CHAPTER 1

14 6 0
                                    

Spring's POV

First day of school na! Excited na ako sa new school na papasukan ko. Yes, new school. Galing kasi ako sa States at sabi nina mommy, dito na daw ako mag-aaral. Tutal, Pilipina naman ako eh. Ok lang . As long as they will support me, it's alright.

"Hija, anak, ready na 'yung pagkain." Mama Oddie, ang pinaka da-best na kasambahay -- ang nag-alaga sa'kin mula pagkabata. Kasama ko siyang pumunta dito sa Pilipinas. Pilipina din siya. Siya lang ang kasama ko dito.

"Ah. Sige po mama. Salamat po." Sabi ko naman.

"Anak, ready na din ba ang gamit mo sa school?" Tanong ni mama Oddie.

"Opo mama." Masiglang sagot ko naman.

Pagkatapos kumain, kinuha ko na ang bag ko at lumapit kay mama Oddie.

"Mama, alis na po ako." Sabi ko at nagkiss sa cheeks ni mama.

"Sige anak, mag-iingat ka. Galingan mo sa school ha." Nakangiting sabi naman ni mama Oddie.

Umalis na nga ako.
Dahil nag-iipon ako at wala akong sariling sasakyan, nag-commute na lang ako papunta dito. Pagdating ko sa school, nagulat ako. Wow! Ang laki nitong Mauville Academy. Mas malaki pa 'to sa pinapasukan kong school dati sa States. Ang gaganda at ang ga-gwapo pa ng mga nandito. Mga artistahin ang dating. Kung ikukumpara sa akin, di-hamak naman na mas magaganda 'yung mga nandito. Pati kung papansinin mo sa mga hile-hilerang sasakyan, mahahalatang sobrang yaman ng mga nandito. Bakit kaya dito ako ipinasok nila daddy? Although masasabi kong mayaman din naman ang family ko, wala talaga akong masabi sa mga nandito.

Pero ang tanong, may maging close kaya ako dito?

****************
Author's Note :
'Pag ang tawag ni Spring ay 'mama', it refers to her yaya Oddie.
Then if she say 'mommy', it refers to her real mother.
' Yun lang ^_^ :)

MORE THAN THATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon