Chapter 10

7.7K 154 5
                                    

Mahigpit ang kanyang hawak sa akin na parang ayaw niya akong bitawan. Ang seryoso ng kanyang tingin at pareho kaming gulat. Nag-iinit ang pisngi ko. Mabuti nalang at maputla ang balat ko at hindi nadedepina ang pamumula ng pisngi.

Inayos niya ako ng tayo. Nahimasmasan ang puso ko mula sa malakas na kaba.

"Sorry po sir." Hingi ko ng tawad. Yung vacuum ay nasa sahig na pala. Yuyuko sana ako para kunin yun pero naunahan niya ako.

"What were you thinking huh? I told you, just sit down and wait for me." Matigas niyang bulas. Napakagat ako ng labi. Humingi ulit ako ng tawad. "Don't apologize. Get back there. Don't stand if I don't say so."

Bumuntong hininga ako. Humakbang ako palayo pero napangiwi ako nang sumakit ang paa ko. Sinilip ko ang paa ko. Na-sprain yata ako. Paika-ika akong naglakad.

"Wait. What happened? Are you hurt?" Hinawakan ulit ang kamay ko at pinatigil ako sa paglakad.

Kagat-labi akong tumango. "Kaya ko na po ito sir. Okay lang po."

"No, seriously you cannot. Here let me give you hand."

"Sir—"

"Just." Hindi ako makaalma sa kanya dahil mahigpit niyang hinawakan ang dalawang siko ko. Bale nasa likod ko siya at inaalalayan ako. Ang weird dahil para akong baby na inaalalayan niya sa paglakad. Napakagat-labi nalang ulit ako.

Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Malamig ang kanyang kamay at presko ang kanyang amoy. Nakakailang dumikit sa kanya dahil bagong ligo siya at ako... ang dumi ko yata dahil pawisan pa ako.

Todo alalay siya sa akin hanggang sa pag-upo ko sa couch. Akala ko ay iiwan niya ako sa parlour pero nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko. Hindi na siya humingi ng permiso at agad na hinawakan ang paa ko na masakit.

Inipit ko ang dalawang hita ko dahil tinaas niya ng kunti ang paang hawak niya. Inangat niya ang kanyang tingin diretso sa mga mata ko.

"You sprained your ankle. I'll help you but this would cause a little pain."

"Huh? Huwag na po sir— ah!" Napasigaw ako sa sakit at gulat. Naitulak ko siya pero hindi manlang siya natinag. Para sa akin ay malakas na tulak ko na yun.

Maya't-maya ay naramdaman ko na hindi na masakit. May magandang paraan naman kung paano gamutin ang sprain. Hindi yung pipilipitin sa sakit. Ang sakit talaga.

"There. Sorry kung masakit. Ganun talaga." Sabi niya at may kunting ngiti siyang linabas. Bago niya pinakawalan ang paa ko ay nakiliti ako sa mabini niyang haplos nito.

Umakyat pataas ang kiliti na yun hanggang sa mukha ko. Ngumisi ulit siya tapos ay binitawan na ang kawawa kong paa. Pinakiramdaman ko ang paa ko. Hindi na siya masakit. Okay na siya.

"Thank you sir. Naabala ko pa kayo." Sincere kong sabi.

Tumabi siya sa akin. Isang ruler lang ang pagitan naming dalawa.

"No it's nothing. Sabi ko naman sayo, dito ka lang diba?"

Pero ayokong madelay ang trabaho ko dahil sa wala akong pamalit para sa trabaho. Humingi ulit ako sa kanya ng  tawad. Pina-dismiss niya yung sorry ko. Nagkibit balikat ako.

"Did manong come here?" Tanong niya. Umuoo ako at sinabi ko sa yung paper bag na binigay ni manong. "Good. This is for you actually." Sabi na kinagulat ko. Tinuro ko pa ang sarili ko para makumpirma ang huli niyang sinabi.

"Sir? Para sakin? Bakit?" Gulat kong tanong.

Nagtaas siya ng kilay at bumuntong hininga. "Because you're too eager earlier to work on your chores here na hindi na mangyayari yun tonight because you sprained your ankle." Inabot niya sa akin ang paper bag. Nag-alinlangan pa akong tanggapin yun dahil nag-abala pa siyang ipabili ito kay manong. "I won't deduct it to your paycheck. It's just my gift to you. Change your uniform even though you're not going to work."

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon