Nagtaas siya ng kilay sakin. Kung pwede lang na tumakbo ay tatakbo agad ako. Hindi ko maintindihan kung anong utak ang mayroon itong si Phoebian.
"What are waiting for? Christmas? Matagal pa yun." Nakuha pa niyang magbiro sa sitwasyon na'to.
Huminga ako ng malalim.
"Sir Phoebian-"
"I told you, kapag tayong dalawa lang, Phoebian ang itawag mo sakin. Do I have to repeat it all over and over again? Just say sir again and I will deduct your paycheck." Panakot niya.
Hindi ko na napigilan ang hindi mapa-ikot ang mata ko. Kumagat ako ng burger na nakasimangot. Ngiting wagi ang nasa labi ni Phoebian. Malaking kagat sa burger ang ginawa niya. Nangalahati agad ang kanyang burger.
"Pinapunta mo ba ako dito para lang kumain?"
Naputol ang pag-nguya niya at tumingin sakin.
"Because I want to have an early dinner with you. I know it's not even five o'clock yet. But I ordered a lot for us."
Napasinghap ako.
"Hindi ko kayang ubusin ang mga ito. Kung kaya mong ubusin, ubusin mo nalang lahat." Halos sakupin na ng lahat ng pagkain ang buong center table niya. "Baka ma-empatso tayo nito."
"No. Mauubos natin ito." Kumbensedo niyang sabi sa sarili. Nagkibit ako ng balikat. Libre naman niya lahat ang pagkain ay walang problema sakin. Ang sabi niya ay kumain kaya kakain ako.
Lumawak ang ngiti niya ng makita akong seryoso sa pagkain. Pareho kaming nagpapalit ng tingin pero walang may nagsalita sa amin.
May binuksan siyang glassware at nakita ko yung lasagna. Hinatian niya ako. Pareho kaming seryoso sa pagkain. Feeling ko pareho kaming mahilig sa pagkain. Basta pagkain ay hindi ko mahihindian. Tinanggal ni Phoebian ang coat niya at sinampay sa likod ng upuan. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa depinado niyang katawan. May sarili din siyang gym sa penthouse at sa mansyon kaya alam ko na nag-eehersisyo 'to. Halata naman sa katawan niya. Yung muscles palang niya ay parang letsong manok, nakakapanlaway.
Bago pa man mahuli niya ang tingin ko sa kanya ay kinain ko yung lasagna. Minsan lang ako nakakain nito kung may okasyon sa skwelahan. Oo minsan lang ako nakakain dahil hindi naman nasasagi sa isip ko yung mga gusto kong kainin sa gitna ng trabaho. Pero posibleng mangyari na'to sa ngayon dahil may sapat naman akong budget para sa gusto ko.
Pareho kaming nalunod ni Phoebian sa pagkain, hindi namin natignan kung anong oras na. Do'n ko lang din napagtanto na may gamit pa pala akong naiwan sa baba.
"Drat! Si- Phoebian uuwi na ako. Yung mga gamit ko sa baba naiwan ko." Alalang-alala ako sa naiwan kong mga gamit. Paano kung nagsi-uwian na sila ma'am?
"Hold on, hold on. Take a sit." Nahuli ni Phoebian yung braso ko.
Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero nagmatigas siya.
"Sit down. I'll call Gretchen to get your stuffs down there. Just finish your food then we'll settle home." Mahina niyang sabi. Pinaupo niya ako. Gretchen yata ang pangalan ng sekretarya niya.
"Sigurado ka ba? Baka may makakita sa kanya do'n."
Lumalim ang linya sa kanyang noo. "What are you afraid for? No matter what they say they couldn't change the world, Maiarie. So stop worrying about them. Wala naman tayong ibang ginagawa. We are just having our simple dinner."
"Paano mo naman nasabi yun? Hindi mo naman nakikita kung ano ang ginagawa o pinag-uusapan nila."
"Why? Nakikita din ba nila ang ginagawa ko? Just relax. Don't worry ligtas ka naman sakin."
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...