"Good morning students, I'd like to announce that your on-the-job training will start on Monday. And I already talked to..."
Pagdating ko sa AVR ay nandun na yung Dean of college namin. Sa likod nalang ako umupo dahil yun lang ang available. Maraming estudyante na nasa harap dahil pinaupo ni Dean ang mga nauna sa harap. Saka pagod din ako sa kakaakyat mula sa ground floor hanggang dito sa fifth floor. Nakinig ako sa bilin ni Dean sa amin. Memoryado ko naman lahat, yung mga do's and dont's. Pati yung uniform namin ay dapat maayos daw. Lahat nalang ng bilin ay sinabi ni Dean.
Nang matapos kami sa AVR ay bumaba kami para pumunta sa tignan sa announcement board kung saan kami naka-assign. Habang pababa kami ay narinig ko yung mga kaklase ko na nag-uusap patungkol sa gaganapin sa lunes. Halata yung excitement nila. Akala ko ay hindi na nila pag-uusapan pa yun.
"Mas gusto ko sa A&B Inc. ako dahil maganda daw do'n kaysa sa PS Inc."
"Oo nga no. Maganda daw magpasweldo dun pero hindi naman maganda yung trato ng big boss nila sa mga emplayado."
"Ay oo, narinig ko rin yan sa kapitbahay namin na dating employee do'n sa PS Inc."
Nauna ako sa kanila at hindi ko na narinig pa yung pinagsasasabi nila. Mabagal silang naglalakad kaya naunahan ko na. Marami pa akong gagawin at gusto ko na ring umuwi.
Marami akong tanong sa utak ko. Una doon ay kung saan ako itatapon ng school namin? Aling kompanya ako? Ang naririnig ko sa tsismis ng mga kaklase ko ay napaka-competitive ng school namin dahil sa mga malalaking kompanya daw kami ilalagay para mas malaki ang opportunity namin na magkaroon ng trabaho. Yun naman ang mission ng university namin.
Pagbaba ko kunti palang ang tumitingin sa announcement board. Agad akong tinignan ang pangalan ko kung saan ako naka-assign.
"BSBA..." Bulong ko sa sarili. Gamit ang hintuturo ay hinahanap ko ang pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ko. "Hindi." Bulong ko rin.
Inulit ko pang tinignan ang pangalan ko at kung saang kompanya ako nakadisteno. Pero nadismaya ako dahil sa PS Inc. ako naka-assign. Umatras ako at sinandal ang sarili sa pader na nasa likod ko. Akala ko ay sa maliit na kompanya ako makakapunta. Akala ko ay yung mga matatalino ang ilalagay sa mga big time company. Sana hindi ko nalang ginalingan do'n sa interview ko.
Napamura ako sa isipan. Kaasar. Akala ko pa naman apat beses sa isang Linggo ko lang makikita si Phoebian. Every Sunday ay nakikita ko siya sa bahay ni Lola Gracia kahit maaga pa ay nasa balcony na siya na parang animo'y hari na sinusubaybayan ang mga tao niya. Nagtataka nga ako do'n dahil kada Sabado ng gabi ay nasa penthouse niya ako at naglilinis at nandun din siya syempre. Hindi naman ako makakapasok kung hindi sa kanya at hindi ko rin alam kung anong pin code niya.
Napatigil ako sa paglakad. Muntik ko ng makalimutan na CEO pala siya sa kanyang kompanya. So ibig sabihin ay hindi ko siya palaging nakikita dahil busy siya. Yun nga. Hindi niya ako makikita dahil nasa top floor siya.
Kahit kabado ako nang dumating yung araw na papasok na ako sa internship namin ay sinunukan kong irelax ang sarili. Kung hindi ako relax ay hindi talaga marerelax ang buo kong katawan. Posibleng pumalpak o kung ano pang katangahan ang magawa ko. Nasa labas na kaming mga siyam na estudyante na napili na dito kami sa PS Inc. Ang daming tao na naka-corporate attire.
Mataas at galante ang kompanya na papasukan namin. Branch lang ito ng PS Inc, nasa United States ang main nito. Mataas na sa akin ang thirteenth floor, pero branch lang naman ito ng PS. Tumingala ako. Nasa gitna ng building ang logo ng brand ni Phoebian. Hindi ako makapaniwala na ang isang makisig, gwapo, at habulan ng mga babae ay isang owner ng isang beauty products. Makeups, lip kits, perfumes, skin care products, basta para sa skin ay siya ang pasimuno ng lahat ng yun. Wala akong lakas ng loob na tanungin sa kanya kung bakit yun ang naisipan niyang gawing business.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...