Gabi na at hawak mo ang cellphone mo.
Nasa kwarto ka at nag-iisa ka lang.
Nakasanayan mo na patay ang ilaw sa kwarto.
Napagod ka na kakascroll sa facebook mo.
Kaya naman naisip mo munang magbasa sa wattpad mo.
Nalibang ka masyado sa mga binabasa mo at di mo namamalayan na 2:59 AM na pla.
Nauuhaw ka at the same time naiihi na rin.
Kaya tumayo ka sa pagkakahiga at binuksan ang ilaw ng kwarto mo.
Lumabas ka at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Nagpunta ka sa CR at nagbukas ng ilaw.
Nakaihi ka na.
Pagtayo mo sa inidoro ay para bang may iba kang nararamdaman.
Pakiramdam mo na parang may nakatingin sayo.
Medyo malamig din ang paligid.
Di mo na masyadong pinansin ito dahil iniisip mo na kaya malamig ay dahil madaling araw na.
Akma mong pipiindutin ang switch ng ilaw ng CR para patayin ito ng hindi lumilingon.
Pero imbis na switch ang mahawakan mo ay isang malamig na bagay ang nahawakan mo.
Napalingon ka dito at nakita mo na kamay pla ang nahawakan mo. Maputla at may nangingitim na kuko.
Kilabot ang dumaloy sa katauhan mo pero hindi napigil nito na lingunin kung san nanggagaling ang kamay na iyon.
Napatingin ka sa likod mo at nakita ang akala mong di mo makikita sa buong buhay mo.
Hugis tao ito. Maputla ang kulay, may mahahabang braso. Manipis at mahahabang buhok na animo'y nakakalbo, malalaking mga mata na kulay itim at may ngiting aabot hanggang sa tainga nito.
Tumatawa sya pagkatapos niyang banggitin ang pangalan mo.
Sa sobrang takot mo ay napasigaw ka kahit na ngangatal ang mga boses.
Tumakbo ka sa kusina hanggang sa may hagdan.
Nilingon mo ulit yung likuran mo kung andun pa ba sya.
Nakita mo itong tumatakbbo papunta sa kinaroroonan mo habang binabanggit niya ang mga katagang "HALIKA DITO!" .
Kaya dali-dali kang umakyat sa hagdan papunta kwarto mo.
Nilock mo ang pinto ng kwarto mo at nagtalukbong ka ng kumot mo habang umiiyak at sinasabi mong "tama na! Ayoko na!"
Naririnig mo ang kalabog ng pinto sa labas ng kwarto mo ng paulit-ulit hanggang sa nawala na ito.
Nangako ka sa sarili mo na di ka na ulit magpupuyat.This is your POV.
Time check?!
Kung nabasa mo ito ng buo. Anong gagawin mo? MagcCR ka pa ba o matutulog na?
Comment mo naman.
I suggest magCR ka parin. Masama ang nagpipigil ng ihi. Hihi 👿P.S.
Pls vote. If you like my stories. And if you want for another "Your POV" stories pls comment "more pls" Thank you so much! ❤️Creepy Noodle~
BINABASA MO ANG
Bedtime Stories By: Creepy Noodle
TerrorMahilig ka ba sa Horror Stories? Para sayo 'to! I dare you to read every Stories alone at night. Let see how brave you are. 😉 This is a collection of True Horror Stories, paranormal and Creepy pastas. Sana magustuhan nyo. Follow, Comment, Vote at S...