The Reason

100 0 0
  • Dedicated kay Mildez Santos
                                    

Yes...

The Carnival where fate was waiting...

The Reason

"Carnival came by my town today

Bright lights from giant wheels

Fall on the alleyways

And I'm here

By my door

Waiting for you.*"

I sighed, for like, ewan ko kung pang ilang beses na! Ni lakasan ko na lang ung volume ng iPod ko para hindi ko na marinig ung iba't ibang klaseng ingay sa paligid.

Well, ung boses lang naman un nung aking bff.

Hm... I like this song a lot, Pasok na pasok ang kantang to sa atmosphere dito and pinaghahandaang event.

"Haay nasaan na naman ba un!" Asar na sinabi ng kaibigan kong si Mildez.

"Sinabi ko nanaman kasi sau na digital na lang ang gamitin mong cam para wala ka masyadong dala eh." Paalala kong sinabi.

"Ano ka ba naman, lagi kang ganyan."

Para syang tornado sa kakahanap ng... ay ewan ko nga kung anong hinahanap nya eh.

I focused my gaze sa labas. Waahh ang ganda talaga ng street lights outside lalo pa't nag rereflect ito sa river ..... it looks so majestic.

"Hindi parin ba nahahanap?" Tanong na isa ko pang bff. I looked behind and nakita ko naman si Loraine, papasok ng room.

"Not yet -_-." I answered. Sure naman hindi narinig ni Mai Mai ung tanong niya.

Loraine frowned and walked out of the room with phone in her hands, with that, napagisipan ko na lang na tama na makinig ng music mamaya mabingi na ko ng tuluyan sa lakas kong mag patugtog.

Now, as we're waiting na mahanap ni Mai ung hinahanap nya, bakit di ko kaya muna ikwento kung pano ako napadpad sa trip na to.

A few weeks ago...

Nag back out ako sa sarili kong engagement at syempre hindi dahil sa 'I don't love the guy' but because na meron ng ibang nagmamay ari ng puso niya.

So I'd come to the conclusion na hindi ako ang para sa kanya.

At dahil I was so depressed and still am, niyaya ako ng dalawa kong bff na pumunta ng Bangkok para makalimot.

Medyo nagkaroon nga lang ng konting complications pero enjoy, lalo't na llibre lahat diba?

Nakakapag salita na ko ng konting Thai dahil ilang beses na naman din ako napasyal dito, pati si Mai ganun din.

Si Loraine lang ang bihasa dahil nga may boyfriend na... ooops Fiancé nga pala siya na tiga rito. Plus gwapo pa!

Tumayo ako at tumabi sa mga lagguage na nakapatong sa kama ni Mai.

Grabe! Parang hinalukay ng manok.

Hindi talaga to mabubuhay ng walang kasambahay, tamo nga naman laging may nawawala. Buti na titiis sya ng boyfriend nya.

"Raine, I think I need to go shopping, wala naman ako masyadong dalang damit."

"Hmm.. alam mo naming mahabaang trip to diba Jai?" asked Loraine (Raine as a nickname.)

"Bat wala ka msyadong dala?" dugtong pa nya.

-_-

"Hinatak nyo lang kaya ako papunta dito, remember?" I asked back and also answering her questions.

Napaisip siya. "Well! Since ganon we'll go shopping, libre ko!" Ay ang bait talaga nito.

"Libre mo o libre ni Tote?" Biglang sawsaw ni Mai.

Ayy Trulie. Mayaman kasi ang jowa.

"Oy hindi ah." Deny nya pa.

Lumapit siya sakin then niyakap nya ko.

"Para mag enjoy ka yhabs."

When she let go, she was smiling. Then I noticed Mildez behind her also smiling.

"Tara." Yaya niya.

I just smiled. I'm so happy to have friends like them.

(*) Carnival by The Cardigans

The CarnivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon