Ang Alamat ng Mirasol

23 3 3
                                    


Sa isang palasyo, naninirahan ang katangi-tanging pambihirang binibini ng Kahariang Bulaklak- si Prinsesa Aletheia. Wala sa kanyang itsura ang pagiging pilya, at hinding-hindi mo aakalain ang angking galing niya sa pakikipaglaban; Bagkus, matutukoy mo siya bilang isang binibini na hindi makabasag pinggan.

Tuwing kapananghalian, tumatakas ang prinsesa patungo sa tuktok ng bundok upang mag-ensayo ng arnis. Hindi ito nalalaman ng hari maging ng mga kawal at tagapagsilbi nito dahil sa lihim na daan mula sa kanyang silid palabas ng kaharian na tanging siya lamang ang nakaaalam.

Bitbit-bitbit ang matibay na kahoy pang-ensayo, sinugsog niya ng kagubatan patungong bundok. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong niya ang matikas at matalinong prinsipe ng Kahariang Sinag, si Prinsipe Fidel. Gamit ang arnis, sinunggaban niya ang prinsipe ngunit agad na nakailag ito. Nang hahampasing muli ni Prinsesa Aletheia ang prinsipe, hinawakan nito ang kamay ang hinila papalapit at niyapos ang baywang upang hindi na ito makagalaw pa. Sa malapitang pagsilay ng mga mata sa isa't isa, agad na napabitaw ang prinsipe dahil sa ilang.

"Anong ginagawa mo rito, sa hindi niyo naman lupain, prinsipe?", sambit ni Aletheia habang nakapamaywang sa prinsipe.

"Wari ko'y hindi rin naman ito bahagi ng inyong kaharian kung kaya't hindi mo na rapat pang malaman kung ano ang sadya ko rito, prinsesa.", ani ni Fidel sabay ayos ng sumbrero na suot nito.

Dahil sa inis, lumakad na papalayo ang prinsesa. Ngunit sa bawat hakbang nito, ramdam niya ang yapak ng sapatos ng prinsipe.

"Sinusundan mo ba ako?!", mataray na tanong ng prinsesa.

"At bakit kita susundan?", pabalik na tanong ng prinsipe.

"Malay ko ba na gusto mo ako o may balak kang masama, kaya't sinusundan mo ako.", palaban na sagot ni Aletheia.

"WHAHAHA! Hindi ka nakasisiguro, binibini, ako'y pupunta sa tuktok ng bundok upang tanawin ang paglubog ng araw.", sarkastikong sagot ng prinsipe.

"Sa? T-tuk-- tok-- ng b-bundok?!", uutal-utal na sabi ng prinsesa.

"Oh? Bakit ka nauutal? Ikaw yata ang may gusto sa akin eh. Ehem!", pang-aasar ni Fidel.

"Hindi! Ako'y sasadya roon upang magsanay!", pasigaw na sambit ni Aletheia.

"Oh edi tayo na't pumaroon, wala namang ibig sabihin kung pupunta tayo ng sabay roon? Hindi ba?", pangising ani ng prinsipe.

"Syempre at wala talaga!", pagsusungit ng prinsesa.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan; naging laging ganoon na ang kanilang gawa. Magkasasalubong sa kagubatan at sabay na paroroon sa tuktok ng bundok. Pupunta nang tanghali, at uuwi pagsapit ng takipsilim sa dapit-hapon. Ngunit tila nagbago ang simoy ng hanging gayong tapos ng magsanay si Prinsesa Aletheia ay tinabihan niyang umupo si Fidel upang tanawin ang paglubog ng araw.

Sa bawat pang-aasar ay tila may kung anong bulaklak na palang umuusbong na dahilan nang mga paru-parong nadarama ni Prinsipe Fidel sa t'wing nakasasama niya ang Prinsesa.

"Sabi nila, na sa bawat paglubog ng araw sa kanluran, ito ay tanda ng pagtatapos ng bawat kabanata ng ating kwentong buhay..."

"At...", pagputol ni Aletheia sa sinasabi ni Fidel

"At sa pagsinag ng Araw sa silangan, ito ay napapahiwatig ng bagong pag-asa at panibagong pahina ng ating istorya."

Na sa parehong pagkakataon ay gayong magkasing-kahulugan ang damdamin ng prinsesa at prinsipe.

Sinulyapan ni Fidel ang mga mapupungay na mata ni Aletheia habang nakatingin ito sa kawalan.

"Sana sa bawat araw, bawat paglubog nito, kasama kita.", bulong ni Fidel sa sarili, lingid sa kaalaman nito na narinig iyon ng prinsesa.

The Legend of SunflowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon