"That's how our love story started, baby." Sabi ko sa anak ko na pinilit ipakuwento kung pa'no nagsimula ang lahat sa'min ni Diego noon.
"Aww mommy. Love ka naman po pala nun eh. Bakit po kayo nagbreak?" Parang nalulungkot naman niyang sabi.
I slightly pinched her nose. "Dahil kayo ni Daddy mo ang para sa'kin."
"Anong pinag-uusapan ng dalawa kong baby ha?" Tanong ni Gian nang pumasok siya sa kwarto.
"Si Tito Diego po!" Sagot ng anak ko.
Napakunot-noo naman siya sa sinabi ng anak namin. "Your ex?"
I nodded.
"Ohh.."
"She saw my diary and she thought it's a story book. Binasa nalang namin, kinukulit ako eh." I explained.
"Yes po, Daddy. Mommy and Tito Diego's story po is so awesome just like the book that I have read at school! Where the prince really love his princess po." Singit ni Irah sa usapan namin.
Gian smiled at us. "Really, baby? That's good then. Mag-asikaso na kayo, we're going to the church."
"Can we go to the park after attending the mass, Daddy?"
"Sure, baby." Gian answered. "Bihis na kayo, Mahal. I'll check our car first." He gave me a kiss on my cheek.
"Let's go na, baby. Mag change ka na ng damit." I said.
We're currently listening to the mass when I saw a familiar face. I blinked twice to check if I'm just hallucinating since we were talking about him a while ago.
"Mahal, bakit?" Gian asked. Napansin niya ata na may tinitignan ako sa likod.
Hinayaan ko nalang kung sino ba talaga 'yon. "Nothing. Akala ko kakilala ko."
After mass, pumunta na kami sa park. Dito kasi namin madalas dalhin si Irah since she was 3, I guess. Pero marami ring memories ang nabuo namin dito noon ni Diego.
"Love, look dali!" I said while taking a picture of him. But he kept covering his face. "Love naman eh! Wala ka pang picture niisa rito sa park! Ang tagal na natin pumupunta rito pero ako lang lagi may picture. Tapos kapag tayong dalawa naman, super tago ka. Buhok mo lang nakikita!" Animo'y nagtatampo kong sabi.
Nakaupo siya sa swing habang tinatawanan ako. "Love,hindi mo na 'ko kailangang picturan. Nakikita mo naman lagi mukha ko, 'di ba?"
Inirapan ko siya. "I want to flex you on my social media. Bawal ba?"
Tinigil niya naman ang pagswing at nilapitan ako. "Hindi naman, Love. But--"
"Okay, fine. Huwag nalang." Magwa-walk out na sana 'ko but he wrap his arms around my waist.
"Go, take a picture of me. Huwag ka ng magtampo, Love, please?" Malambing niyang sabi.
Pinipigilan ko naman ang sarili na mapangiti. Shet. Bakit ba 'ko nagkaroon ng ganitong boyfriend?
Napicturan ko naman siya ng mga lima. Ta's picture naming dalawa na kita mukha niya mga tatlo. Allergic naman neto sa camera.
"This place will be our place." Sabi niya at nakatingin sa paligid habang kumakain kaming dalawa ng ice cream.
"Bakit? Bibilihin mo?" Biro ko.
"Gusto mo ba?" Panghahamon niya.
"Oo! Ikaw gusto mo?" Panghahamon ko rin.
"Ikaw gusto ko." Banat niya.
"Sus. Corny." But I smiled. Shuta, natamaan ako sa banat niyang 'yon ah.
YOU ARE READING
Nostalgia
RomanceUnang pag-ibig ay tunay na 'di malilimutan. Totoong pag-ibig nga lang ang siyang magwawagi.