Dalawang put Tatlo

1 0 0
                                    


Ang hirap,
Gusto ko ng umiyak
Nakakapagod,
Gusto ko ng magpapadyak
Gusto ko ng mamahinga
Dahil pagod na ang utak
Pilitin mang puso'y gawing bato,
Ngunit ito parin ay pilak

Napapagod na ako,
Oo totoo!
Gusto ko ng umupo,
Ngunit paa parin ay nakatayo
Piliting mang huwag umiyak,
Luha pari'y kusang tutulo
Isip ay pagod na,
Utak ay tuliro
Kahit ramdam na ang pagod
Hindi parin susuko


C.S | Pagod ngunit 'di
Susuko

Unchain RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon