Chapter 6

10 0 0
                                        

Nag simula itong mag drive palayo

"Im 18, nung 6 pa.."

Nagulat ito sa sinabi ko.. halata sa mukha. Kala nya yata minor pa ko...major na toh

"Lets celebrate tonight then" seryoso nyang sabi

Pinakatitigan ko ito.

"Masyado mo yatang....nicareer yung pagiging fake nobyo ko" napakainit

Huhubadin ko sana ang push bra ko sa harap nya ng sigawan ako nito!

"FUCK! GINAGAWA MO!?"

"Mainit"

"Seven eleven na lang tayo... bili tayo ICECREAM...hindi yung ganan na maghuhubad ka"

Napailing iling nalang ako... makasermon

"Ganda ng outfit ko ohh shining shimmering tapos sa seven eleven ang bagsak ko" bago ito lumingon sa akin ay pinalakas nya ang aircon

"Where... saan mo gusto" seryoso nitong sambit matapos akong lingunin

"Sa... resort" pinandilatan ako nito ng mata na ikinatawa ko

Ang cute pala ng gagong toh

"JOWK lang"





"Hija, papasok ka ba? May hangover ka pa yata...saglit bakit ang init ng sammy ko?!" Bungad ni...MOM?

Napaupo ako sa gulat...saglit nakauwi na ako?! Napahawak ako sa noo na syang ikinapaso ko

"Mom... sinong nag-uwi sa aki-" nakita ko itong napa ayos ng upo

Yan na naman kami...

"Sabi ni Dad mo yung boyfie mo daw... Diba.. sabi ko anak.. nag deal na tayona wag mun-"

"Mom, I need to... ginugulo kasi ako ni Ivan tsaka hindi ko na matiis ang lalaking yun..napupuno na ako" tumikhim si Mom at hinaplos ang ulo ko at leeg...

"Papasok ka?"

Tumango ako at nag asikaso na.

"You are not look so well Ms. Riego...everythings allright?"

Feel ko nag eevaporate ako

Nag thumbs up na lang ako at pinilit mag focus.

Palihim kong sinusulyapan ang abnoy ngunit... focus lang ito sa guro

Nag puntahan sa cafeteria ang aking mga kaklase para sa lunch... at ako naman ang nag paiwan... balak kong pumunta sa library dahil wala akong gana kumain...mag basa oo.

Hindi pa man nabubuklat ang libro ay agad na naman itong isinira ng abnoy.

Hindi ko ito nilingon sa inis..

Inilapag nito ang gamot at bottled water sa ibabaw ng aking libro.. sunod ay ang lunch na binili nya pa sa jollibee.

"Paki sabi salamat" alam kong napag utusan na naman ang loko kawawa naman tong si bruno

"tsk.. salamat your face" nakapamulsa itong umalis

Aba gago yun ahhh!

12:59pm....shet 1pm na!

Habang naglalakad patungo sa room ay may humigit ng palapulsuhan ko.

"Should we continue kung ano yung hindi natuloy kagabi?" Nanghihina na nga ako tapos higit gigitin ka pa.

Malas naman oh! Bahala na yan!

Pumikit ako at sumandal sa may pader.. nabuuwiset na ko sa isang to ayaw akong tantanan.

"Putanginamo talaga ma2nd offense pa ko mapapatay ko talaga yang kuko mo sa paa" nakita ko itong nagulat

"Ang init ng singaw mo Sam para kang nag eevaporate!" Natutop nito ang bibig

"I-uuwi na kita!" Hinila na ako nito palabas sa pagitan ng dalawang pader

Nagulat ito ng salubungin kami ng SSG officers...

"Nakita namin kayo sa cctv" sabi ng presidente... yung former vp na walang ambag pero laging nakakakuha ng conduct at compliments

Naroon pala ang abnoy syempre vp na yata yang si bruno

Wala itong emosyon at wala rin ako kaya even.

Sinulyapan ko ang secretary "Pribado kaming nag-usap" sambit ko at bago silang lagpasan ay inabot ko dito ang recording na nacapture ko.

Nakapamulsang nilagpasan sila habang nasiwit pa.

"Angas talaga" rinig kong bulong ng pinakamamahal kong pinsan. Napangisi nalang ako.... haysst bilib na naman sa kajejemuhan ko.

"Bat ka pa pumasok kong di maayos ang pakiramdam mo" bulong ko sa sarili

Lumala yata yung bigat ng ulo ko ahhhh. Mabuti na lang naiperfect ko pa rin yung 60 items sa science.... general biology

Nang makauwi ay nagbihis ako at ibinagsak ang katawan sa kama.

Naalimpungatan ako sa boses ng ipis.

"Ma si Ren pala" pagpapakilala ni Elize

May bisita ba yun.. anong karapatan nyang magpadala ng bisita ehhh nakikitira lang yun dito!

Gabi na pala

Naghilamos ako at nag toothbrush.

Matapos ay nahiga ulit dahil napakabigat ng ulo ko!

Natinag ako at napahiga ng ayus. Bigla ba namang bumukas ang pinto.

Amoy pa lang alam ko na..

Naramdaman kong itinaas nito ang kumot ko.. at naupo sa kama ko

Gago?

Maya maya ay binatukan ako nito!

Napa-upo ako sa galit.

"Bakit ka ba nandito!!!!!! Putragis! King ina!"

"One more profanity hahalikan na kita" seryoso ito

"Nambatok ba naman gag-" naestatwa ako ng hawakan nito ang batok ko at sapilitang inilapit ang mukha ko sa kanya!

Mabilis ko itong ni uppercut!

BUUUUGGSSSHHHH!!

"Shoot!"

Hala dumugo!

Napangisi ako sa isiping napalakas ang suntok ko.

"Gago ka kase!"

Binigyan ko ito ng tissue..



"You know... fake lang naman ang romantic relationship naten... but we can be friends" natawa ako

"Pumunta ka dito para lang sabihin yan?" Nagpigil ako ng tawa dahil napaka effort nya

"No way.. Si Elize ang ipinunta ko actually. School matters. Tapos sabi ng tita mo bisitahin daw kita pinagbuksan pa nga nya ko ng pinto mo" namet na nya finally ahhhh

"Gusto ko na sana itigil yung napag-usapan naten na isang buwan kase.. wala pa rin naman iba kay Ivan.. nang gugulo pa ren... tsaka wala na namang masyadong nalapit sayo kase iginagalang na ng mga iyon ang posisyon mo sa campus."

"Kaya gusto ko na tapusin yung napag-"

"Deal" mabilis nitong inilahad ang kamay. Tinanggap ko iyon at tinulak na sya palayo sa kama ko

"Hey.... gusto kong maging magkaibigan tayo" seryoso ang mga mata nyang natatakpan ng makapal nitong salamin

"Hindi ako interesado na maging kaibig-"

"Zach"

Totoong ugnayan na ito..walang halong pagpapanggap... kung sakali man, baka sya ang kauna-unahan kong kaibigan... ano ba ang kaibigan?


"Hmm.. oo ba"

Wag kang bibigay babae! Huwag ka lang makararamdam ng iba... ikapapahamak mo iyon!!! Oras na magkagusto ka at maging interesado sa lalaking ito... mawawala ang pokus mo... di ka makakagraduate... babagsak ka.... masasanay ka....huwag kang .Mahuhulog sa patibong nya.

Unintentionally loveWhere stories live. Discover now