Chapter 2 ( First Meet )

166 5 0
                                    

Hi Guys :) Votes po kahit ilan para po sa next Chapter ! Salamat :*

--------------------

Gumising ako ng maaga nagToothbrush , naligo at nag-ayos tumingin ako sa Ref pero walang pagkain

*Ding-Dong*

nang marinig ko na may nagDoorbell agad akong lumabas at tinignan iyon baka si Manager na yun

" Hi Ma'am pinadeliver lang po sa inyo! " pagbukas ko ng pinto ito agad ang sinabi ng lalaking to!

" Ah! Salamat " at agad kong sinara ang pinto binuksan ko kung ano yung nakalagay sa Box at ng makita ko ito ang saya ko napakaraming pagkain .. nilantakan ko ito hanggang maubos

*Ding-Dong* nagmadali akong lumabas at binuksan ko ang pintuan

" Goodmorning Ms. Gillian " si Manager pala kaya pinapasok ko siya " Goodmorning din po manager . Salamat po pala sa pagkain Manager " sabi ko at nagBow sa kanya

" Okay lang yun . Ready kana ba sa magiging Trabaho mo ngayon? " tanong nito sa akin

" Medyo po pero kinakabahan po ako kasi po di ko pa po alam kung ano po ? " sabi ko

" Magiging masaya ka sa Trabaho mo magtiwala ka lang ! Tara na? " tanong nito at tumango ako at lumabas na kami sa Condo

-

ilang Oras lang ang Byahe at nakarating na kami . Isa ulit Building at pumasok na kami sa loob " wait lang Ms. Gillian! " sabi ni Manager kaya umupo ako para itong meeting Area

ilang oras lang at nakarinig ako sa labas na nagtatawanan siguro eto na yung makakatrabaho ko

" Bangtan! Meet Ms. Gillian your New Ass. " Nagulat ako sa sinabi ni Manager kasi pagkapasok na pagkapasok niya ito agad yung sinabi niya tapos eto namang pasok ng mga naggagwapuhang nilalang na mga ito

nakatulala lang ako at ang isa pa sa lahat yung tatlong lalaki na nakasalamuha ko sa Condo . Oh My !

lumapit sakin si Tangkad na may kulay ang Buhok na kulay puti " Hi I'm Rapmon . " pakilala nito sakin tapos lumapit din sakin si Puti parang wala ng dugo hahahaha!

" Hi I'm Suga . " pagpapakilala din nito . nakakahiya sa kulay ko

lumapit si Pogi na may hawak ng Mario Stuff toys

" Hello I'm Jin " Tapos pinakita niya sakin si Mario hahaha! para siyang bata . lumapit sakin si Gwapo na nakaBox Smile hahaha! kita lahat ngipin niya

" Hello . My Name is V " tapos nagbeso siya sakin , yung totoo sila makakatrabaho ko , di nako aalis buh!

" J-hope , Jimin and Jungkook bakit ayaw niyo sa kanya magpakilala? " tanong ni Manager . Hala eto yung napagsabihan kong Commonsense kanina hahaha! katakot para silang nagtataray sakin

" Hyung siya yung sinasabi namin sa inyo na sinabihan kami ng Commonsense! Tss . " Sabi nung Jungkook doon sa V

" Totoo naman kasi! " bulong ko at alam kong narinig ako ni Manager kaya napatawa ito " Naku Guys Sige na iwan ko na kayo binigay ko na din kay Ms. Gillian yung Schedule nyo! Oh Bangtan hindi purkit Ass. niyo na si Ms. Gillian utos dito utos doon na . Siya ang nagligtas ng buhay ko sundin niyo siya " at umalis na si Manager

" May Sinasabi ka!? " pagtataray sakin nung Jimin . pag talaga ako ang nagtaray sa inyo aba! " Ikaw pala yung bago naming Ass. hahahaha! Commonsense pala! " sabi nung Jungkook sakin habang naglalakad lakad sya sa harapan ko yung iba namang mga kaibigan niya nakaupo habang tinitignan ako

At Isa pa sumusobra natong mga to ha? tinatarayan ako

" ee ano bang pakealam mo ha? at ano ba din Problema mo ha? Totoo naman ha! wala ka atang Commonsense ee!!! " Sigaw ko at tinaasan ko siya ng isang kilay nakita ko na tumakbo siya sa likod nung V tapos yung mukha ng mga lalaking to nagulat

" Akala mo tatahi-tahimik lang ako! Sumusobra kana! Sino ba kayo? " Agad kong sabi at taas ulit ng isang kilay kitang kita na takot na takot na sila

walang may gustong lumapit sakin ewan ko mukang takot silang lahat " Ikaw Mario! Magkwento ka? " Sabi ko na nagtataray pero sa huli nginitian ko siya niyakap niya si Mario ng lalapit sya sakin

" Ahmm! A-ano k-kasi! " pautal utal na sabi niya kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat at binulungan ko siya " Wag kang mag-alala wag ka ding matakot . di ako galit sayo hihihi "

biglang siyang napangiti at nagkaroon ng Confidence na magkwento nagulat naman yung mga kaibigan niya nung naganahan siya

" Isa kaming K-Pop BoyGroup . Ang Pangalan ng Grupo namin ay Bangtan Sonyeondan in Short BTS . " Paunang pagkekwento nito

" Oh So kilala niyo ang Exo , Girl Generation , Bigbang etc. ? " Pagtatanong ko

" Oo Artista din kami katulad nila . Kinuwento ka samin nila Jungkook kagabi sabi niya nagulat daw siya kasi hindi ka daw naStarstruck sa kanila nung makita mo sila! " sabi nitong si Jin

" Sige umayos kayo ng upo " sabi ko at umayos sila meron kasi ditong malaking Lamesa parang pagmeeting talaga at umayos sila dun

" Gusto kong makilala kayo at makilala niyo ko! kaya ako ang unang magkekwento para sa sarili ko "

Halata pa din sa mukha ng iba na natatakot sila sakin pero lang dito sa Jin .. nakangiti lang siya sakin

" Ako nga pala si Gillian Vi . Napadpad ako dito sa Korea para sa Trabaho pero sa kasamaang palad yung nag recruit sakin nakulong dahil nakapatay siya . hindi ko alam kung saan ako pupunta tapos nakita ko si Manager na binubugbog kaya tinulungan ko siya . Wala na kong mga magulang simula Bata pa lang ako iniwan ako ng magulang ko sa Lola ko pero syempre ayun maagang kinuha sakin ni Lord si Lola . Since 1st year ako na mag-isa ang nagpaaral sa sarili ko " Pagkekwento ko at halatang nakikinig sila at nawala ang takot nila sakin

" Really? Paano ka nag-aral ng ikaw lang? " pagtatanong nung J-Hope

" Habang nag-aaral ako nagtatrabaho ako . napakadaming dumaan na paghihirap sa buhay ko pero di ako sumusuko at ang pinakamalaking Goal ko ay yung nakapagtapos ako ng College pero sa pilipinas wala akong mahanapan ng Trabaho kaya pumunta ako dito sa Korea! pero wag na kayong matakot sakin, mabait naman ako ayoko lang na dinadown ako! " Tapos binigyan ko sila ng Smile na ako talaga kaya napangiti din sila

" Ngayon lang kami nakakita ng Babae na ganun magalit at Magtaray Hehehehehe! " Sabi nung V at nagBox Smile ulit , kami naman nagtawanan

" Hahahaha! Sorry sa inyo Jungkook , Jimin and J-hope kung napagsabihan ko man kayo ng Commonsense hahahaha! kahit kayo naman diba kakapakilala niyo pa lang tapos tatanungin kayo kung kilala mo kami?! " Sabi ko at Sumang-ayon ang iba at nginitian ko sila

" Okay Wait. titignan ko yung Schedule nyo ..... " at tinignan ko yung Folder at nakita ko ang Date Bukas

nakatingin naman sila sakin

" Bukas sa 'Mnet Mcountdown' ? " pagtatanong ko at nagtanguhan sila

" So Saan tayo ngayon? " pagtatanong ko ulit sa kanila habang yung iba nagkukulitan " May Practice po kami para Bukas! " sabi ni Suga at pumunta na kami doon sa Practice Room

nagMusic naman si Jimin ng ' Let Me Know ' daw ata yun

Mamuri doen i seonyul wieseo

na hollo beotigo isseo

ijen naege malhaejwo

kkeutnatdan geol LET ME KNOW

" Sino yang kumakanta ang ganda ng Boses? " Tanong ko habang nagi-Stretch sila

" Ako po! " Taas kamay na sabi ni V at Box Smile ulit ang gwapo nitong taong to hahahaha! ang Cute pa

xxx

(Gillian Vi sa Multimedia ❤ Ganda ganda)

I Love You (SPG!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon