014.

22 1 1
                                    

ALEXA.

"Alexa, you're a fine young lady now!" Ngumiti ako nang marinig ko ang boses ni papa. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Namiss kita, sobra!" Niyakap ko siya uli kahit alam 'kong nakakasakal na yung yakap ko. Sorry na po, miss ko lang masyado tatay ko!

Pagkatapos 'kong niyakap si papa, agad namang lumapit si mama sakaniya at hinalikan ito. I watched them with a huge smile on my face and secretly took a picture of them. Pagkatapos ng sweet moments namin, umupo naman kami at umorder na ng pagkain. Pagkadating ko kasi ng office ni mama, sabi niya ngayon ang flight ni papa pabalik ng pinas kaya nag-aya ako na kumain kami sa labas.

Nang dumating na yung steak and wine, sinimulan na naming kumain while papa talks about business.

"Tsaka nga pala, anak."

Lumingon ako kay papa nang may sinabi siya. "Birthday ng anak ng business partner ko next week saturday. Your Tito David is requesting for you to show up sa party." He seriously said.

Tumango ako at patuloy nang kumain. Well, if hi-hindi ako, alam 'kong hindi sila papayag na 'di ako sasama sa kanila.

"And I guess, it's time for the both of you to meet." Sambit ni mama at ngumiti ng tipid sa'kin.

"Your mom is right anak. So better, look decent for his son to like you. Okay?"

What? Are they seriously linking me to a guy na hindi ko pa kilala? What if pangit siya? What if...mabaho hininga niya? Jusko!

Tumango nalang ako at uminom ng wine. I excused myself para pumunta sa bathroom to calm myself.

If ever something happens at the party, I won't hesitate to leave the place.

His Forever [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon