CHAPTER 1 - THE FIRST TIME

70 2 0
                                    

(George’s POV)

Hi I’m George Roxas, 18 years old, 3rd year Accounting Management student at Madrigal Eastern College...

oh please don’t get me wrong, I hate my course, seriously. Pumapasok ako hindi para matuto kundi para sa diploma.

My mom needs it, so badly.

I wonder how I survived in this school, 3 years na ako dito and still, no friends.

Weird pero may ibang tao na tinatawag nilang ‘kaibigan ko’ raw ang mga sarili nila.

Ni hindi ko nga alam kung  paano nilang natatake na itreat ako as their friend, e ni wala nga akong pakialam sa kanila.

Nakakainggit din naman sila, dahil ramdam na ramdam nila ang existence ko samantalang ako, ni hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

Hmmm ... or dahil ako si George kaya ganoon ang turing nila sa akin?

Si George na laging 1st sa dean’s list

Si George na Ms. MEC, Ms. CBA.

Si George na anak ni Alundra Roxas, isa sa mga nagmamay-ari ng Roxas Land Holdings,Inc.  ang pinakamalaking land holding nationwide.

Ako nga si George, I’m almost perfect, kung sana nga lang buhay pa ako, hindi sana ako si George na almost perfect ngayon.

I miss my old self, free from this kind of world.

I hate all the people around me.

I just hate my life.

Pinatay ako ng magsimula ang buhay ko.

Gumigising ako sa umaga hindi dahil sa gusto ko, pero dahil iyon ang kailangan. Ang daming mga matang nakatingin sa bawat kilos ko, bawal magkamali. Hindi ko na magawa ang mga bagay na nakasanayan ko noon.

Talaga bang ito na ang buhay na nakalaan sa isang George Roxas?

Nakakasakal...

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Nandito ako ngayon sa library, mag-isa, salamat at  first day of class palang, wala pang masyadong estudyante ang nakatambay dito. Well, you heard me right, nakatambay, ginagawa lang naman nila itong tambayan e, sino ba naman ang hindi gugustuhing tumambay dito, bukod sa AVR at IT Center, ito lang ata ang may air con na lugar here in our school. Iyong iba nga natutulog pa dito e, a dating place naman ito para sa mga lovers.

Pero para sa akin, sa library lang tumatahimik ang mundo ko.

Walang pumapansin sa akin, busy silang lahat sa kani-kanilang ginagawa.

Not until last semester …

*Flashback*

Ang ingay masyado, nakakainis! Argh!

Hindi man lang ba nila alam ang salitang tumahimik?!

E ang Librarian? Alam niya kaya ang salitang magpatahimik? Grabe, kanina pa siya nakikipaglandian dun sa bagong teacher na iyon na mukha namang bangkay! Argh!

“Excuse me?”, agaw-pansin ng isang lalaking hindi ko naman alam kung kanina pa nakatayo sa harap ko.

“Yes?”, alanganin kong sagot, iyong tingin niya kasi, it’s different.

“Pwede bang makishare? Wala na kasing vacant e, I hope you don’t mind,” pabulong niyang sagot.

Lumingon ako sa paligid namin and he’s right. Wala na talagang ibang mauupuan.

Umiling ako bilang sagot.

Ngumiti siya, at sabay upo sa harap ko.

Square iyong table, lagi iyon ang inooccupy ko para hindi matakaw sa space, lagi naman kasi akong solo. At iyong dalawang upuan e nakuha na bago pa man ako dumating kanina, so no choice, kahit ayaw ko ng may kasama sa iisang table pumayag na lang ako.

“Thank you,” nakangiti pa rin siya.

Hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa.

Time passed, it’s already 4:15, dalawang oras na pala ang nakakalipas at 15 minutes na lang next class ko na, nandito pa rin iyong lalaki, nagbabasa rin siya pero nararamdaman ko na tumititig siya sa akin, pero hinayaan ko na lang, nagkunwari na lang ako na hindi ko napapansin, isa pa, ayokong ipahiya siya, nakakailang man. 

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko na nagkalat ng napatingin ako sa kanya, nakatitig pa rin siya…

“Hindi ba nasabi sa’yo ng mga magulang mo na masamang tumitig sa isang tao?”, malamig na tanong ko sa kanya.

“I’m sorry, but I can’t help it, by the way, I’m Florence, Florence Alonzo,” napahiya man, nakuha pa niyang ngumiti.

“Next time, wag mo ng gawin iyon, mahiya ka naman,” pagkasabi ko noon ay umalis na ako.

Naglalakad na ako sa corridor, as usual, lahat ng estudyante nakatingin sa akin, kailan ba sila titigil sa ginagawa nila … hanggang sa…

“George! Wait! George!”, hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ng lalaki kanina sa library. Hindi ako tumigil sa paglalakad, ni hindi lumingon, I just walk as if wala akong naririnig. May humawak sa braso ko, siya nga, sa inis ko, tumingin ako sa kamay niya na nakahawak pa rin sa kanang braso ko.

“I’m sorry, hindi mo kasi ako pinapansin, sorry,” nakatingin din siya sa kamay niya, at unti-unti siyang bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko, for the second time, napahiya na naman siya kasabay ng pagblush niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, well, kanina pa naman sila nakatingin, pero ngayon makikita ang gulat sa mga itsura nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nagbell na rin, 4:30 na, and I’ll be late kung pag-aaksayahan ko ng panahon ang lalaking iyon.

After class ay nakita ko siyang nakatayo sa school gate, siya, as in the guy in the library. Nakita ko na rin ang driver namin.

Bago ako makalabas ng gate, may mga narinig akong nagbabye sa akin, mga classmates ko since 1st year, well, dahil nga sa wala akong pakialam, hindi ko na inalam ang mga pangalan nila, pero hindi naman ako ganun kasama, kaya tumango ako sa kanila. Sa pagtango kong iyon, nagulat na lang ako na nasa harapan ko na pala ‘siya’.

“Hi George!”, todo smile na naman.

“Anong ginagawa mo?”, the cold tone.

“Greeting?ergh, I just want to say sorry sa ginawa ko kanina sa library at sa corridor, feeling ko kasi pinahiya kita”, nakatungo siya noong sinasabi niya iyon.

“Did I hear you correctly? Ako? Napahiya? Oh come on, hindi ganoon ang nangyari, it’s the other way around”, nadagdagan ng pagkairita ang napakalamig kong tono.

Nakakainis siya! He’s really getting into my nerve!

Napanganga siya sa sinabi ko, pero nakabawi rin at ngumiti ulit.

“Ganoon ba? But still I want to say sorry”, ang kulit niya! Ah!

Tinalikuran ko na siya, kanina pa nanonood ang driver naming sa aming dalawa.

“George Roxas! I want to be your friend! ‘see you tomorrow”, malakas ‘niyang’ sigaw.

He’s insane; he wants to be my friend?

Ayos lang ba siya, everyone knows na wala akong kahit isang kaibigan dito sa school. Pero...

pagkapasok ko sa kotse, napangiti nalang ako dahil for the first time ng maging George Roxas ako,

may isang tao na nagsabing gusto niya akong maging kaibigan. :)

T R U S TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon