"Alam mo? Hindi naman ako kasali sa relasyon niyo, pero ako ang namomroblema!" Pagbubunganga netong best friend ko.
"Bakit mo kasi pinoproblema?"
Pinandilatan niya ako ng mata at nakapamewang siya sa tapat ko. "Malamang, kaibigan niyo 'ko! Nahihirapan ako sa sitwasyon niyong dalawa ni Diego! Bakit ba kasi kayo nag-away, ha?"
I sighed. "Nakakainis naman kasi. Super hintay ako sakanya sa resto kagabi, inabot ako ng 8 pm, pero ang usapan namin 6 pm. Hindi man lang nagtext or call or message, wala! Mukha akong tanga ro'n kagabi." Halos mangiyak-ngiyak kong sabi.
Tinabihan niya naman ako at tumingin sa'kin. "Baka naman may dahilan siya? Kinausap mo na ba?"
Umiwas naman ang ng tingin.
"Psh, hindi mo kinausap, 'no?"
Alam na alam niya na talaga ako
"Hindi ko siya kinakausap. Maski sa text, calls at messages, 'di ko sinasagot." Pagsasabi ko ng totoo.
"Gaga ka! Bakit kasi hindi mo muna alamin kung anong reason niya? Tapos mag eemote-emote ka d'yan. Nako, Myzrah ha! Tigilan mo 'yan."
"Pero Leisha, nagmukha akong tanga ro'n kahapon! Maski text man lang wala eh! I've waited 2 hours, pero wala talaga! Ha, I don't think I deserve his explanation."
"Myzrah naman! Pero sabagay, may point ka. Bwiset siya! Napakasama ng ugali! Hindi man lang naisipang imessage ka na 'di siya makakapunta!" Inis niyang sabi.
Tignan mo 'to. Ang gulo ampota. Kanina sa'kin nagagalit, ngayon kay Diego na.
Napapatingin pa sa'min mga classmates namin. Buti wala si Diego rito sa loob, kundi wala rinig lahat. Lakas ba naman ng boses.
"Oh, ba't kayo nakatingin sa'min? Mga chismosa!" Sigaw niya sa classmates namin kaya naman nagsi-tingin sila sa ibang direksyon.
"Tumigil ka nga. Idadamay mo pa classmates natin sa pagkabadtrip mo," suway ko.
"Pakialam nila!"Sigaw niya nanaman.
Hays.
Leisha
Naloloka ako sa away nung dalawa. Mga hindi nagpapansinan, parang mga ewan lang!
"Aray! Bakit nanunulak?!" Sigaw ko dahil muntik na akong ma-out of balance. Nagtuturuan naman sila sa likod ko kung sino 'yun.
Nasa canteen kasi ako ngayon at nagpapabili nalang sa'kin si Myzrah ng pagkain dahil ayaw niya makita si Diego. Like, wth? Malamang sa malamang magkikita sila, magkaklase eh.
"Ang init naman ng ulo mo, tanghaling tapat."
Inirapan ko siya. "Huwag ngayon, Simon. Badtrip ako."
"Bakit? Dahil sa away nila?" Tanong niya pa.
I sighed and rolled by eyes. "Yes. Gusto ko na kasi silang magbati."
"Let's talk later, after you eat lunch. Sa Music Hall." He said and walk away.
Mukhang may pagpupulong na magaganap.
"So anong gagawin natin?" Tanong ko.
Naupo naman siya sa tapat ko. "Hindi ko pa nga alam eh."
"Ano ba kasing ginawa nun ni Diego at 'di nakaattend sa date nila? Tsk, kahit ako masasaktan kung gano'n! Monthsary nila 'yun eh!"
"Ayun nga, monthsary nila."
"Kinausap mo ba? Tinanong, gano'n?" Tanong ko pa.
"I tried, but he kept changing the topic. Si Myzrah ba? Anong sabi?" Tanong niya pabalik.
YOU ARE READING
Nostalgia
RomanceUnang pag-ibig ay tunay na 'di malilimutan. Totoong pag-ibig nga lang ang siyang magwawagi.