Chapter 2
Kai's PoV
"Pres, dumating na yung pagkain pero kulang yung drinks na naideliver. Ang sabi, may aksidente daw na nangyari sa storage nila at nadamay yung ibang drinks natin. May refund naman na nangyari. Oorder pa ba tayo sa iba? O hahayaan nalang natin?"
I touched the bridge of my nose. "Silva, you are the vice-president. What do you think?"
"Oorder sa iba?"
Huminga ako ng malalim para pakalmahin yung sarili ko bago nagsalita. "Malamang----"
"Kaiiceeeenn!"
Napaubo ako nang biglang umakbay sakin si Monarch at muntik pang matumba sa paglalakad.
"Pres!----What the fvck Monarch Sanchez! Wala ka bang ibang kaibigan at palaging si Kai ang ginugulo mo?"
"Meron naman, bakit? Willing ka ba dumagdag, Ms. VP?" Nakangising tanong niya.
"No. And I don't have any plan." Umikot ang mga mata ni Silva. "Why betas so energetic?" Bulong niya na rinig na rinig naman namin.
"Bakit din kaya palaging highblood yung mga alpha? Akala mo palaging may kaaway." sabi naman ni Monarch. "Hindi kaya..... nagpapansin ka sakin? Tsk. Tsk. Tsk. Iba talaga ang epekto ng kaguwapuhan ko." Napailing-iling pa na dagdag niya.
Agad nagsalubong ang kilay ni Silva. "Kapal! Hoy, FYI! Kung magpapansin lang ako, kay Pres nalang ako no! Yang kaguwapuhan na sinasabi mo? Hindi umabot ni kalahati sa kaguwapuhan ni Kai!" sagot niya at tinuro pa ang mukha ko.
Bumuntong-hininga ako. "Okay. That's enough. Silva, pwede ka nang maglunch. Magkita nalang ulit tayo bago ang party. And don't forget to double check things out."
Nagdadalawang isip man, walang magagawang tumango nalang si Silva at lumiko para pumuntang cafeteria. Dumiretso naman kami ni Monarch sa opisina ng SCC para ipagpatuloy ang naiwan kong trabaho dito.
"Spit it out." Utos ko kay Monarch nang nakaupo na kaming dalawa.
"Ganito kasi yan. Naalala mo yung lalaki noong Monday?"
Napatigil ako sa ginagawa ko.
That guy.
That guy who triggered my heat that afternoon. Buti nalang palagi akong may dalang pills and suppressant. Kundi baka bago palang kami mangalahati sa 1st quarter, natanggal na ako sa posisyon ko.
"What about that guy?"
"Hindi ko alam kung bad news ba 'to sayo o good news. Pero..."
"Pero?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumisi siya at sumandal sa upuan. "Secret! Malalaman mo din naman mamaya."
The hell?
"Ginagago mo ba ako?"
Umiling siya. "Hindi ah! Kailan ba kita ginagago?"
"Araw-araw. At yang bibig mo."
"Bakit? Anong meron sa bibig ko? Kissable ba?" Tanong niya at ngumuso pa para ma-emphasize talaga yung labi niya.
Umiling ako. "Hindi. Ang sarap lang busalan ng papel, talian, tsaka tapalan ng duck tape para hindi na ulit bumuka."
"Harsh!" Reklamo niya.
Hindi na ulit siya nagsalita pa at hinayaan nalang ako na gawin ang trabaho ko ng tahimik. I was trying to focus myself but I just couldn't get that man out of my mind.
Why did he do that? Imposible namang trip lang niya yon. He didn't even know, I'm sure, that I am an omega. So, how could he possibly try to own me.
It is not that there's no case that alphas been on a relationship with others beside omegas. But their owning instinct could only be activated automatically if his partner is an omega.
