Chapter 4

1.3K 57 6
                                    

The Devil in Armani Suit
Chapter 4: The Contract

Allison's POV

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Xander saakin habang dahan-dahang ginagamot ang mga sugat ko.

Nasa loob na kami ngayon ng office niya at magkatabi kami ngayon sa sofa niya.

"Ikaw kaya kaladkarin ko at pagkakalmutin ko diyan, magiging okay ka kaya?" naiinis kong sabi.

Ang sakit kaya.

"So feisty, kaya naman lalo akong nababaliw sa'yo e." nakangiti niyang bulong.

Well kung matatawag yung bulong, since narinig ko naman.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.

I snort. "Huwag mo nga akong lokohin, you know why I'm here." I said.

Alam ko naman na alam niya ang ipinunta ko dito. Kung hindi dahil sa proposition niya, hindi naman ako maliligaw at pupunta sa office niya.

This is the very first time na pumunta ako sa office niya. And I must say, he has a great taste when it comes to his furnitures and office design. It was beautiful and elegant but at the same time masculine.

"So what is your answer? Payag ka na bang magpakasal saakin?" nakasmirk niyang sabi.

Alam kong alam na niya ang sagot sa tanong niya. Alam niya kung gaano ko siya kailangan ngayon. And cheesecake! I hate it!

I sigh. "Yes, payag na ako. But, may mga kondisyon ako." I said.

Hindi naman ako basta-basta na magpapakasal sa kanya ano. Kailangan munang malinaw ang lahat bago ako pumayag na pakasalan siya.

Ngumiti siya. "I knew you would say that, kaya naman I made a contract for us."

Tumayo siya sa sofa na kinauupuan namin at lumakad palapit sa desk niya at kinuha ang isang envelope.

Hindi naman halatang pinaghandaan niya lahat ng ito ano? Mukhang planado niya ang lahat.

And cupcake! Nahulog ako sa ginawa niyang patibong.

Iniabot niya saakin ang envelope na kaagad ko namang binuksan at kinuha ang laman. Binasa ko ito ng maigi.

"The contract simply states na you Allison Aquino ay kailangang magpakasal saakin. You need to do everything a wife should do for me. At gusto ko ilalaan mo lahat ng oras mo saakin kapalit ng tulong na ibibigay ko sa company niyo at pagsalba sa pride at dignity mo."

Lahat ng sinabi niya ay nakasulat sa contract.

"I need to do everything a wife should do for you? What do you mean by that?" tanong ko.

Ano yun? Gagawin niya lang ba akong katulong niya? Asawa ba hanap niya o katulong?

"Ibig sabihin kailangan mong gawin lahat ng bagay that a wife is doing for her husband. You need to live with me, sa isang kwarto at sa iisang kama. You need to attend parties with me as my wife, you have to take care of me and ALL my needs." nakangisi niyang sabi.

Abat iniinis ba talaga ako ng asungot na'to? I need to take care of all his needs?

Nanlaki ang mata ko when realization hit me.

Bago pa man ako makapagreklamo, inunahan na niya ako.

"If you don't agree the door is open. Kalimutan mo nalang lahat ng ito because I won't agree for anything less."

I heave a big sigh. Sa totoo lang inexpect ko na'to. Sa tagal na naming magkakilala alam ko na kung paano tumakbo ang utak niya.

Yes. Magkakilala na kami since we were kids. Close friends ang family namin, so sa ayaw at gusto ko lagi ko siyang nakikita.

Simula pagkabata hobby na niya ang pang-iinis at pagpapahirap ng buhay ko.

Sandaling tumahimik ang buhay ko ng magmigrate sila sa US nung high school kami.

Nagbalik sila ng graduation ko ng college and since then nagsimula na naman ang pang-iinis niya saakin.

"Fine I'll do my best, but I can't promise you anything." I said defeated.

Malaki naman ang tulong niya saakin, the least I could do is to be a good wife for him. Huwag niya lang akong sasagarin at baka mapatay ko siya.

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko. "That's enough for me."

"Pero hindi ako payag na lahat ng oras ko ay ilalaan ko sa'yo. Hindi ako nagpakahirap mag-aral para lang maging katulong mo no!" sabi ko.

Nahihibang na siya kung iniisip niyang ibibigay ko lahat ng oras ko sa kanya. Hindi ko iiwan ang trabaho ko, wala akong balak mamatay sa sobrang pagkabored.

"I didn't mean it like that sweetheart. All I want is for you to spend time with me. Gusto ko sagutin mo kapag tinatawagan kita at tawagan mo rin ako. At gusto ko rin from now on you will always have dinner with me." masuyo niyang sabi.

Napakademanding naman pala ng asungot na'to. Kung hindi lang ako desperada ngayon, lalayasan ko ito.

"Fine. But I want to add something." sabi ko nalang.

Ngumisi siya. "Anything sweetheart."

"I don't simply want to save my pride and dignity, I want you to help me to get even to Brenda and Angelo. Gusto kong makaganti sa kanila." sabi ko.

Hinawakan niya ang mukha ko. "Anything you want sweetheart." sabi niya sabay halik sa noo ko.

- - - - -

"Ano kaya ang relasyon niya kay Sir ano?"

"Oo nga e, galit na galit si sir sa nangyari sa kanya."

"At talagang iniwan ni sir yung importante niyang meeting para lang mapuntahan siya."

Bulung-bulungan ng mga empleyado ni Xander habang palabas ako ng building. Yumuko nalang ako.

Pagkapasok ko sa kotse kaagad na kaming umalis. Nagpahatid ako sa bahay namin.

Tumuloy ako sa kwarto ko at doon nagmukmok dahil sa kagagahang pinasok ko. >_<

Ano na naman ang pinasok mo Allison?

-----

a/n: That's the new chapter guys :) Sana nagustuhan niyo siya.

Vote and Comment if you like the chapter.

Thank you and God Bless guys :)

Jhen <3

The Devil in Armani SuitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon