ina, pero nang dumating ka sa buhay naming tatlo, bumalik na uli ang aming saya dahil nandiyan ka... Oo, tama ka, malungkot kami noon, lalo na si Ama, pero—" naputol ang kanyang sinabi dahil sa pagkabigla naming tatlo nang napatingin kami sa pinto dahil sa lalaking nagsalita.

"Pero ayaw naming sisihin ang iyong sarili, anak. Hindi lang kami ang lumuluksa noon..." at pinutol niya ang kanyang sinabi para makaupo rin ito sa tabi ko. Umusog naman ng kaunti ang kapatid ko para makaupo nang maayos ang aming Amang Hari.

"Dahil lalo ka nang simula pagkabata mo, kahit hindi nakita o nahawakan ang iyong Inang Reyna, alam mo bang nasaktan kami... nasaktan kami dahil sa iyo," mahabang paliwanag ni Amang Hari at hindi ko napansing tumulo na pala ang luha sa aking mata. "Mahal na mahal ka namin ng iyong mga kapatid, kaya ngayon matulog na kayo, gabi na." Para tuloy kaming bumalik sa pagkabata na pinatulog ni Ama, at sabay naman kaming napatangong tatlo. Nagpaalam si Ama sa amin para magpahinga.

Tanging larawan at panaginip lang kita makikita, Ina...

Maaga akong nagising dahil maaga rin akong nakatulog kagabi, pero hindi iyon ang nagpaaga ng gising ko kundi dahil naalipungahan ako sa mga paa ng aking mga kapatid kahit saan na lang ito napupunta. Ang kanilang mabibigat na paa. Ang paa ni Kuya Caspian nasa mukha ko na, pati naman kay Kuya Casper nasa noo ko, parang mababalian ata ako ng buto nito ng wala sa oras.

Kulang na lang na makapuson ako ng hininga, ang haba kasi ng mga paa nila, para tuloy akong unan na tinatandaan nilang dalawa.

Nang pakiramdam kong nalapit na akong mawalan ng hininga, sumigaw ako ng, "Ama... amaaa... tulong!!!" Sigaw ko nito dahil nasa kabilang kwarto lang ito natutulog. Maya-maya lang ay nandito na siya.

"Why? What... anong nangyari rito?" magkasunod-sunod at natatarantang sabi ni Ama. Tinignan ko si Ama, alam kong naalipungahan lang siya dahil sa bigla kong pagsigaw.

"Ama, tulungan mo ako rito, hindi ako makahinga dahil sa mga paa nila kuya. Kahit anong tanggal ko rito, ibabalik pa rin." Pagsusumbong ko kay Ama at tinignan ko naman itong naalimungahan lang. At tinignan ko ang aking mga kapatid na mahimbing paring natutulog na parang walang narinig sa pagsigaw ko kanina.

Walang nagawa ang aking Ama at sinunod ang aking utos. Iniwan ko naman silang tatlo sa aking silid dahil kukuha lang ako ng tubig sa kusina, dahil sa uhaw, at bigla namang pumasok ang kalokohan sa aking utak. Nang bumalik ako sa aking silid, tamang-tama lang pala ang aking dinalang kaldero at sandok.

Nagtaka naman ang mga kusinera kung ano daw ang gagawin ko sa mga gamit na aking dinala. Sinundan naman nila ako, at noong nalaman nila ang aking mga kalokohan, tumatawa pa ito dahil baka raw pagalitan ako ng aking Amang Hari at aking mga prinsipe.

Pinauntog ko ang mga kaldero at sandok, gumawa naman ito ng ingay kasabay ng aking tawa at sa mga dalagang kusinera. Hindi ko pa rin tinigil ang pag-ingay hangga't hindi sila gigising tatlo, dahil nakipagsiksikan na rin palang natulog si Ama sa kanila.

Tinignan ko ang tatlong natutulog at hindi ko namalayan na hulog na pala ang aking dalawang kapatid sa kama, siguro dahil sa ingay at naalipungahan ito.

"What the heck!" bulalas ni Kuya Caspian.

"What the heck too! You're such a two fucking brothers, guys!" mura ko rin sa kanila. "Do you want me to die? Mga kuya, alam niyo bang kulang nalang malagutan na ako ng hininga dahil sa mga walang hiya niyong mga paa!" Napahinga ako dahil sa taas ng paliwanag.

Nagtanong ito sa akin kung ano raw ang nangyari, at ikinuwento ko naman ang nangyari sa kanila, at tumawa naman ang aking Ama pati na rin ang mga dalagang bampira na nanonood kanina sa kalokohan na ginawa.

"Ohh... hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Are you sure... pinatong ko ang aking paa sa iyong mukha?" Hindi pa rin makapaniwala ang dalawa, lalo na si Kuya Caspian.

"Do you think I'm lying?" Napairap na lang ako.

Lahat sila ay hindi makapaniwala at tumawa pa. Sa umagang iyon, puro tawa ang aking nadatnan at narinig, hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin iyon.

Kasalukuyan akong nakatayo sa hardin ng aking Inang Reyna, tanaw ang mga magagandang tanawin at iba't ibang klaseng bulaklak. Mahilig ako sa mga bulaklak; paminsan-minsan ako ang nagdidilig nito, pero kadalasan ang aming mga kanang kamay na bampira lang.

Paano kaya kung ikaw mismo ang mag-aalaga at magdidilig sa iyong mga pananim, Ina? Sana hindi niyo na lang ako pinanganak, sana ako na lang ang nawala at hindi ikaw. Alam kong nais ka na nilang makita, ni Ama. Ina, dahil naramdaman ko iyon.

Bigla na lang tumulo ang butil ng luha sa aking mga matang walang nakaharang, pati na rin ang salitang ito, biglang pumasok sa aking isipan.

"Nais na rin kitang makita, mayakap, at mahagkan, Ina," pabulong kong sabi sa hangin kasabay ng pagpatak ng aking mga luhang parang isang ilog. Parang kinurot ang aking puso sa naisip ko, dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko.

Umihip ang malamig na hangin at ito'y tumawa sa aking mukha, na lalong nagpapabilis ng agos ng aking mga luha.

Ina ko, mahal na mahal kita kahit hindi kita nakikita.

Lumabas ako ng palasyo na walang talukap sa aking mga mata at pumunta pa ako sa hardin ni Ina. May kung anong naamoy ako na hindi ko maintindihan.

Isa lang nasa isip ko, mga kalaban, at magsisimula na.

KIMMOTAMA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE VAMPIREWOLF(ON GOING)Where stories live. Discover now