Dahil may ganap ang SamLy today. I will publish the whole story tonight. Enjoy!
Ella's pov
Ang cute naman nila oh. Nakakatuwang makita si Ly na sobrang carefree. Parang nawala pagod niya from training.
Ay Jema, kung ganyan din lang ang makikita mo after training, mawawala talaga pagod mo. Siguro kung pwede sila mag lapit, naka ilang power hugs na sila, tapos si Ly magiging Super Saiyan na. Perfect! Champion na tayo pag ganun.
Sagot ni Tots sa nasabi ni Jema. Nakikita mo naman ako after training Jema, di ba nawawala pagod mo? O mas lalo ka lang nasstress? Haha! Charot!
Ayan na sila guys, pabalik na from suyuan, ah eh hindi, from ligawan pala. Wait, kamustahan, yan, final answer!
Ginawa mo namang game show to Pangs! Teka, umayos na tayo, paparating na yung food.
Pumasok na si Sam sa restaurant, kasunod narin niya si Ly na lumingon muna sa pwesto nila Sam bago kami hanapin at puntahan.
Soooo, how's your date?
Tanong ni Tots kay Ly na umuupong nakangiti sa tabihan ko.
Haha! Good! Nag kamustahan lang kami ni Sam.
Good?! Guys hindi tinanggi ang date! Where's my phone? I need to capture this moment! Pwede istory?
Oy oy oy Tots! Friends can date, doesn't need to have meaning.
Bwelta ni Ly sa sinabi ni Tots.
Haaay, di nalang ako mag talk.
Sabi ko naman
Tots? Anong pwede istory? Respeto naman kay Ly at sa privacy niya. Teka, where's my phone? Baka much better kung Kumu Live nalang? Wait set up ko na.
Hahaha! Jema mas malala ka! Tigilan niyo na 'ko, mga baliw. Dito na yung food oh, let's dig in!
~~~
We're almost halfway done with our food nang napansin ko na nakatingin si Sam sa direksyon namin habang sumusubo ito ng kimchi. Teka, sakin ba nakatingin to? Anong trip ni Sam? Napalingon ako kay Ly na kasalukuyang umiinom ng tubig, na tila may pag ngiti pang nalalaman habang nakatingin rin sa direksyon ni Sam. Anak ng, yung totoo? Literal na right in front of my salad? Siniko ako ni Jema kaya napalingon ako sa kanya, sabay bulong sakin.
Lagkit ng titigan, besh mo uhaw na uhaw.
Natatawa ako na ewan, napansin rin pala ni Jema. Ly, anu na? Anong klaseng uhaw ba yan? Hay nako, I can tell, this is going to be a long night.
~~~
Nakaka ilang inom, subo, inom, subo na ang dalawang to. Hindi naman nila tinatago ang harutang ginagawa sa mga pasimpleng titigan at ngitian.
Nakita ko naman ngayon si Sam na parang tinuturo ang labi niya habang nakatingin kay Ly. Ano to, nanghihingi na ba ng kiss? Sinilip ko si Ly kung binibigyan na ba niya ng flying kiss si Sam ng nakita ko ang sauce sa may gilid ng kanyang labi. Ahhhh, okay, yun pala yun.
Ly, may sauce ka sa gilid ng labi mo.
Hmm? Besh?
Sa gilid ng labi mo, wait, let me get it for you.
Oh, thanks Besh! Eto siguro yung tinuturo ni Sam. Pag kumakain kasi kami ng sabay sa bahay ni kuya, tapos I have crumbs or something in my face, lagi niya napapansin, tapos siya narin nag aalis.

YOU ARE READING
ROAD TRIP
FanfictionA SamLy AU Fan Fiction. Where Samantha, together with Mama Brenda and Eian went to Clark to visit Alyssa at Hotel Seoul during her PVL Volleyball bubble training.