Sensya na po guys pero hindi ko papahabain ang relasyon ni Fani at Drew
--------------------------------
Stephanie's POVAlmost 1 month na rin matapos kong makita yung kissing scene ni Drew at Samantha
And yes kami pa rin ni Drew. Wala tayong magagawa mahal ko sya ehh
Ganito ung nagyari nun
Flashback
Pagtapos kong makita yung scene na naghahalikan ay umuwi na ako kasi wala ako sa mood makipag-away
Kinabukasan
"Fani tara na" hindi ko pinansin yung sinabi nya bagkus ay lumapit ako sa kanya at sinampal sya
*PAAAKK*
"HAYOP KA WALA PA NGA TAYONG ISANG BUWAN NILOLOKO MO NA AGAD AKO?" sabi ko sakanya.
Narinig ko ung yabag ng paa at alam kong yung magkapatid ito
"Let me explain" dahil mabait ako tumango ako sakanya at nag start naman sya mag explain
Di nangielam yung magkapatid kasi alam nilang walang mangyayaring maganda pa nangielam sila
"May nakalimutan kasi ako nun sa room tapos nandun si Lai- I mean Samantha tapos nun naglakad sya sa akin and then hinalikan nya ako that's it" sabi ni Drew.
Tumango ako kasi hindi naman pala sya yung may kasalanan ehh
End Of Flashback
Pero nagtataka lang ako kasi after 3 days ng 1st monthsary namin ay naging cold sya sa akin
"Drew tara lunch na tayo" nakangiti kong sabi sa kanya
"Tsk. May imemeet pa ako" bored na sabi nya
"Ahh ganun ba cge ingat ka" ako tapos lumabas ng room
"Stephanie. Join us in lunch" aayaw pa sana ako pero nakita kong dumaan si Kuya Rence at sumenyas na sumama ako kila Kath
"Tsk. As if I have a choice" nagpahila na lang ako kay Kath hanggang cafeteria
"Uyy andito na pala ang Reyna ehh" sabi ni Cohan
"You don't have to announce it Prince Cohan" napatingin naman kami sa nagsalita
Si Samantha
"Ahh hehehehe" Cohan
"Actually it's not for you Sam" Yves
"Then for who?" Taas kilay na tanong ni Sam
"It's for Stephanie" simpleng sagot ni Kyla
"Pfft- are you joking? She?*turo sa akin* A Queen? O C'mon" mapanuyang sabi ni Sam
"Yeah she's nota queen cause she's more than that" sabi ni Isabelle
Di nila narinig yung sinabi nya nung huli pero ako? Rinig ko
She's right Im not the Queen but Im more than a queen
"Buti alam mo" sabi ni Sam
"Yeah right we know that she is not the Queen but it Kyle's heart? She is the Queen" sabi ni Kath
Napa smirk naman si Sam at may sasabihin pa sana sya kaso inunahan sya ni Madi
"Pwede umalis ka na? Kasi nakakasura yang mukha mo ehh. Parang nawawalan ako ng gana kumain kasi mukha mo yung nakabalandra dyan. Sige ka ikaw rin pag ako nawalan ng gana baka magwala ako dito at mag lips to lips kayo ng paa ng kasama mo." Mukha namang natakot si Sam kaya umalis na sila
Nagtawanan lqng kami at kumain ng tahimik
*********
Uwian na namin kaya eto ako nagliligpit ng gamit ko"Drew sabay tayo uwi" ngiting sabi ko kay Drew
"Pwede ba Stephanie kahit saglit lang naman tigilan mo ako? Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh" cold na sabi nya sabay alis
I lft here dumbfounded ang I didn't notice that Im crying like a baby
He is COLD to me and I dunno why
============================================================================