Chapter 50 (Smith Siblings)

25.1K 575 4
                                    

Stephanie's POV

Nagpunta ako ng garden para magpalamig pero nakita ko si kua Yves na nakaupo sa bench at nakatingin sa langit.

"Ganda ng stars noh?" Tanong ko bigla

"Uhh Stephanie anong ginagawa mo dito?" Tanong ni kua Yves

"Wala papahangin lang" malungkot na sabi ko

Yves POV

Nakita kong naging green ang mata ni Stephanie

"Wh-why are you sad?" Alam kong malungkot sya dahil halata naman sa mukha nya

"Why can't you accept us as your family?" Biglang tanong nya na ikinagulat ko

Bakit nga ba?

Kasi pinamigay nila ako?

"Tell me" mas nangingibabaw na talaga ang kulay green sa mata nya

Napa buntong hininga na lang ako

"I grew up in Galvez Family. Masasabi ko namang mabait sila. Pinalaki nila ako, pinakain, pinaaral. Isang araw may nakita akong pamilya. Ang saya-saya nila. Nainggit ako kaya hinanap ko ang pamilya ko. Then nalaman ko na Smith pala ako. Na kayo pala ang pamilya ko" nakatingin lang sya sakin at umiiyak sya

Napaiwas naman ako ng tingin

Nagulat na lang ako ng bigla nya ako niyakap

"Kuya" Kuya.. Ang sarap pakinggan

Tinuloy ko ang kwento ko

"Isang araw pumunta ako sa mansion ng mga Smith. Nasa labas lang ako nun. Tapos nakita ko ang isang napakasayang pamilya"

Naalala ko na naman yun

Flashback(9 years ago)

Ang saya nila..

Bakit ganun? Masaya sila samantalang ako nakatingin lang sakanila?

Wala silang kamalay-malay na may isa pa silang anak na kailangan sila?

"Kuya naman ehh..Play na tayo ng cars"  rinig kong sabi ng kapatid kong babae..Si Nicole

Kilala ko silang lahat

Sinong hindi diba? Sila lang naman ang pinakamayaman sa lahat

"Hindi nga pwede Princess. Gusto mo ba pagalitan ako ni kuya Rence?" Sabi naman ng kambal ni Nicole na si Stephen

Sa pamilya nila ako lang ang walang kambal.

Kaya siguro pinamigay nila ako

Umiyak namang tumakbo si Nicole papunta kay Kuya Jay

"Kuya. Ian won't let me play cars with him" sumbong nito

"Hala! Kanina may kuya ahh..bakit Ian na lang tawag mo sakin?" Reklamo ni Stephen at nag-pout pa

Umupo naman si Kuya Jay para magkapantay sila ni Nicole

"Nikko is right baby Nikky. You should play barbie dolls instead of cars". Lalo namang umiyak si Nicole

Lumapit naman si Mr. and Mrs. Smith sakanila

Di ko sila kayang tawaging mom at dad

" Hey! Why is my little baby princess crying?"  Tanong ni Mr. Smith habang pinupunasan ni Mrs. Smith ang luha ni Nicole

"Daddy, kuya Jay and Ian don't want me to play cars" napatawa naman ako dun

Ang cute nya

"And why is that baby?" Tanong naman ni Mrs. Smith

"Because Kuya Rence told them not to play cars and toy guns with me" sumbong ni Nicole

"Hey. I heard my name" sulpot ni Kuya Rence

"Baby Nikky said ayaw mo daw syang palaruin ng cars with her  brother Rence" sabi ni Mr. Smith

Sinamaan muna ng tingin ni Kuya Rence si Kuya Jay at Stephen

"Because she is a girl dad. She should play dolls not cars"  matanda na ito mag-isip kahit 8 pa lang

"Our princess wants it Rence let her play with cars but don't let her drive cars" natawa naman sila pati ako sa sinabi ni Mr. Smith

"Yehey! Can I play now with Ian?" Excited na tanong ni Nicole

"Oopss what did I say about not calling your brothers kuya? Especially your twin?" Napa takip naman ng bibig si Nicole at nanlaki ang mata

Agad syang tumakbo kay Stephen at niyakap ang naka pout na kapatid

"Im sorry Kuya Ian. Nikky will be sad if Kuya Ian is still sad" otomatikong napangiti si Stephen

"Nikko is not sad na so Princess must be happy na" bibong sabi ni Stephen

At ayun naglaro na sila ng toy cars

Umalis na ako sa lugar na yon

Masaya naman na sila ehh

Di na naman siguro nila ako kailangan

End of Flashback

"Simula nun tinatak ko sa isip ko na Galvez ako at hindi Smith. Dahil kung kaya nilang maging masaya kahit wala ako pwes kaya ko rin" sabi ko

"Hinanap ka ni Mommy tsaka ni Daddy pero may nagsabi patay ka na daw." Pano nya nalaman yun?

"Pano mo nalaman na kapatid mo ako?" Kasi napakaimposible ehh

Mas matanda ako sakanya at nawala na daw agad ako sa puder ng Smith pagkapanganak pa lang sakin

"Narinig ko lang si Mom at Dad.....Kuya.......Pwede ka bang sumama sakin? Sa bahay?" Sasama ba ako?

Handa na ba ako?

Kita kasi ang lungkot sa mata ni Stephanie ngayon

Green na Green ang kulay ng mata nya

Napatango na lang ako

Bigla namang nagviolet ang mata nya

"Talaga?! YEHEY! I Love You kuya"

Kakaiba talaga ang mga mata nya

Limang kulay para sa iba't ibang emosyon

****

Edited po ito

Naman kasi! Putol po pala ito di ko po kasi nacheck

Sorry po sa pabitin ng chapter na to

Gangster and Mafia......NERD??? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon