Chapter 1

44 0 0
                                        

Grade 12 STEM student... second semester na ng taon. February 12...malapit na valentines..

At wala akong interes. By the way, 18 na ako ngayong taon, echos ko lang baka sakaling may balak kayong manligaw.

Biro lang, gusto ko man mag ka nobyo kaso masyadong komplikado ang edad ko...para sa akin walang pakeelaman.

Narinig kong mayroong transfery ngayon unang araw, kalagitnaan ba naman ng schoolyear

Lahat ng mga kaklase ko ay labis na naeexcite sapagkat matalino at may itsura daw ang lalaking iyon.

Ganoon pa man ay wala na akong pakealam, importante sa akin ang grades at ang pangarap ko.

Hinding hindi ko hahayaang masira ang mga iyon lalo na at umaasa ang aking mga magulang.

"Yiieeee!!! Andyan na sya!!!! Nakawhite sya nakawhite!" sigaw ng kapapasok lang namin na kaklase. Hinihingal pa ito.

"...single daw sya!" sigaw ni Sofia

"single talaga yan itsura palang mukhang study first na ang motto" hindi ko napansin na napalakas ang pagkakasabi ko

Inirapan lang ako ng mga tilapya

Nagtungo ako sa may pinto at sumandal roon. Sa loob-loob ko ay parang mayroon akong hinihintay.  Hindi ko maintindihan... tila nahugot ng lalaking iyon ang interes ko

"Sam!" Si Ivan ang manliligaw ng taon haha

"Anong ganap may sumira ulit ng tinanim nyo?" natatawa kong sabi

Naaawa ako sa lalaking ito. Halos tatlong taon na itong nanliligaw. Kaso ayoko talaga sa kanya, Bully ito at hindi maganda ang mga grades. Bagsak pa ang karamihan! Hindi sya pasado sa standard ko.

"Eto chocolates at flowers! Please payagan mo kong makadate sa valentines"

Inabot nya sa akin ang paheart na Ferrero Roche at isang totoong pulang rosas. Eto ang unang pagkakataon na magbibigay sya ng mga stuffs. Nabaliw na nga

"Ivan, ibigay mo na lang yan kay Ma'am Lea, hindi ko yan matatanggap"

"Para sayo nga yan"

"Okay kukunin ko yan at sasagutin na kita.."

Namula ang gumiho

"..oras na may magbigay sa akin ng science book na binili sa comic alley. Gusto ko yung science book na kasing kapal ng hinlalaki ko sa kamay. Gusto ko yung hindi ko pa nababasa... nakabalot sa pula at matatanggap ko bukas ng hapon.. Oras na hindi mo magawa, wala na titigilan mo na ako hahahahaha"

"Seryoso ka?" nauutal nitong tanong

"Hindi kita pipilitin wala akong interes na gawin yun. Kaya kung ayaw mo hindi ako kawalan"

"Sige....pero sa 14 ang deadline"

"13 ang gusto ko final"

Napakamot ito ng ulo...nakita ko pang hinampas nito ang isa sa mga kasamahan nya

Sana hindi nya magawa. Sana hindi nya magawa!!!!

Magiging mahirap iyon sapagkat  hindi nya alam kung gaano kakapal ang hinalalaki ko sa kamay bwahahahahaha!

Hindi ko sya pwedeng patigilin sa panliligaw habang wala akong nobyo. Ang sabi ni dad ay kinakailangan ko ng nobyo para tigilan ako nito.

Kahit sya ay tutol doon kay Ivan kasi nga napakayabang na nga, hindi pa sineseryoso ang pag aaral.

Ayun kasi napag usapan nila ni Tito Marco, mas makapangyarihan ang ama ng spoil bratt na Ivan na yun.

Science book...madali lang yun mahanap kaso hindi nya nga yun alam. Sa dami ba namang science book... magugulat na lang ako kung mahanap nya yung librong tinutukoy ko.

Ang librong iyon ay matagal ko ng hinahanap... ewan sentimental....tsaka limited edition yun nung mga panahong nasa anim na taon pa lang ako!

Naupo na ako matapos makalapit sa isang upuan. Tinapon ko yung bag ewan kung kanino yun.

"Ayan na sya mga marites!!!!!!" sigaw ng mga babae

Yung transfery siguro

Maya-maya pa matapos ang dalawang minuto....tentenenennnnnn!!!!!!

Ayun pumasok na yung lalaki.

Maganda ang height, malinis tingnan. Maputi, singkit, nakasalamin at mukhang matalino. Naka brace at parang once a month nag eexcercise.

Gusto ko mang itanggi ngunit ganan talaga ang tipo ko sa lalaki.

Namangha man ng konti... dapat cool pa ren...president yata to

Nakabukaka akong umupo at mag ka-cross ang mga braso.

Tumigil ito sa harap ko at tumingin ito sa akin na para bang nadidiri! Anong karapatan mo!

"Welcome! Ako ang Class president dito, dito ka sa tabi ko maupo" sabi ko pa na agad nya naman nyang nginiwian.

"At kayong mga tilapya kayo back to your seats!" sigaw ko sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya pati mga lalaki nakisosyo na ren.

Agad sumunod ang lahat sa akin hanggang sa dumating ang mga teachers namin.

Nakakailang umupo ang isang ito. Kung makaupo kala mo bakla. Ang aming mga guro naman ay hindi mapigilan ang katititig sa lalaking yun.

Di ko narinig pangalan masyado yung tilian ng mga kurimaw.

Napakahusky ng voice nya aba....

Pero wala pa ren. Nakaramdam ng kaba pero...putcha ngayun lang toh ahh.

Pag nagrerecite ako hindi ako kinakabahan...bakit

Nakita ko si Ivan na panay ang silip sa lalaking katabi ko. Nabakla na yata.

Lunch break

Naabutan ko ang gumiho na si Ivan na may walong buntot (alagad). Putcha kaharap nila yung lalaki baka resbakan.

Naglakad ako para makichismis

"Woi Ivan ano ito? Kung magsusuntukan kayo dun kayo sa stage. Gagawa na ba ako ng invitation para sa mga teachers para mapanood naman yung suntukan nyo? Kasi kung dito, naku walang makakanood ng maangas mong mga suntok"

Nagawa ko na yun dati.

"Wala kasi syang kaibigan babe kaya sinusubukan naming makipagkaibigan sa kaniya"

"...kawawa naman lapitin ng mga babae...magiging mahirap sa kanya pag wala syang tropa dito"

"Hindi ako biik...wag mo akong tawaging babe, isa pa talaga at paghuhugasin kita ng mga pwet ng kindergarten na nakatae sa loob ng klase." seryoso kong banta

"Konti nalang Psalm....makukuha rin kita" nagflying kiss pa ang gumiho hayyyy kawawang lalaki.

"Mag lunch ka na! After non punta ka na sa room may ibibigay ako" ang ugok di man lang tumingin sa akin

"Okay" sabi nito sabay alis.

Edi okay! Sungit

Unintentionally loveWhere stories live. Discover now