Chapter 8 ( Fall )

55 2 2
                                    

Nakababa na kami sa Elevator at kasalukuyang nasa Parking Lot kami " Aisle sabihin mo sakin! " pagpupumilit ko kay Aisle

" Okay, Remember last night? Lasing kana kaya dinala kita sa Unit ko. And dahil nga ang taba mo nakabukas ang zipper mo at butones. You know me naman diba? Di ko magagawa yung akala nila. " pagpapaliwag nya ako naman nakikinig ng mabuti. Yun ba yung sinasabi nilang gagahasain ako

" Nakakainis talaga sila! " pagwawala ko. Totoo naman kasi, nakakapaginit ng dugo " O okay na! " sabi niya at tumawa ng malakas pero may napansin ako " Anong nangyari sa Labi mo? Wag mong sabihin na.... " sabi ko habang papalabas na kami ng parking Lot

" Oo per... " sabi nya pero di ko na sya pinatapos " Anak ng!! " sabi ko na akmang bababa ng sasakyan kahit naandar pa ito

" chillax! Okay nanaman e. Hayaan muna na, naDefamation lang nila ako. " sabi niya kaya natahimik ako. Ilang oras din ay nakarating na din kami ng DFA

Binigay ko lang yung I.D ,NSO etc. Mabuti nga e maaga kaming nakapunta ngayon kaya after 30mins ay makukuha na namin ang Passport ng pinsan ko

" Number 17! " bigla kong narinig ito kaya napatayo na ko dahil ito ang Number ko, may mga pinirmahan ako at ng matapos yon ay ibinigay na sakin ang Passport

Dumeretso kami ni Aisle sa isang kumpanya kung saan ipapadala itong pera at passport sa pilipinas

To: Crissel
Napadala ko na ang passport at ang pera. Siguro sa isang linggo mo na yon makukuha

Text ko sa kanya, ano na kayang ginagawa ng pinsan ko ngayon? Konting araw na lang makakasama ko na siya

Crissel's POV

Kasalukuyan akong nakitira muna sa Kapatid ni Kuya Aisle na Bestfriend naman ni Ate Gillian.

" Oh kailan mo ba makukuha yung padala ni Ate GG? " pagtatanong ni Ardi na kapatid ni Kuya Aisle " e ano bang pakialam mo?! " sagot ko. Ang kapal ng mukha ko no? Ako na nga tong nakikitira ako pa tong Masungit

" Parang tinatanong lang! " sagot nito sakin. Na may pagkapilosopo ang Boses. Ewan ko basta nagsusungit na lang ako ng ganun

" Osya wag ka ng magtanong?! " sabi ko sa kanya sabay kuha ng pagkain sa Ref niya. (A/N: Kapal talaga ng mukha!) Oo na Author. Wala kang pake

*tooot~*

Ng marinig ko na may nagtext agad kong kinuha ang Phone ko

From: Ate Ganda
Napadala ko na ang passport at ang pera. Siguro sa isang linggo mo na yon makukuha

Ng mabasa ko to ay agad kong nabuga sa mukha ni Ardi ang iniinom kong Juice
" Sorry Ardi! Pwede pahingi ng Favor? " sabi ko sa kanya na ngiting ngiti

" Ayoko nga!! Pagkatapos mo kong bugahan dyan!! " sabi nito na galit na may pagkasimangot. " Ayaw mo! O gusto mong makatikim nito? " sabi ko sa kanya at agad umamba ng Kamao, halata naman na natakot siya .

" Tignan mo tong tomboy nato nang babarako! Ano ba yon? " tanong nya na may pagkasungit

" Samahan mo ko Nextweek! sa LBC? Nagtext na si Ate Gillian " masayang sabi ko sa kanya wala siyang nagawa kaya tumango na lang siya

Gillian's POV

Pauwi na kami ni Aisle, galing sa Kumpanya ng Padala. Ng marating namin ang Unit namin ng BTS ay agad ko siyang tinanong

" Kumain ka na ba ng Lunch? " tanong ko habang nasa harap kami ng pintuan ng Unit namin ng Bts

" sa totoo lang hindi pa pero magpapade....! " sabi niya pero agad ko itong pinutol " Ayos dito kana kumain! " sabi ko sa kanya at agad syang hinila sa loob ng Condo Unit

Nagulat naman ang Bts ng makita kami at nagulat din naman ako dahil lahat sila ay naglilinis. " Maupo ka muna! Sabihin mo sa akin pag binarako ka ng mga yan? " bulong ko sa kanya. Dumeretso na ako sa kusina para magluto, naaaninag ko namang nililibot ni Aisle ang kanyang mata dahil makikita mo dito ang Iba't-ibang mga Trophy at Medal na napanalunan nila

-

Ilang oras lang at naluto ko na din ang Sinampalukang manok, siguro pag natikman to ng Bts masasarapan ulit sila kahit ako e galit sa mga yan pagluluto ko ulit sila lalong lalo pa at ang bungad nila sakin kanina ay naglilinis.

" Aisle! Kain na tayo? " yakag ko kay Aisle na kasalukuyang papunta na din sa lamesa. Nakita ko naman na ang Bts ay nakatingin sa pinaroroonan namin at halatang gutom na dahil sa paglilinis nila.

" O kayo? Kumain na din kayo! " Sabi ko na may pagkataray, kailangan ko tong gawin para magbigay sila ng Respeto sakin. Namimiss ko na din yung mga kakulitan ng nga to e

Nakita ko namang naglapitan ang Bts sa amin, umupo na sila pero tinignan ko sila ng masama. E kasi naman naglinis sila diba? Ano yon deretso agad sa pagkain! Ge nga Germs Attack! Che

Nagsitayuan naman sila at nagsihugasan ng kamay atsaka bumalik ulit sa lamesa
" Oh Aisle kain ka ng marami ha! " Sabi ko kay Aisle sabay abot ng lagayan ng Kanin at ulam, nakatingin lang naman ang Bts sa amin. Oh ayan marealize nila na di ko sila pinagsisilbihan!

" Kumain na kayo! Ano susubuan ko pa kayo? " Sabi ko sakanila at nagyukuan naman sila " Oh eto oh! Kain na kayo? " sabi ni Aisle sa Bts at inabutan ng mga nakahain sa lamesa nakita ko namang nakatingin ng masama si JK at V kay Aisle at nakita rin ata ito ni Aisle kaya nginitian na lamang niya

Kami lang ni Aisle ang nagkukulitan sa haram ng hapag kainan pag tatawa ako ng malakas mapapatingin ang Bts sa akin, kasi naman si Aisle patawa ng patawa Hahaha!
Ng matapos na kaming kumain, kami na rin ni Aisle ang naghugas naghaharutan pa din kami nagbabatuhan kami ng mga Bula na galing sasabon na pinaghuhugasan namin.

Ang saya talaga pag kasama mo yung Bestfriend mo no?

V's POV

Kung pwede lang talagang manapok kanina ko pa ginagawa e. Kanino? Dito sa Aisle nato, kayabang-yabang! Mas gwapo naman ako sa kanya (^_- )

Nakatingin lang ako sa kanila habang naghaharutan sila. Ang sakit lang na yung taong gusto mo sa iba mo nakikita na masaya Oo gusto ko si Gillian pero kasi bawal e alam nyo naman diba may kontrata kami sa BigHit

" ------- Hyung! " Para kong nagising nung marinig kong may tumawag sakin
" Oy Hyung! Bakit? " Tanong ko kay Jungkook na nakatayo sa harapan ko

" Kanina pa kita tinatawag e! Selos na selos kana ba? Hyung " Nagulat ako sa sinabi ni Jungkook sakin. " Anong sinasabi mo? " Sabi ko sa kanya at hinampas siya ng mahina

" Uh! Hahaha. Kitang-kita na hyung, wag mo ng ipagkaila nakatitig ka sa kanila at halatang malungkot ka " Sabi nito sakin at naglakad paalis

" Dfuq! Halata ba? " Bulong ko sa sarili ko. Paano na to? Nahulog na nga talaga ko sa kanya?

------------------------------

ARMY'S Sorry sa SUPER DUPER tagal ng Update ko! Nasira yung Phone ko e pero Okay na ngayon may bago na kong Baby si Baby 'Samsung J5'
* Continue Voting&Comment kayo?

I Love You (SPG!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon