Season 1: Book of Madness

9 1 0
                                    

Sapilitan na tinulak ni Thunder ang kakambal sa loob ng isang silid nang marinig ang yapak ng paa sa spiral iron staircase sa ikalawang palapag ng lumang library. Hindi sinasadyang nadiskubre nila ang lumang aklatan ng kanilang Great Grandfather Klimt. Hindi nila akalain na sa likod ng spandrel ng grand staircase nakatago ang isang pinto patungo sa underground library ng mansion.

"P*cha bilis!!"

"Ano ba! Huwag mo akong itulak!" Siniko siya ng kapatid na pilit niyang tinutulak papasok sa maalikabok na silid sa loob ng aklatan.

"P*cha, bilis na kasi! Parating na si Lolo Renoir. Para kang babae kumilos!" sita ni Thunder sa kakambal at malakas itong tinulak dahil sa kanyang pagka-taranta. Palapit na ang yapak at sigurado siyang hindi lang sermon ang aabutin nila sa matanda.

Palihim silang nagpunta sa lumang mansion ng mga dela Vega. Mahigpit na bilin sa kanila ng ama na layuan ang kanilang Lolo Renoir. 'Di pa rin kasi nagkaayos ang mga ito, galit pa rin ang daddy nila sa lolo nila. Ngunit hindi nila kayang tiisin ang kanilang lolo. Matagal na nila itong hindi nakikita kaya naisipan nilang itakas ang kotse ng nakatatanda nilang kapatid; si Kara, para bisitahin ang lolo sa Subic. Kaso wala ito nang makarating sila, ang assistant lang nitong si Mang Roben ang nasa mansion. Naisipan na lang nilang maglibot sa mansion habang hinihintay ito, at nadiskubre nga nila ang lihim na aklatan, ngunit nang marinig ang ingay mula sa hangdan sa ikalawang palapag ng aklatan, nataranta sila ng kapatid at pinili na magtago kesa mahuli ng kanilang lolo.

Mahigpit kasi na ipinagbawal ng matanda ang pagpasok sa kahit anong silid sa mansion. Pati ang pangingialam o paghawak sa antique na mga kagamitan ay bawal. Alam nila ni Storm iyon dahil minsan nang naparusahan ang Ate Kara nila sa paglalaro nito sa isa sa mga silid ng mansion.

Ang mansion ay pag-aari ng 1st generation ng dela Vega Clan; ang lolo Hendrickson nila at minana ito ng kanilang Great Grandfather Klimt sa ama nito na siyang pinasa naman sa kanilang Lolo Renoir, at sa daddy sana nila ito ipapasa pero hindi maayos ang relasyon ng mga ito kaya hanggang ngayon ay nasa pangangalaga pa rin ng Lolo Renoir nila ang makasaysayang mansion ng mga dela Vega. 

Hindi nila alam kung bakit maraming bawal gawin sa mansion na ito. Hindi naman sila interesadong malamaan noon, pero dahil sa underground library bigla silang na curious. Ano pa kaya ang lihim ng mansion bukod sa lumang aklatan?

"Hey! We're in, stop pushing me!" reklamo ni Storm sa mahinang boses at kinurot siya.

Tinaas ni Thunder ang mga kamay. "Whoa! What the heck? Did you just pinch my tits?” Pinaningkitan niya ng mata ang kapatid. “Iba na talaga ang napapansin ko sa mga galaw mo Storm. Hindi ka naman—”

“Tch! Baka gusto mo suntukan na lang?” Tinalikuran siya ni Storm. Nakataas ang kilay na sinundan niya ng tingin ang kapatid. Napailing siya sa naisip. Hindi naman siguro, baka malikot lang talaga ang isip niya at kung ano-ano ang iniisip sa kakambal. Imposible naman na malambot ito, imposible talaga ang naisip niya.

Binaling ni Thunder ang atensyon sa silid para tanggalin ang masamang iniisip sa kapatid. Napa-wow siya nang makita ang buong silid. 

“P*cha. . .”

“This room. Ang daming antique na mga bagay ang itinago dito, from books to this crazy armor sh*t,” saad ng kapatid niya.

Umikot ang tingin niya sa paligid. Totoo, ang daming antigong gamit ang nakatambak sa loob ng silid. “Hindi ko alam na collector si Lolo Renoir.”

“Sa tingin ko hindi sa kanya ang mga gamit na ito. Malamang sa mga naunang dela Vega’s ang mga ito.”

“Are you saying sa ninuno natin ang armor na yan? Tch! Don’t make me laugh bro. Tingin mo talaga ganun na katagal ang mansion na ito? Look at that, pang-middle ages yata ang armor na iyan!” giit niya sa kapatid.

𝐷𝑒𝑒𝑤𝑎𝑛𝑖 𝐻𝑜 𝐺𝑎𝑦𝑖: 𝐵𝑜𝑜𝑘 𝑜𝑓 𝑀𝑎𝑑𝑛𝑒𝑠𝑠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon