4

0 0 0
                                        


"Come on slyn, mag enjoy ka naman."

Huminga ako nang malalim at nginitian si lupen. Of course, i need to be happy... Even though is still hurt. mawawala rin naman ito lilipas din naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Jacob is not worth it to cry. He cheated, i don't want to get revenger on him, ang karma nalang ang bahala sakaniya.

" 'Wag mo munang isipin 'yong nangyari sayo slyn." Paalala ni yvone.

Tumango nalang ako ay hinayaan ang sarili ko na mag enjoy kasama sila. Nag-stay pa kaming apat dito ng ilang araw. Medyo gumaan narin ang pakiradmdam ko pero hindi ko parin maiwasan na hindi umiyak tuwing gabi. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kahit na anong sabihin ko sa sarili ay wala parin epekto sa akin.

Lunes na ngayon at may pasok na. Nauna na ang tatlo saakin, talagang nagpahuli ako dahil nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako ngayon o hindi. Baka ay makita ko si jacob at bigla nanaman akong maiyak at ayun ang pinaka ayaw kung mangyari, baka isipin niya ay hindi pa ako nakaka move on sakaniya. Tangina.

"Slyn anak, andyan na ang sundo mo sa baba." napalingon ako kay yaya.

Ako? May sundo? Pero hindi ako nagpakuha ng service ah. Dali-dali akong bumaba sa hagdan habang bitbit ang bag at lunch box ko. Nanlalaki ang mata ko habang pinasadahan ng tingin ang pinsan ni jacob. She's wearing a white shirt and jeans together with a rubber shoes, nakasabit rin sa leeg niya ang id nito.

"A-Anong g-ginagawa mo dito?"

Kamot ulo siyang tumingin saakin. " Sinusundo ka siguro."

" I can walk on my own, hindi ako bata para sunduin pa." Nababanas kung sabi rito.

"I'm sorry."

"Huh?"

"I'm sorry for what jacob did to you. I'm sorry victoria." Sa inis ay nasampal ko siya.

"You know that he cheated on me right? Alam mo?"

"N-No, nalaman ko lang kagabi. He confessed to his parents that he cheated on you, hindi rin kinaya ng konsensya ko ang ginawa sayo ni jacob." She said.

" Go away." Mariin kung utos rito.

"Victoria..."

"Stay away with me. Ayokong makita ang pagmumukha niyong magpinsan."

Patakbo akong umalis sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Napakapit ako sa bakal at hindi mapigilan na hindi maiyak. Why the heck she saying sorry to me? Damn it! Damn you jacob. Imbes na ikaw ang humingi ng tawad ay pinsan mo pa ang gumawa.

"Hindi magandang tignan ang babaeng umiiyak dahil sa pag-ibig." I stopped crying when someone talked in my back.

Nagpunas ako ng luha at lumingon rito.

"Sino kaba?" Pagtataray ko.

"You don't need to know." sagot niya at inabot saakin ang panyo at siyaka umalis.

Eh? Pagkatapos niyang putulin ang moment ko kanina ay bigla nalang itong aalis. Pinunasan ko nalang ang luhang tumulo sa mukha ko, binuka ko ang panyo at nakita kung may pangalan na nakalagay sa panyo.

"Amiah?" Babae?

Nag-stay nalang muna ako dito sa park, mamaya ay tutungo nalang ako sa mall, alam kung puro miscalls na silang tatlo saakin pero nakalimutan ko dalhin ang cellphone ko at tanging wallet lang ang bitbit ko. Makakauwi pa ako sa bahay ng buhay.

Naglibot-libot lang ako dito sa mall, naisipan ko narin na kumain dahil nga lunch at nandito parin ako. Mamayang gabi nalang ako uuwi hanggang sa maging magaan na ang pakiramdam ko. Panigurado naman akong mapapagalitan ako nila kino kaya susulitin ko na ang pag-gagala.

"Miss, are you alone? Can i have a lunch with you?"

"Huh?"

Wait--- she's the girl who gave a me a handkerchief earlier. What the heck is her name again? Wala sa sarili akong napatango, hinila niya ang upuan na nasa harapan ko. Nagbigay rin ng tubig ang waiter sa table namin.

"We met earlier right?" She asked. She has a deep voice. Babae ba talaga siya?

"Y-Yeah"  utal kung sagot rito.

"Name?"

"Huh?"

She chuckled. Tangina kanina pa talaga ako lutang sa tuwing magtatanong siya. Napapikit ako nang marinig ang pagpapatuloy niyang mahinang tawa. Nakakahiya.

"I'm Amiah and you are?"

Inabot ko ang palad niya at nakipagkamay. " Slyn "

Slyn? Why didn't i use my first name?
Damn it! It's because you jus want allejah called you by your first name.  Kaagad akong napailing sa naisip.

" Still a student huh" She said.

Tinago ko kaagad ang I.D na suot ko. Napansin ko naman amg suot niyang office attire. She's already a working. Dapat i called her ate since i do have respect to olders. Nakakahiya na talaga ang araw na 'to.

"Nasa Mid 20's kana ba?" Tanong ko.

"26, I'm still young. " Sagot niya.

"I see."

"Why didn't you invite me in your date, Victoria?"

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa bagong dating. Kunot noo itong nakatingin saakin habang nakapamulsa. Ramdam ko rin ang kaba dahil sa pagdating niya. Kakaiba ang aura niya kumpara sa tuwing nakikita ko siya.

"Is she your sister Slyn?" Tanong ni Amiah.

"H-Huh? N-No... She's my..." I cut my words. Teacher?

"Let's go, ihahatid na kita sainyo." Aniya at hinila ako patayo.

Wala na akong laban kundi ang sumama nalang. Kumaway saakin si amiah habang papalayo kami. Nakalabas kami ng mall at nandito kaming dalawa sa Parking lot, hinahanap ang motor niya. Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko, kaya ako na ang humila nito pabalik saakin.

"What the heck is your problem? interrupting my lunch with someone!" I exclaimed.

Mabigat ang paghinga ko habang siya parang wala lang sakaniya ang nangyari. Why am i overreacting so much? Pinsan lang siya ni jacob? Bakit siya nanghihimasok sa buhay ko? Tangina naman!

"Your making me crazier Victoria!" Sigaw niya. Hindi siya nakaharap saakin, kitang-kita ko ang pagkuyom niya sa kamao.

"I didn't do anything to you, kaya anong pinagsasabi mo dyan."

"Let's go, ayokong makipagbangayan sa bata." Sabi niya at nagtungo sa motor nito. Inabot niya saakin ang helmet.

Ako? Bata? I'm already teenager hindi na ako bata na ngumangawa pa sa nanay nila. Ibabalik ko sana ang helmet ng bigla niya itong hablutin at ipinasok sa ulo ko. Wala akong palag dahil ramdam ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Sakay." Mariin niyang utos saakin.

Kumapit ako sa handler ng motor na nasa likuran at dahan-dahan na sumakay. Pinaharurot niya kaagad ang motor nito mabuti nalang at mahigpit ang kapit ko sa hawakan. Langya! Gusto na ata akong patayin ng hinayupak na 'to. Nakarating kaagad kami sa tapat ng bahay namin. Tinanggal ko ang suot na helmet at binigay sakaniya.

Magsasalita pa sana ako para magpasalamat kahit papaano pero mas mabilis pa siya kay flash na humarurot paalis. Nang mawala na ang paningin ko sa papalayong allejah naisipan ko naman na pumasok sa loob at bumungad saakin ang tatlo na kunot na kunot ang noo.

Sabi na eh, wala parin akong takas sa tatlong kumag.

Diamond of victoriousWhere stories live. Discover now