Kyle’s POV
Napansin ko na medyo natulala si Steph kaya naman tinawag ko ang pansin nito
"Fani are you alright?" tanong ko
"Uhh yeah I just remember something" -siya
"Okay let’s go" sabi ko sabay kuha ng kamay niya
dub.dub.dub.dub
What am I feeling? Possible kaya na
No! Si Laine lang ang mahal ko
"Tara Drew dun tayo sa Extreme" huh?
"A-ahh sige ikaw na lang"
Stephanie’s POV
Hahaha nakakatawa yung itsura ni Drew nung hinila ko siya pasakay sa extreme.
"F-fani i-ikaw na lang h-hihintayin na lang kita."
"Bakit? Takot ka ba?" mapang asar na sabi ko
"Huh! ako takot? Dyan? Hindi noh sige halika na" nung hinawakan niya ung kamay ko ay parang nakuryente ako
Sumakay na kami at nagsisimula ng umangat at
"WAAHHHH MOMMYYYY I SWEAR HINDI NA ULIT AKI SASAKAY DITO WAHHHH"
Hindi po ako sumigaw nyan
Tumigil saglit sa taas tapos biglang bumagdmsak kaya naman sigawan lahat ng tao dito kasama na ako pero ito yung nangibabaw
"WAAHHHH MAAAAMMMAAMMMA KYAHHHHHHHHH" -_- ang ingay naman ni Drew
Nung pagkababa namin ay agad syang tumakbo sa basurahan at saka sya sumuka.
"Drew you okay?" tanong ko kasi ang pula ng mukha niya.
"Y-yeah" sagot niya kaya naman tumango ako at hinila sya papunta sa susunod na ride which is
SPACE SHUTTLE
"Babae ka ba talaga?" humarap naman ako kay Drew at medyo natawa
"Ofcourse magugustuhan ba kita kung lalaki ako?" napansin kong natigilan siya nung sinabi ko yun.
"Yieehhh kinilig ako dun ahh" hahaha nakakatawa yung pagkakabigkas niya ng yieehhh
"Okay so leggo" ako sabay hila sakanya
Unti unti ng umaandar yung sinasakyan namin kaya naman napuno ulit ng sigawan
"KKKKKYYYAAAHHH"
"WWWWAAAAHHHH"
"MMMOOOMMMMYYYY"Ilan lang yan sa sigawan nila
Matapos ang dalawang rounds sa space shuttle ay sinunod naming sakyan ang Anchors Away
Habang umaandar yung Anchors Away ay nagdadaldalan lng kami ni Drew ng kung anu-ano.
Pagkatapos naman namin dun ay mag ririo grande pa sana kami kaso lang wala nga pala kaming dalang extra shirt
Kaya naman napagdesisyunan namin na sa Wheel Of Fate na lang tutal gabi na naman na.
Habang nasa loob kami ay nag uusap lng ulit kami.
"Fani kailan mo ako sasagutin?"
Medyo nagulat naman ako sa tinanong niya
"Hmm malapit na" yun na lang ang nasagot ko
Di namin napansin na tapos na pala kami so bumaba na kami.
Hinatid naman na nya ako.
"Steph anong oras na?" tumingin naman ako sa pintuan at doon ko nakita yung dalawa kong pinsan.
"Uhh ate Madi sorry ahh di kasi namin napansin yung oras" paliwanag ni Drew
"Go to your room Steph" -Kath
"Uhhh mamaya na" sagot ko
"Im still older than you Stephanie" umakyat na ako sa kwarto ko kasi alam kong inis na si Kath.
Yeah alam kong inis na siya kasi sinali na niya yung age namin.
Kyle’s POV
Hinatid ko na si Fani sa bahay nila.
Nadatnan naman namin sina Kath at Ate Madi sa pintuan
"Go to your room Steph" -Kath
"Uhhh mamaya na" sagot niya
"Im still older than you Stephanie" umakyat na ng kwarto si Fani kaya naman naiwan kaming tatlo dito
"Kyle I konw you know that Stephanie has her curfew" oo may curfew si Fani "And you know that her curfew is 7 in the evening" tumango ako kay Ate Madi
"Im sorry ate Madi" tumango na lang siya
"Alright papalagpasin ko ito ngayon pero once na maulit to I don’t know what I can do" sabay smile "If we lose her again" di ko narinig yung last na sinabi ni Ate Madi kaya nagpaalam na ako sakanila ni Kath.
Haaayyyy I Enjoyed this day with her pero sana before 4 months ay matapos ko na to dahil yun ang gusto ni Laine. I hope Stephanie won’t hate me.
============================================================================
Yiieeeehhh kakilig
Pero sino ba si Laine?