Anim

3 0 0
                                    


Isa sa mga tanong sa aking isipan
Isa sa mga tanong na hindi mo nabigyang kasagutan
Isang tanong na tumatak sa aking puso't kalooban
Na magpasahanggang ngayon ikaw parin ang laman

Sisimulan ko ang kwento kung saan tayo'y mga bata pa
Ako palagi ang iyong takbuhan sa oras na nalulungkot ka
Ako ang mas natutuwa sa tuwing ikaw ay masaya
At andyan ako't tutulungan ka sa tuwing nahihirapan na

Sa tuwing ika'y umiiyak andyan ako upang ikaw ay damayan
Handang maging panyo upang luha mo'y punasan
Magiging balikat mo kung kinakailangan
Upang maibsan ang iyong nararamdaman

Naalala ko noon magkasangga tayo sa lahat ng laban
Laban sa mga kaaway na gusto tayong saktan
Makikipagsuntukan kung ikaw ay kanilang susugatan
Handang iharang ang katawan huwag ka lang malatayan

Noon kung na saan ka andoon din ako
Susundan ka na parang aso at ikaw ang amo
Magsanggang dikit parang magkapatid ating turingan
Ngunit sa paglipas ng panahon lumayo ka sa akin ng hindi ko namamalayan

Nagtampo ako sayo at dinamdam ko iyon ng sobra
At doon ko napagtantong noon pa lang gusto na kita
Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula
Basta naramdaman ko na lang ito at iyo ding nakita


Nahalata mo na may gusto ako sayo
Kung kaya't lumayo ka at hindi ako sinalo
"Bakit ayaw mo sa'kin?" yun ang tanong ko
Ngunit ang naging sagot mo ang siyang nagpadurog ng munti kong puso

"Hindi kita gusto dahil may gusto na akong iba."
Yan ang katagang hindi ko inaasahang sa iyo'y magmumula
Nasaktan ako ng sobra ngunit ito'y ininda
"Gusto lang kita pero lilipas din ito." yan ang aking wika

Pinilit kong ibalik ang dating tayo katulad noong una
Ngunit hindi na pala pwede dahil kayo na
Kahit masakit hinayaan kitang piliin siya
Kahit kapalit non ay ang ating mga masasayang memorya na kakalimutan mo rin pala

Lalong lumayo ka at kinalimutan na akong talaga
Yung tipong magkakasalubong tayo ni ngiti ay wala na
Pero ayos lang, ako parin ay magiging masaya
Dahil naging magkaibigan parin tayo kahit na pansamantala

Tandaan mo ako parin ang iyong kaibigan
Yung palagi mong masasandalan sa oras ng kagipitan
Sasaluhin ka sa oras ng ikaw ay kanyang bitawan
At aaluhin ka sa tuwing siya ay iyong iiyakan

C.S|Bakit Siya Pa?

Unchain RhymesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon