゚.*・。゚Kithene゚.*・。゚
Weekend came and here I am now in their so called house of those nerds with my cousin. Oo, hindi talaga ako tinigilan ng Demi na 'yon hangga't 'di ako umo-o sa gusto n'yang isama ko si Ellise. And his reason? He wants to ask where she bought the perfume. E pwede namang ako nalang ang magtanong 'di ba?
And worst he said, "Bakit? Takot ka bang mapatunayan na hindi mo s'ya deserve para maging pinsan? Sabagay, who wants to be realated to you? Even me, 'di kita tatanggaping pinsan. Kasi naturingan kang babae pero para ka namang alien na galing sa ibang planeta. Tapos wala pang kacurve-curve 'yang katawan mo saka wala ka pang cocome--"
"Oo na, isasama ko na!" bara ko pa sa pagra-rap niya.
Dinadamay pa katawan ko e, saka kung ako ay parang alien ano nalang s'ya? Mas mukha kaya s'yang alien. Eeeerrr... kala mo kung sinong laging tama, hmmp...
"Good morning, kitten." Akky greeted with his usual messy curly hair and his glasses.
Pansin ko lang, lahat ba sila may problema sa mata? Ay malamang naka-eye glasses nga e, tanga lang Kithene?
"And she is?" Sulpot ni Brye mula sa kusina habang tinuturo-turo si Ellise sa bitbit n'yang sandok.
Ang cute n'ya sa pink na headband and floral apron na suot niya hahaha...para s'yang babae sa kanilang sa kanilang apat, mas may alam sa gawaing bahay at siguro s'ya rin ang naglilinis dito.
"My cousin, Ellise," I said, introducing my cousin. "Dinala ko sya para may kasama akong babae."
Palusot dot com ni Kithene, pero isa na rin talaga 'yon sa dahilan. Minsan kasi kahit ang layo ko sa bahay ay may reporter pa rin sila sa mga ginagawa ko 'pag lumalabas ako ng dorm. Kakaibang reporter talaga ang mga kaanak ni Marites, kung ano ang makita 'yon na 'yon 'di man lang tinanong kung anong nangyari at bakit gano'n. Hindi sila nadadaan sa cuteness, wala rin naman akong pangsuhol para magagandang bagay naman ang ibalita nila sa pamilya ko. Aish bahala na nga sila, may lawyer naman ako do'n mwehehe...si Cheo, ang dakila kong pamangkin.
"Naks may back up, gano'n ba ako kasama?" Pagpapa-cute ni Cymoon na naka-pajama pa. He pouted and look at me with his about to cry eyes, pfft.
"Oo!"
Natawa naman ako nang lumukot ang mukha n'ya sa naging sagot ni Brye at Akky. He started to sob like he was bullied, and softly wiped his imaginary tears.
I called Ellise that's busy roaming her eyes on the garden from the window. She's backslidden from us. As she turned and waved to the three saying, "Hi!", I saw how they stiffed and hold their breath. Is there anything wrong? And that reaction changed back to their normal expression in a minute, but I still felt the awkwardness of their actions and tone. Okay, what happened and happening?
"Hello, buti naisipan mong samahan si Kithene baka mayamot s'ya sa mukha ni Cymoon e." Unang humirit si Akky. Biro na may halong pagka-ilang.
Totoo ba 'tong nasasaksihan ko? Ba't naman siya - sila maiilang? Baka guni-guni ko lang 'yon epekto ng walang tulog at agahan. Matutulog na talaga ako ng eight-hours, hindi na alas dos ng madaling araw, oo at 'di na rin talaga ako magda-diet. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko e, jusko magpapakabait na talaga ako.
"Sino ba namang hindi papayag kung dalawang araw n'ya akong binubulabog?" Umiiling na ani nito at mahinang natawa na nginisihan ko lang. "And who's that guy in the garden?" tanong nito saka lumingon sa bintana na nagpakunot ng noo ko, kailan pa nagka-hardinero sina Akky?
YOU ARE READING
Perfect Stranger Series 1: Accidental Stalker (Ongoing)
Teen FictionThe four heires who pretends to be a nerd just to find their long lost childhood princess who leave no trace, they are willing to do everything just to find her; even that means they have to go through abuse by other students in thier own school cau...