Sumama din naman sakin yung mga girls dito sa garden... Nandito kami ngayon at pinapanood yung mga boys na nag lalaro, ampt mga isip bata.
_____
Habang nanonood kami ay lumabas naman na yung mga bata kasama si keifer kaya kinarga ko siya
"Madami ka bang natutunan nak?" Tanong ko sakanya
"Yes mommy" tanging sagot ni keifer at nanonood din kila simon habang nag lalaro
"Mommy inaantok ako, I want to sleep" sabi ni keifer
"Okay Lets go, ah guys punta muna kami sa taas inaantok daw to eh" sabi ko sakanila
"Go ahead" sabi nila kaya pumasok na kami sa loob at pumunta na sa room ni simon
Pag pasok namin ng room ay puro black yung room niya pero may halo namang pula.. favorite color yern?
Pinatulog ko na si keifer at hindi ko namamalayan na nakatulog na din pala ako.
______.
Tapos na kaming mag laro dito sa garden at napansin kong wala sila belle at keifer kaya tinanong ko si pops.
"Pops do you see my wife and my son?" Tanong ko kay pops
"Nandun sila sa kwarto mo, pinapatulog niya si keifer" sagot ni pops kaya agad akong tumakbo
"Hoy simon kala mo naman iniwan kana eh" rinig kong sigaw ni sandro pero hindi ko na pinansin
Binuksan ko na yung pinto ng room ko at nakita kong tulog na pala silang dalawa kaya kinuha ko yung camera ko at pinicturan ko sila... Wala lang ang cute lang nilang tignan.
YOU ARE READING
My Secret Girlfriend Into Wife (JSM FF//COMPLETED)
FanfictionSimon Marcos is very popular on social media but he's a private person.