Chapter 2

1.2K 54 3
                                    

 Devil in Armani Suit
Chapter 2: Thank you

"Ugh!!"

Halos ipukpok ko na ang ulo ko sa pader dahil sa sobra akong naguguluhan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I don't want to marry that bastard, but after seeing my dad slumped in his office looking so miserable...I began having second thoughts.

I kept pacing in my office, nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin.

Papayag ba ako o hindi?

Papakasalan ko ba siya o hindi?

Natigil lang ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto.

"Miss Allison? You have a meeting in ten minutes." bungad saakin ng secretary ko.

Nginitian ko siya. "Pupunta na ako, thanks for reminding me."

Lumabas na nga ako ng office ko at tumuloy sa conference room kung saan magaganap ang meeting.

Sigurado akong tungkol ito sa crisis na kinakaharap ng company.

Bubuksan ko palang sana ang pinto pero hindi ko naituloy dahil sa narinig mula sa loob.

"Why did you let this happen Enrique?"

"This is all your fault Enrique!"

"I knew this would happen, simula palang alam ko nang hindi ka capable bilang CEO!"

"Napakapabaya mo! We shouldnt trusted you!"

Napasandal ako sa pader katabi ng pinto.

Ang sakit, hearing them saying those hurtful words to my father.

How could they say that to him? Ginawa ng dad ko lahat ng magagawa niya, at alam kong alam nila lahat yun.

Why are they so cruel?

Hindi ginusto ni dad na mangyari ito!

I was brought out of my reverie when my phone rang.

Sinagot ko yun ng hindi tinitignan ang pangalan ng tumatawag.

"Hello?" I answered.

[Hello cousin]

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Brenda. I know she's mocking me.

How dare she call me cousin matapos ng ginawa niya saakin? Ang lakas ng loob niya! Ang kapal talaga niya.

"What do you need?" I said coldly.

[Now now cousin, don't be like that.]

Mariringgan ng kasiyahan ang boses niya at alam kong nakangisi siya nang mga oras nayun.

Ganun ba siya kasaya kapag nasasaktan ako?

[Angelo and I just want to invite you on our engagement party next week.]

Ganito ba sila kawalang hiya? Nagawa pa talaga nila akong imbitahan sa engagement party nila?

Talaga bang ipapamukha pa nila saakin kung paano nila ako niloko? Ang kapal talaga.

Nang mga oras nayun naalala ko ang sinabi ni Ichi.

"Girl hindi lang like, Brenda is inlove with Xander since high school. Hindi mo ba napapansin kung paano nagniningning ang mga mata niya when Xander is around?"

Gusto niyo akong magmukhang kawawa ha? Pwes, hindi ako papayag.

Nang mga oras nayun nabuo na ang desisyon ko.

"Thank you." sabi ko sa kanya.

[What?] naguguluhang tanong niya.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya at binaba na ang cellphone ko.

Umayos ako ng tayo at lakas loob na binuksan ang pinto sa conference room.

The first thing I saw was my dad looking so helpless habang sinasabihan siya ng masama ng mga tao sa loob.

"Tama na! Stop it, huwag na kayong mag-alala ako na ang bahala. Aayusin ko ito so kung pwede lang tigilan niyo na ang paninisi sa daddy ko. Just keep your hurtful words to yourself." sabi ko na nagpatigil sa kanilang lahat.

Matapos kong sabihin yun lumabas na ako ng kwarto.

"Thank you Brenda, ngayon alam ko na ang dapat kong gawin."

Kung akala nila hahayaan ko silang lait-laitin nila ang dad ko nagkakamali sila.

Kung akala nila hahayaan ko silang ipahiya ako, nagkakamali rin sila.

Simula ngayon hindi ko na hahayaang magmukhang kawawa ako at ang pamilya ko.

Simula ngayon ipapakita ko sa kanila kung sino ang kinalaban nila.

Humanda sila saakin.

- - - -

a/n : Heto na po ang second chapter :) Hope you enjoy reading it.

Vote and comment po kung pwede :D

Salamat! See you on the next chapter.

Thank you and God Bless po.

Jhen <3



The Devil in Armani SuitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon