Nakatunganga ako ngayon sa canteen, hinihintay si jacob, kasama ko si yvone at yung dalawang kumag. Si kino at lupen, kino is my cousin while the two was my childhood friend."Te, wag ka ngang tumunganga lang diyan akala mo naman hindi ka pupuntahan ng jowa mo." Yvone
"Ang tagal niya kasi, ang sabi niya ay saglit lang siya." ngumuso ako sa tatlo.
Siniko ako ni lupen, kaya inis ko siyang tinignan pero ngumiti lang siya saakin at siyaka tumingin kay kino na busy sa pag c-cellphone.
"Hindi naman sa pinag-o-overthink kita ha, what if..." Putol na sabi ni yvone sabay tawa ng malakas.
"Stop that yvone, your not helping." Banas na sabi ni kino.
"Oo nga yvone, paepal ka masyado." Ani lupen.
"Tangina niyo pareho." Nakatanggap ng batok si yvone galing sa dalawa.
"Stop it, hanapin ko nalang si jacob." Sabi ko sa tatlo.
"Sama ako." umiling ako kay lupen.
"Antayin niyo nalang ako."
Sa Paghahanap kay jacob ay napadpad na ako sa likod ng school. Tanging kubo at bodega na ang makikita dito. Panay narin ang tawag ko sa pangalan ni jacob. Nauuhaw na ako dito. Tuyong tuyo na ang lalamunan ko kakatawag sa pangalan ng boyfriend ko.
"Jacob? Babe are you there?"
I stopped walking when i hear someone moaning in the nipa hut. Damn it! Bakit ba napadpad ako dito? Mas lumakas ang ungol ng babae habang papalapit ako ng papalapit. Kinakabahan at nanginginig rin ang mga kamay ko dahil mas nagiging mainit ang tensyon na nagaganap sakanila. Nang bubuksan ko na ang pintuan ng kubo ay ganon na lamang ang gulat ko ng may humablot sa kamay ko at binuhat ako na parang sako.
"PUT ME DOWN!" sigaw ko
"Chill," She chuckled at dahan-dahan akong binaba sa pagkakabuhat. "Anong ginagawa mo roon?"
"Hinahanap ko ang boyfriend ko. " Sagot ko sakaniya.
Tumango lang siya at ginulo ang buhok ko bago ako iwan dito. What the heck! Pagkatapos niya akong i-interrupt ay may lakas loob pa siyang iwanan ako dito? Sa inis ko sakaniya ay sumunod nalang ako dito. Nang makabalik ako sa canteen ay sakto namang kakarating lang ni jacob.
"Gagi pre, bakit ang tagal mo?" Natatawang tanong ni lupen sakaniya.
"Tagal dumating ni pres sa student council eh." Sagot niya at ininom ang juice na binili ko para saakin.
Nasa likuran ako nila pero alam kung napansin na ako ng tatlo pagkarating ko palang. But they're still busy asking jacob.
"What happend to your uniform?" Puno ng pagtatakang tanong ni kino sakaniya. Tinapik ko si jacob at naupo sa tabi niya.
"Babe, Saan ka galing?" Jacob asked.
"R-Restroom." Sagot ko sakaniya.
I heard yvone chuckled. Si kino naman sobrang sama ng titig kay jacob na akala mo papatayin na. Napailing nalang ako. He never liked jacob in the first place. Pinilit ko lang talaga siya na tratuhin si jacob as my boyfriend. Kino is really overprotective to me since i do not have any other sibling. Wala rin naman akong magagawa kay kino, Desisyon niya parin ang masusunod kung paano niya tra-tratuhin ang mga taong nakapaligid sakaniya.
"Tapusin mo na 'yan, baka magring na ang bell. " Nakangiting sabi ko rito.
"Thank babe."
"I'll go first." Paalam ni kino at hinila si yvone.
