CHAPTER 2

14 6 0
                                    

Spring's POV

Hinahanap ko ang room ko nang bigla akong may nabangga. Nahulog ang mga gamit ko kaya pinulot ko ang mga ito. Hinihintay kong may tumulong sa akin pero wala. Alam kong lalaki ang nakabangga ko pero hindi man lang siya nagpaka-gentleman. Habang nag-pupulot ako, napansin ko na lang na unti-unting tumatahimik ang nasa paligid ko at padami nang padami ang mga pumapalibot sa paligid ko. Pagkatapos kong pulutin lahat ng gamit ko, tumayo na ako at aalis na lang sana. Pero biglang may kumapit sa braso ko at nahulog nanaman ang mga gamit ko.

"Ano ba? Hindi mo na nga ako tinulungan magpulot ng mga gamit ko, nahulog nanaman dahil hinila mo pa 'yung braso ko!" Pagalit kong sabi at kumawala sa pagkakakapit niya.
Pinulot ko uli 'yung mga gamit ko. Pagkatapos kong pulutin 'yun, hinarap ko 'yung lalaki at halos mahulog ang panga ko sa sobrang gwapo ng nasa harap ko at ng mga nasa likuran niya. Kaso ang problema, napaka arogante niya. Ewan ko lang sa mga kasama niya.

"Say sorry." Cold na sabi nung nakabanggaan ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Huh? Ako? Mag-so-sorry? Kanino? Sa'yo? Wow hah. Hindi mo na nga ako tinulungan eh." Sabi ko naman.

"I said, say sorry. Say sorry to me or else you'll be punished." Sabi naman niya in a cold tone. Wow hah. Talagang ako pa ang kailangang mag-sorry?

"Bakit naman ako mag-so-sorry sa'yo? Ano bang kasalanan ko?" Oww , great. Just great Audrey. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao.
"It's your fault." Sabi naman niya at tinitigan ako sa mata. Wow! Ang ganda ng mata niya. Kaso, napaka-cold. As if namang matatakot ako sa tingin niya.

"Oww. Let me rephrase that. It should be not 'Its your fault'. It should be "It's our fault. Mag-sorry ka din sa'kin." Sagot ko naman sa kanya. Asa naman siyang mag-so-sorry ako sa kanya.
Tiningnan ko 'yung mga nasa likuran niya at sinabi nilang mag-sorry na lang ako. Tapos parang kinakabahan 'yung mga tao sa paligid.

"You're new here, right? Be ready, your punishment will be on our recess time." Sabi niya naman at naglakad na paalis. Sumunod naman sa kanya 'yung mga kasama niya. Sisigawan ko pa sana siya nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Dapat nag-sorry ka na lang." Sabi nung lalaki na nasa gilid ko. Tatanungin ko pa sana siya kung bakit pero bigla nanaman siyang nagsalita.

"Bago ka lang. Hindi mo pa kilala ang mga tao dito. Lalo na sila. Ako na mismo ang nagsasabi sa'yo, hindi mo magugustuhan ang gagawin niya. " And by that, he passed me by.

MORE THAN THATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon