First and last

23 4 2
                                    

"Sis! Ang tagal nating 'di nagkita!" Salubong sa'kin ng best friend ko.

"OA mo ha. Parang hindi naman tayo nagkikita nung bakasyon."

"Manahimik ka nga. Kunwari namiss natin isa't isa." Natawa naman siya sa sinabi niya. Baliw talaga.

Pasukan nanaman, another year to suffer nanaman. Charot! Sad girl lang, bakit ba?

"Balita ko ang dami raw transferee ngayon ah. Mukhang makakabinggwit ka nanaman."

"Pass muna ako sa gan'yan. Focus sa pag-aaral." Yes, almost every year may crush ako. Kaya tigil muna, sa college nalang ulit.

"Sus! Maniwala! Eh, taon-taon ka ngang may nabibingwit na lalaki. Hindi mo naman jinojowa, panay fling lang. Pero buti nalang pogi mga naging ex mo ha."

"Hoy, anong mga naging ex? Parang sinasabi mo naman na ang dami kong naging lalaki! Wala naman akong sineryoso ron." Pasmado bunganga netong best friend ko. Best friend ko ba talaga 'to?

"Bakit?" natawa naman siya. "Ex kasi past na! Boba, hindi lang matanggap na marami naman talaga siyang naharot. Haba ng hair kasi eh!' Sabay hawi ng buhok ko.

Gan'yan 'yan si Leisha, lakas mang-asar, pero kapag siya inasar, pikon! Pero kahit naman gan'yan siya, mahal ko naman 'yan.

"Okay, class, I'd like you to introduce yourself in front. Para makilala ko kayo, although some of you, kilala ko na."

Ito nanaman tayo sa walang katapusang introduce yourself. Hindi ba p'wedeng magbigay nalang kami ng Bio-data? Para tapos na agad.

"Good morning everyone! I am Myzrah, 17 years old. My talents are singing and dancing. I hope this school year would be a way for us to bond with each other."

"Ayan si Ms. Myzrah, sawa na ako sa mukha niyan. Mula elementary nakakasama kona 'yan. Sa mga hindi nakakaalam at transferee, si Ms. Myzrah kasi inilalaban sa mga quiz bee, dance and singing contest. Kaya sikat siya rito."

Ano ba naman 'to si ma'am. Nakakahiya, bakit niya pa sinabi 'yan. Baka isipin naman nila, sipsip ako. Duh, never ako naging sipsip dahil matalino naman ako. Hehe feel ko matalino ako.

"Good morning. I am Diego, 17. I can play musical instruments like guitar and I love to sing."

Nagkatinginan kami ni Leisha. Pogi! Ang pogi ng boses! Wah, tukso, layuan mo ako!

"Pogi no?" Tanong sa'kin ni Leisha. Nandito kami sa canteen kasi vacant time na namin.

"Sino?"

"Luh, kunwari 'di kilala!"

"Itatanong ko ba kung kilala ko?" Pagtataray ko.

"Sungit! 'Yung si Diego. Pogi 'di ba?"

"Ah, medyo." Pagsisinungaling ko.

"Mukha mo medyo! Pogi kaya! Wawait kona maging kaharutan mo siya, hahaha!"

At nagsimula nanaman siyang mang-asar.

1 month after..

"Myz, kasali ka ba sa Music Club?"

"Huh? May palista na ba? Hindi pa 'ko nakapagpalista eh."

"Palista kana girl! Nandon si Diego, grab the opportunity." Animo'y kinikilig na sabi ng best friend ko.

Pumunta nalang ako sa music hall at inilista ang name ko. Todo reto siya sa'kin kay Diego. Tahimik naman kasi si Diego, madalas kasama ng mga boys din. Pero pogi talaga siya.

"I will group you into 6, so bale tag dalawa kada group. Okay ba 'yun?" We are here sa music hall dahil may practice kami for upcoming event. Wala nga 'kong mas'yadong ka-close.

NostalgiaWhere stories live. Discover now