Parang gusto na magsisi ni Danica kung bakit tinanggap pa niya ang magiging substitute Filipino teacher s St. Florence High. Hindi na niya ma-take ang mga pasaway ba estudynte roon. Hayun at pinagtatawanan siya ng buong klase habang bagsusulat siya sa blackboard. May isang naughty student pa na naglakas-loob na gawan siya ng prank. Nilagyan nito ng chewing gum ang knyang upuan. Ang siste, dumikit iyon sa knyang puwitan nang Hindi niya namalayan. Natuklasan lamang niya iyon ng marinig niyang nagtatawanan ang mga estudynte niya at nakatingin sa likod ng knyang palda.
"Wala ba talagang aamin? "Galit na sabi niya sa mga ito. Matigas ang mga ito, nangingitian at nagbubungisngisan pa ang mga ito.
Pinigil biya ang magmura. Napahilot na lamang siya sa knyang batok na naka-expose dahil nakataas ang kanyang buhok na inipitan niya ng clamp.
Nagtaas siya ng boses. "Talga bang Hindi kayo makuha sa pakiusap? .
"Don't tell at us", sabi ng isang babaeng estudynte na nakaupo sa last row. Nakaitim na hoodie ito at undershirt na may green abg white stripes. Maikli ang buhok nitong naka-spike gamit ang wax. May dalawang hoop earrings ito sa isang tainga at isang malaking dangling cross naman sa isa pa.
Ibang-iba ang ayos nito kompara sa mga clasmte nitong babae na karamihan nakasunod sa uso ang istilo ng pananamit kapag Myerkules kung kilan allowed ang civilian clothes. Ang mga babaeng estudynte niya ay parang mga dalaga na kung manamit at magsuot ng accessories. Angviba ay naka make-up pa
"Paumanhin? "Sabi niya sa babaeng estudynte. Kung hindi siya nagkakamali, ito si Marianita Sebastian, anak ng may ari ng Aling Viola's, isang malaking meat processing plant sa Tierra Roja na gumagawa ng Tocino, hotdogs, tapa at longganisa.
"I said, don't tell at us, ulit nito sa mas malakas n boses.
Mayroon pa siyang naalala sa batang ito. Binabalaan na siya ni Johann-ang knyang kaibigang guro din sa paaralang iyon--na problem student daw si Marianita. Sakit daw ito ng ulo ng mga teacher at Suki sa Principal's Office. Madalas din itong lumiliban at mag-cutting class.
Lumapit siya rito. Marianita, ilang bese ko ba ipaalala sa inyo na sa klase ko, lahat tayo ay dapat magsalita ng wikang Filipino? .
"Why? Hindi mo Naintindihan sinabi ko? " Tila naghahamong tanong nito.
Muli ay nagtawanan ang lahat.
Pakiramdam niya ay umusok ang ilong niya. "Baka ikaw ang hindi makaintindi ng simpleng alituntunin at regulasyon.
Umugong ang kantyawan sa buong klase. Hindi nakahirit sa knya si Marianita. Tiningnan labg siya nito ng matalim. Ngunit sa knyang pagtalikod dito ay may pahabol pa pala ito.
"Substitute teacher ka lang, "nang-uuyam na savi nito.
Muli niya itong nilingon. "Alam ko. Hindi mo na kailngan ipaalala. "Muli siyang naglakad patungo sa harap ng klase." May dagdag pa pala akong araling bahay Para sa inyo, kaswal na sabi niya na nagdulot ng ingay sa klase. "Tahimik!!!! " Saway niya sa mga ito. "Gusto kong gumawa kayo ng ulat aklat na kahit anong librong nasusulat sa wikang Filipino. Inaasahan kong maipapasa nyo yan sa akin sa sunod na lunes.
Lalong lumakas ang ingay. Nagmamaktol ang ilan, may nagkakamot sa ulo, may nagdadabog, may sumimangot at humalukipkip na lang. Lihim na nagbunyi siya. 😊😊
BINABASA MO ANG
MY SEXY BOSS
FanfictionNang alukin si Danica ng napakalaking pera ni Gareth Sebastian para maging tutor-nanny ng pamangkin nitong si Marney, walang pagdadalwang -isip na iniwan niya ang pagiging substitute teacher. Sa isip niya mas madaling i-handle ang isang bata...