Fiesta ng baryo Molino noon nang makita ni Lanie ang lalaking may pares ng pulang mata, matangkad ito at maitim, Nakita niya ito malapit sa puno ng mabulo kung saan siya pansamantalang nakatira.
Kinabukasan habang nagwawalis ang care taker ng kanilang bahay, naisipan niyang tanungin ito patungkol sa kanyang nasaksihan.
"Aling Ysing, may kapit-bahay pa po ba tayo maliban kay Mang canor?"- pagtatanong niya
"Nako, Hija bukod kay Mang Canor ay wala na akong ibang kilala na nakatira malapit sa inyo"- may pagtatakang tugon nito sa kanya
"Bakit mo nga pala natanong?"- pasaring na tanong naman ng Ginang
"Aah, Wala naman po"-Lanie
Bagamat gusto pa niyang magtanong ay pinili na lamang niyang umakyat sa pangalawang palapag ng kanilang bahay kung saan matatagpuan ang kanyang silid, upang hindi na makaistorbo pa sa ginagawa ng matanda.