Sleep Paralysis

64 5 1
                                    

https://youtu.be/WZt7YEuLQ1U
Here's the link.
Para may BGM ka.

Sleep Paralysis

Sleep paralysis is a feeling of being conscious but unable to move. It occurs when a person passes between stages of wakefulness and sleep. During these transitions, you may be unable to move or speak for a few seconds up to a few minutes. Some people may also feel pressure or a sense of choking.

In paranormal. Sabi nila Succubus ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sleep paralysis ang isang tao.

Ano nga ba ang Succubus?
A succubus is a demon or supernatural entity in folklore, in female form, that appears in dreams to seduce men, usually through sexual activity. According to religious traditions, repeated sexual activity with a succubus can cause poor physical or mental health, even death.

Succubus ang babae at Incubus naman ang lalaki.
Ikaw? Naniniwala ka ba dito?

Some people, kapag nakakaexperience sila ng sleep paralysis nakakakita sila ng shadow figure like tall man with a hat, a girl with short hair, or batang figure.
Minsan nasa paanan nila, Minsan malayo, at minsan kaharap mo ito!
Na parang nakadagan sayo.
Yung iba naman ay nakikita nila ang figure nito pati damit na suot at itsura nito at Minsan wala itong mukha.
Ikaw? Naranasan mo na ba ito?

Let me tell you a short story about sleep paralysis.

Ako si Gerbz. Hindi ko tunay na pangalan.
Nakatira ako sa kung tawagin sa ating komunidad ay iskwater dito sa Quezon City.
Payak ang pamumuhay namin at nasanay na ko doon.
I was in my teenage nung una ko maranasan ang sleep paralysis. 16 or 17. I guess.
Naaalala ko nung una ay natutulog ako nun. Bigla na lang akong napadilat at hindi ako makagalaw, nakikita ko ang paligid ko ang kwarto kung saan ako nakahiga. Sobrang detailed ng mga nakikita ko. Pero ang kaibahan nga lang ay hindi ako makagalaw at parang hirap akong huminga. Doon nagsimula akong matakot at pinilit na sumigaw pero walang lumalabas na boses sakin. Ang tanging nagawa ko na lng ay mag dasal hanggang sa nagising ako. Takot na takot at parang ayoko nang matulog ulit. Grabe yung experience na yun.

Nag daan ang ilang araw, buwan at taon. Tila nakasanayan ko na ung sleep paralysis sa dalas nitong nangyayari sakin. Minsan nga ay may nakikita na kong shadow figures. Nakita ko na ung malaking lalaki na nakasumbrero na pang tuxedo, yung babae at yung bata. Minsan tatlo pa sila sa paligid ko. Sobrang takot lagi ang nangingibabaw sakin everytime na magigising ako.

Pero what if sabihin ko sa inyo na may mas nakakatakot pa pala akong mararanasan after ng mga sleep paralysis experience ko. Pano kung sabihin ko sa inyo ang nakita ko bago pa man ang sleep paralysis?
Sige eto na.

Hapon iyon bandang 5pm to 6pm. Nakatulog ako sa kwarto ng kapatid ko at sa kabila nun ay kwarto ng mga magulang ko. Bale isang plywood lang ang humahati sa kwarto nila.
Mahimbing ang tulog ko nun dahil pagod sa paglalaro ng basketball.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagising na para bang may gumising sa diwa ko.
Pagdilat ng mga mata ko. Nakita ko ang isang babae sa harap ko. Bagamat kakagising ko lng eh parang tulog pa ng bahagya ang utak ko. Pilit kong inaaninag ang istura ng babae, nakaharap sya sakin na ang posisyon nya ay para bang gumapang sya papunta sakin hanggang matapat ang mukha niya sa mukha ko. Maikli ang buhok niya. Bobcut ang gupit at nakaputing dress. Pero wala siyang mukha.
Nanlaki yung mata ko nun. At nung nakita niya na nakadilat ako umatras sya ng dahan-dahan. Hanggang sa makatayo siya. Ako naman na takang-taka sa nangyayare habang nakatingin sa kanya. At nung nakatayo na sya ay naglakad sya papunta sa kuwarto ng magulang ko.
Tumayo ako sa pagtataka at sinilip ko yung kwarto ng mga magulang ko. At nung pagtingin ko ay walang tao doon.
Dun pa lang pumasok yung takot sa katawan ko at dali-dali akong bumaba ng hagdan. Takot na takot. Namumutla at hingal na hingal. Dahil hindi na pala panaginip ang nangyayare. Totoo na pala.

Takang-taka yung mga magulang ko kung bakit ako nagkaganun at kiniwento ko sa kanila ang mga nangyare. Mula noon ay madalang na kong magkaroon ng sleep paralysis. Ewan ko kung bakit? Pero ganun siguro yun. Need mo pala silang maunahan bago pa man sila ang mauna sa panaginip mo. Hinding hindi ko malilimutan ang experience na un. Hanggang dito na lang kwento ko.

Ito ay totoong kwento mismo ng author na ito.
Yours Truly, Creepy Noodle.

Sana nagustuhan mo ang kuwento ko.
Ikaw naranasan mo na ba ito? Share mo naman ang sleep paralysis experience mo.
Babasahin ko sa comment section.
Maraming salamat. At sa susunod muling kwento ko.

Creepy Noodle.

Bedtime Stories By: Creepy NoodleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon