CHAPTER 3

9 6 0
                                    

Spring's POV

Kung ano pala ang ikinaganda ng school, ikinasama naman ng mga tao dito. Lahat ba o siya lang talaga? Ang ganda naman ng unang araw ko dito.
Tinuloy ko na lang ang paghahanap ng room ko. Pero dahil sa sobrang lawak nitong Mauville, nahihilo na ako kakahanap ng iisang room.
Biglang nag-ring ang bell which means umpisa na ang first class.
Maya-maya, may lumapit sa'kin na estudyante at tinanong kung bakit nasa labas pa din daw ako.

"Miss, nag-start na ang first subject. First day of school, cutting ka na kaagad?" Tanong niya sa'kin. Teka? Bakit naman ako mag-ca-cutting?!

"Hindi ako marunong mag-cutting." Simpleng sagot ko naman.

"Gusto mo turuan kita? Haha! Joke lang. Eh bakit nasa labas ka pa?" Sabi naman niya.

"Hinahanap ko kasi ang room ko. Transferee kasi ako. Ikaw? Bakit nandito ka pa?" Tanong ko naman sa kanya. Great Audrey! Makipag-kwentuhan ka pa sa stranger. Late ka na nga eh.

"Inutusan kasi ako nung teacher ko. Ano nga pala year and section mo?" Sabi naman niya.

"3rd year, section A." Sagot ko naman.

"Ah. Kaya naman pala hindi mo makita. Mahirap kasi hanapin 'yun. Kasi, special room. Tara, samahan na kita." Sabi naman niya.

"Huh? Eh, inuutusan ka pa diba?" Sabi ko naman. Tsaka stranger siya. 'Di ko siya kilala.

"Yeah. Nagawa ko na. Kaya tara, samahan na kita." Sabi naman niya.
Um-oo na lang ako tutal, kailangan ko na rin naman ng tulong niya. Actually, hindi naman siya mukhang nakakatakot. Ang gwapo nga niya eh. May dimple, ang gwapo ngumiti, ang tangkad, matipuno tapos-- Tsss. Bakit ko ba siya dine-describe?

Tapos, yun na nga. Sinamahan niya na ako. Hindi kami nag-uusap. Ang tahimik, as in. Walang nagsasalita sa'ming dalawa.
Maya-maya pa, nakarating na kami sa isang garden. Maraming magandang flowers, tapos, may fountain, tapos, sa gitna, may napaka-gandang building. Ang ganda talaga.

"Hmm? Anong ginagawa natin dito? Akala ko, sasamahan mo ko sa room?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga." Simpleng sagot naman niya.

"Eh anong ginagawa natin dito?" Tanong ko naman. Kaming dalawa lang kasi 'yung nandito sa labas.

"I told you. Special ang room ng 3-A." Sabi naman niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"I-ibig sabihin, dito na 'yun?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya na ikinamangha ko naman.

MORE THAN THATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon